[chapter 3]
“Saan na ba sila Sierra?” I gasped, kasi kailangan ko ng kasama, vacant pa naman gusto kong maglakad-lakad lang sa school. Siguro pwede na rin kung dadaan sa room nila Theo?
Dala-dala ang bag naglakad papunta sa cafeteria malapit sa stage. Nang makita ko mismo si Theo, as in siya nga, naka-upo sa bleachers mag-isa, umiinom ng vitamilk.
Bumilis ang tibok ng puso ko, na tila parang isang bagong pangyayari lang ulit sakin ito.
Hindi ko maiwasang tumingin sakanya, habang naglalakad papuntang cafeteria.
Tumingin ka.
Please, tumingin ka. Handa naman akong ngumiti eh.
Eto na oh, dahan dahan na akong naglalakad para hawak ko ang oras at nang mapa-tingin ka na sakin.
Inilapag niya ang iniinom nyang vitamilk, at tumingin sa gilid. Pero panoramic nyang ginawa hanggan sa dumaan sakin ang tingin niya.
Ngumiti ako, ngumiti siya. Isa sa pinaka-unang mutual na nangyari sa aming dalawa. At sa tingin ko, kontento na ako dun.
Pero kumaway ako, para mas makontento pa ako.
He chuckled, wala syang dimples pero napaka-visible para sakin ang tawa nya at ang cute niyang tignan.
At tumuloy na ako papuntang cafeteria.
“Dito ko nalang aantayin sila Tom, para kahit nakatalikod sya nakikita ko parin siya. Para naman di ako ma-bored.” sinabi ko sa sarili ko. Wala namang masyadong tao, kaya di nila papansinin na nagsasalita akong mag-isa.
Hay... Ano kayang ginagawa nya dyan? At bakit mag-isa siya? Tanungin ko kaya? Wag na, baka kung anong isipin niya. Pero kaibigan ko naman yung Kuya nya, so pwede nyang isipin na concern lang ako kasi kaibigan ko ang Kuya niya.
Overthinking...
Puntahan mo na kaya.
Pinipwersa ko na ang mga paa ko na gumawa ng isang hakbang, hanggang sa mapunta sakanya pero parang may humihila sakin na wag syang puntahan.
Okay, I'm done. Pupuntahan ko na sya. Tumayo ako at bumibwelo.
Nang may lumapit sakanyang babae.
Klaklase nya lang yan.
Kinuha nya ang librong dala ng babae.
Ah, baka groupmate nya.
Sinubukan kong basahin yung bibig ng babae.
It mouthed like this: ‘Sorry Dos, pinag-antay kita.’
Bumilis ang pag-hinga ko. Dahil after nyang sabihin yun, ngumiti siya at pa-saglit na tumingin sakin. Ano to? Hamunan?
“Kanina ka pa ba dito?” tanong ni Sierra.
“Oo, at sobrang sakit.” sambit ko habang nakahawak parin ang tingin sa lugar na iniwan ni Theo.
“Huh? Sobrang sakit?” bigla napunta ako sa katotohanan nung narinig ko ang boses ni Tom.
I grasped on the table. What? Akala ko wala si Thompson dun. Napalunok ako.
“Sobrang sakit... Sobra talaga... Kasi pinag-antay nyo ako eh.” sinabi ko nalang at hopefully maka-lusot.
“Teka, girlfriend ba ni Dos yun?” biglang natanong ni Sierra, namutla ako. Kasi baka isipin nila, yun yung dahilan kung bakit ako nasaktan - fact.
“Huh? Asaan?” tinignan ni Tom.
“Ayun oh!” itinuro ni Sierra.
Tinignan ko silang dalawa, binabasa ko kung mayroong something sa mga mata nila na nagsasabing; sila ang dahilan kung bakit nasaktan ako - another fact.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...