VEINTISÉIS

43 5 13
                                    

[chapter 26]

Hindi muna ako tumuloy sa Jollibee, kasi napagusapan namin na magkikita muna kami sa harapan ng municipal hall ng bayan namin. So, doon na ako bumaba at may nakita akong naka-stripe dark blue, light blue and white. Siguro siya ito.

Nakaupo sya sa isang bench magisa, habang nakatalikod. Naglakad ako papunta sakanya, pero huminto ako after a moment, at 3 feet away ang layo ko sakanya.

“Pst!”

At lumingon sya sa akin, malungkot ang mga mata. Hindi man lang ngumiti o nag ‘Hi’ o kahit na anong pagbati.

Tumayo sya at naglakad, tila gusto niyang sundan ko siya. Pero wala akong nagawa, sinundan ko parin sya.

“Huy Theo! Saan ka pupunta?” I asked yelling.

Napahinto sya at lumingon sa akin pero nakatingin lang sa ibaba at di ako tinitignan. At nagpatuloy na naman siyang maglakad. Kaya sinundan ko na naman.

Grabe naman palang mag-tampo ito. Pero di niya rin naman ako matiis, kasi alam ko iindianin niya ako ngayon e, pero di niya ginawa.

At nakita ko papunta sya sa kulay maroon na kotse, teka, yun yung kotse na drinive ni Tommy noon ah? Sya yung nag-drive?

“Theo?! Kausapin mo naman ako oh?” I pleaded pero di parin niya ako pinapansin. At tumakbo ako bago pa man niya mabuksan ang pinto ng kotse pinigilan ko siya.

Kaunti palang ang nabubuksan niya ng tinulak ko. At napatingin siya sakin. Tinignan ko siya ng masama.

“Papansin mo ako o papansinin?” tinaasan ko siya ng kilay. “Kailangan mong mamimili.” I said.

He gulped and looked at me.

“O” he said.

Kapilosopo amp.

“Ih, kailangan mong mamili sa dalawa hindi included yung ‘o’ na yan.” I explained.

“Edi wala.” he said and attempted to open the car, pero pinigilan ko ulit.

“Okay, sa tingin mo hindi ka huhulihin dyan, minor ka pa lang nag-da-drive kana ng kotse?” I said.

“So what? Wala silang pake at wala namang manghuhuli sakin kasi walang checkpoint dito sa bayan natin.” he explained again.

Ngumiti ako.

“Anong nakakatawa dun?” he asked.

“Ihhh... Pinansin na niya ako...” I said and pinched his cheek.

Nag-blushed sya.

“Ewan ko sayo,” binuksan niya yung pinto at hinayaan ko na siya. “sumakay ka na nga lang, antagal mo akong pinag-antay nagugutom na ako.” sinabi nya habang may ngiti siyang pinipigilan sa labi niya.

“Okay bebe ko...” I teased him.

“Baka may maka-rinig. Isipin nila magtatanan tayo.” he said. I chuckled as I entered the car.

“Ha? Tanan talaga?” I said. Then tumingin siya sa akin bago pa nya patakbuhin ang kotse.

“Ang tagal tagal mo...” he whispered.

“Sorry na nga oh,” I grabbed his face, literally grab it para lang mahalikan siya sa pisngi.

Then nanahimik siya.

“Bakit ka nanahimik?” I asked.

“Ikaw ba naman halikan ka sa pisngi ng pinakamagandang babae sa mundo, di ka mapapatahimik dun?” he said.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon