TREINTA Y CUATRO

17 3 2
                                    

[chapter 34]

After nag-lunch, dumiretso na agad kami sa school. Kasama nga pala namin sila Andrew at Bradley. Nag-usap usap kami ng kung ano-ano, dahil kompleto kami na nag-lunch, kasi may special occasion sa school. But anyways, hindi ako masyadong maka-kain. Iniisip ko kasi yung laban ni Theo.

Pero yun nga ba talaga ang pinapa-ngamba ko?

O dahil, mas marami na naman ang mag-kakagusto sakanya? Gusto ko siyang solohin, pero hindi pwede. Gusto kong sabihin sakanya nung una palang na wag na siyang lumaban sa pageant na yan, kasi gusto ko siyang ipag-damot pero di ko nagawa kasi - the more na hihigpitan mo ang hawak sa tao the more na masasakal sila. At baka masakal sakin si Theo at yun pa ang maging dahilan ng pagka-wala niya sakin.

Hindi pwede yun!

So, hindi ko masabi kung na-accept ko na ba. Pero ang pina-panalangin ko nalang ngayon ay sana manalo sya. Ayokong ma-disappoint sya sa sarili nya. Kung marami man ang magka-gusto sakanya, wala na akong pakelam dun, mas may pake ako sa mararamdaman nya.

So we went back to school. Humiwalay sila Andrew at Bradley, isinasama nila si Tom pero di sya sumama at nagpa-iwan nalang samin ni Sierra.

Pansin ko na parang may hinahanap hanap si Tom.

Siniko ko siya, “Pst! Huy? Sinong hinahanap mo dyan?” tanong ko. Pero pwede rin naman na naghahanap lang sya ng mau-upuan namin.

“Uh,” sabi niya habang patuloy parin sa paghahanap.

“Oo nga, sino?” tanong rin ni Sierra.

“Hinahanap ko sila Mommy, tinext nya ako na nandito daw sila.” sagot ni Tom, habang patuloy parin siya sa paghahanap.

“Hala, sila? Dinala naman yata ni Mommy mo yung buong barangay nyo para suportahan si Dos?” pabirong sinabi ni Sierra.

Siniko ko si Sierra, “Wag ka kasing ganyan ah, papaano ka magugustuhan ni Tom? Eh, parang Sierra ang ulo mo!” I said jokingly.

“He he, nice joke. Talagang ipinares mo pa ang pangalan ko, buset ka! Pero may point ka dun.” bigla siyang napaisip.

“Na, sira ang ulo mo?” I suddenly asked.

“Hindi, baliw!” sinampal nya ako ng marahan sa pisngi. “Na papaano nga naman nya ako magugustuhan kung di ko aayusin ang sarili ko...”

Tom is still searching.

“Wow, parang hindi ko naririnig yang usapan nyo ah? Andito lang ako oh, pagusapan nyo yan kung wala ako.” sabi ni Tom, well, technically, nakikipag-usap sya sa amin kahit na naghahanap sya.

Tumawa ako, dahil bakit nga naman kasi namin pag-uusapan ni Sierra yung ganung bagay about kay Tom kung nandyan lang sya. Maiilang ang tao kapag ganun.

“Ayun sila,” itinuro ni Tom. “Tara, dun tayo umupo.” pag-yaya ni Tom.

Bigla akong kinabahan, oh my gosh, I'm low-key nervous. Ngayon ko palang talaga kasi mami-meet yung mommy nila Tom at Theo.

Naglakad kami papunta kila mommy ni Tom.

At nung nakita ko na si mommy niya, naka-ngiti nung makita si Tom. At lumapit si Tom, nag-beso beso sila. Oh my gosh, ngayon lang talaga ako mapapasabi ng: oh my gosh, ng ilang beses.

“Ma, mga kaklase ko po. Sina, Lacey at Sierra.” inintroduce kami ni Tom. Tumingin siya sa amin.

“Hi po Tita,” I waved then beso beso. Sierra did the same way. Ang pretty ni Mommy nila.

“Hi Girls,” she smiled, a genuine one. “So, sino sa inyo yung girlfriend ni Tom ko?” paloko nyang tinanong. I love the way she adds “ko” napaka-sweet lang.

“Maaaa!” Tom groaned.

Bigla kong itinuro si Sierra, “Siya po!”

“Ahhh...” she showed us a shocking reaction but in a good way. “So, ikaw naman yung girlfriend ni Theo ko?” tumaas yung isa nyang kilay.

“Huh?” tumingin ako sa gilid ko, then sa likod rin. So ako nga yung tinutukoy niya? “Uh- eh- ak-” bigla akong na-utal.

“Just kidding...” sabi niya, in a classy way. Oh my gosh, nakaka-intimidate si Mommy nila.

So ang pwesto namin, pina-gitnaan naming dalawa ni Tom si Mommy nila. Wala e, gusto akong pa-upuin ni Mommy nila sa gilid niya. Napapa-lunok nalang talaga ako.

Ang tagal naman na mag-simula kainis, kahit ilang minutes nalang ang aantayin parang ang tagal parin ng oras at ang awkward katabi ni mommy niya. Buti pa kapag nag-simula na, duon matutuon atensyon niya.

Ramdam ko kung papaano tumakbo ang pawis ko pababa. Omg.

“Ikaw si Lacey diba?” biglang nagsalita si Mommy nila. Napalunok ako ulit.

“Uhh- hehe- opo,” pa-utal utal kong sagot.

“I've heard so much about you.” sabi niya habang naka-ngiti.

“Ay, ganun po ba... Mabait rin naman po si Tom, kaya ganun rin ang ginagawa ko po..” hindi ko naintindihan ang sinabi ko, dahil magulo na sa loob ng utak ko, lahat ng brain cells ko ay nagpapanic na.

“Uh,” she chuckled. “Actually honey, si Theo ang nag-kikwento sakin.” she corrected me.

I was shocked, ini-expect ko pa naman na si Tom ang nag-kikwento sakanya dahil diba nga, bestfriends kami.

“Ah, ganun po ba. Kakakilala ko nga lang po sakanya e, dahil bestfriend po kami ni kuya niya, bestfriend narin po ang turing ko sakanya.” I smiled, para mai-tago ang kaba.

“Yes, I know that. But, malaki ang pinagbago ng Theo ko nung nakilala ka nya. Akala ko pa naman ikaw yung girlfriend niya,” she joked again, oh my gosh, hinuhuli yata ako ni Mommy nila e. “I would be glad if you are. Pero tandaan nyo bata pa kayo...” she added.

Oh my gosh, ganun ba kalakas ang mother instinct? Parang alam ni Mommy nila.

“Ay, hehe, ading ading ko po siya. Tsaka, ako po focus po muna ako sa study.” that's a LIE. Pero yung focus sa studies, totoo yun.

“Oo nga, sabi nga ng Theo ko sakin e. Lagi mo daw siyang pinapaalalahanan na pag-aaral muna unahin.” sabi ni Mommy nila.

“Ay, nahiya po tuloy ako.” kinamot ko yung ulo ko. “Big sister po talaga po nya ako.”

She laugh, yung pangmayaman na tawa.

Hinawakan nya ang kamay ko, “Thank you, napaka-buti mong bata.”

Ipinatong ko yung isang kamay ko sa kamay ni Mommy nila. “Wala po yun, parang family narin po kasi turing ko sakanilang mag-kapatid.”

At bigla ng tumunog yung mic at nagpakilala ang mga emcees.

“Oh, ayan na, magsisimula na.” sabi ni Mommy nila.

Shit! That was a good talk with their mommy. Bigla akong kinabahan noong tumunog na yung speaker. Kinabahan ulit ako para kay Theo.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon