CINCUENTA Y TRES

9 3 0
                                    

[chapter 53]

Paglabas ko ng hospital, masigasig akong bumisita kay Theo at the same time chinicheck-up ako kung okay na nga ba talaga ako... Emotionally, not.

Yung mga tao sa school, some of them were looking at me like they're wondering what just happened to me? And some were doing their chismisan about where I got my cuts and whatsoever. I didn't care about them anyway, what I care the most is alam na nila, alam na ng buong school na ang Mr. Intrams nila ay ako lang ang mahal.

Everytime na nagpa-flag ceremony kami may alay na dasal para kay Theo, na sana gumising na siya at gumaling na siya. Hindi ko mapigilang magpunas ng luha during assembly.

I'm still in my state of trauma. Hindi lang sa nangyari sakin kundi pati narin sa nangyari kay Theo.

Kaya after akong bumibisita kay Theo, dumidiretso ako sa psychiatrist para ma-overcome ko yung traumang natamo ko.

Kasama si Martin, hinahayaan ako ni Mama na pumunta-puntang hospital para mabisita si Theo.

Nang buksan ko ang pinto, tumayo agad si Mommy nila at nilapitan ako.

“Lacey, I'm glad you're here. Sige, bibili lang ako ng makakain at kausapin mo na si Theo ko.” sabi niya.

“Sige po Tita.” I smiled at her.

Hinila ko ang upuan palapit sa kama ni Theo, at hinawakan ang kamay nito.

“Hi?” I waved, mukha akong tanga kasi di naman nya nakikita at wala naman siyang malay. “Nandito na naman ako, kakausapin ka. Hindi ko lang alam baka nagsasawa kana sa akin.” I said.

Tumingin ako sa monitor, walang response.

“Wala na akong maisip na kwento eh.” kinamot ko ang ulo ko. “Alam mo, miss na miss na miss na miss na kita. Sana gumising kana, wag kang madaya. Malapit ng gumaling itong mga sugat ko pero nandito ka parin, tulog. Magdadalawang buwan ka ng tulog dyan, di ka pa ba napapagod na humiga?” tumawa ako, mukha talaga akong tanga dahil kami lang dalawa sa kwarto tapos wala pa siyang malay tapos bigla akong tatawa... Pero unti unti rin naglaho ang mga ngiti sa labi ko.

Tinignan ko yung mukha niya. Words can't express how I feel sa tuwing tinititigan ko siyang emotionless and unconscious. May guilt parin sa puso ko pero kung gising lang si Theo ayaw niyang sisihin ko ang sarili ko.

“Theo ko, wag kang bibitiw ah. Laban lang. Maghihintay ako at hindi ako susuko sayo.” sabi ko. “Alam mo, every night, di ko parin maiwasang isipin na kasalanan ko ang nangyari sayo. Napaka-immature ko at napaka-selfish noong panahon na yun. Dala ba ng alak na na-intake ko? Pero napaka-makasarili ko lang talaga. Ayaw kitang mawala sa piling ko pero hindi ko naman pinapakinggan kung ano ang gusto mo. Puro sarili ko lang ang pinapakinggan ko.” hinaplos ko ang pisngi niya.

“I love you...” tumulo ang luha sa mata ko. “Please say I love you back...” huminto ako ng ilang segundo at di na napigilang humagulgul.

Biglang tumunog yung monitor, napatingin ako habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko. Nag-response sya. Ayaw niya kasi akong nakikitang umiiyak.

“I would take that as I love you back.” sabi ko. Pinilit kong ngumiti kahit naiiyak pa.

“Wala na akong maisip na kwento eh.” I tapped my chin. “Ah oo nga pala, alam mo ba yung mga tao sa school pinagdadasal ka na sana gumaling kana. Every flag ceremony, may naka-offer na prayer para sayo lang-oh diba? Ang famous mo. Joke lang. Pero kung iisipin mo ang daming palang pinapahalagahan ka, kaya gumising kana diyan, wag mo silang pahiyain.” sabi ko.

Pumasok si Tita, may dalang pagkain at napatingin sya sakin.

“Bakit ka umiiyak Lacey anak?”

“Hindi ko na po kasi mapigilan...” sabi ko.

“Hindi gusto ni Theo na makita kang umiiyak, alam mo yun diba?” sabi ni Tita. “Kaya wag ka ng umiyak.” sabi ko.

Tumango ako.

“Magpaka-tatag tayo para sakanya.” sabi niya.

Parang nawawalan na ako ng pag-asa. Kasi hanggang response nalang sya, walang pagbabago, walang improvement. Walang galaw, kahit eyelid niya lang sana or ang kamay niya.

Lumabas ako at pumunta sa roof top ng hospital. Gusto ko ng hangin.

Nakakita ako ng upuan at pumunta ako duon para mag-stay. Wala na akong luha na maiiyak pa.

“Sabi na eh, nandito ka lang.” may narinig akong boses.

Pag-lingon ko, nakita ko si Tom.

“Pwede ba akong tumabi sayo?” tanong niya.

Tumango ako.

Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.

“Ayos ka lang?” tanong nya.

Tumango ulit ako.

Ayoko lang mag-salita.

“Ang ganda naman ng napiling mong spot, kita ang sunset.” sabi ni Tom.

Ngumiti ako.

“Alam mo ba, na kapag lumubog ang araw duon mo makikita ang mga natatanging liwanag?” sabi ni Tom.

“Mga bituin...” I chuckled.

“Oo, mga bituin at buwan.” tumawa siya ng marahan.

“Magaganda sila, yun nga ang inaantay ko eh bago umuwi.” sabi ko.

“Ganun ba? Alam mo ba na kapag may liwanag may pagasa?” tanong niya sakin.

I looked at him, slightly confused.

“Saan pupunta itong usapan na ito?” tanong ko.

“Diba yung liwanag na dala ng araw ay kitang kita mo? Pero yung liwanag ng buwan at bituin sa dilim mo lang makikita pero hindi nawawala.” he stated.

“Oo, at?” tanong ko.

“At kapag pakiramdam natin nawawalan na tayo ng pag-asa, wag tayong tumigil sa paniniwala. Dahil hindi ito nawawala tulad ng bituin at buwan, tanging tayo lang ang namimili na hindi makita ang mga yun kaya pakiramdam natin na minsan walang bituin, walang buwan...”

“Gusto mo bang sabihin sakin na, wag akong mawalan ng pagasa?” tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. “Para kay Dos.”

Hanggang sa biglang may nag-sink in sa utak ko. Nag-flash back ang mga nakaraan.

Yung time na isinusulat ko yung note ko sakanya.

Yung time na binasa niya ang nakasulat sa note ko na:

Sa dami ng bituin sa langit,
Sa nakaka-akit na ilaw ng buwan,
Ang liwanag ng pag-asa na bigay ng araw.
Isa ka sa natatanging gusto ko sa aking buhay.

“AH, TAMA!” napasigaw ako. Tumingin ako kay Tom, “Thank you, thank you Tom!” hinalikan ko siya sa pisngi.

“Teka? Gusto ko lang naman sabihin sayo na wag mawalan ng pag-asa ah?” sabi ni Tom at nagmadali akong umalis at pumunta sa bahay.

Tama, babasahin ko sakanya ang mga tula na ginawa niya para sa akin. At baka yun ang maging dahilan ng pagka-gising niya.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon