CINCUENTA Y SEIS

16 3 0
                                    

[chapter 56]

Gumising ako sa umaga na may pag-asa, bago pa man ako pumunta sa school inilagay ko ang mga tula ni Theo sa bag ko. At nagmadaling pumasok sa school.

Hindi na ako maka-antay na matapos itong school hours para dumiretso sa hospital.

Kung nagising ko siya kaya ko rin ibalik ang alaala niya.

“Bes, kamusta na si Theo?” tanong ni Sierra.

Oo nga pala, hindi ko na nasabi sakanila sa gc sa sobrang sobber ko kagabi, itinulog ko nalang.

“Hindi pa ba sinasabi ni Tom?” tanong ko.

“Uh...” nagisip si Sierra. “Sinabi na niya pala, pero kamusta na siya ulit?”

“Hindi pa ako nanggagaling doon ulit.” sabi ko, habang binubuksan yung Yakult na binili ko.

Niyakap ako ni Sierra.

“Awww... Para saan yan bes?” tanong ko.

“Makaka-alala rin sya.” sabi niya.

I smiled.

Tinapik ko ng malumanay ang kamay niya na nakayakap sa akin.

“Hope so...” sabi ko.

“Eh, kamusta naman kaya yung beshy ko?” tanong ni Sierra.

“Yung totoo? Hindi okay. Hindi sya okay.” sabi ko.

“Kamusta yung counseling mo sa psych?”

“Ayun, nakakatulong naman... Dun sa part na yun okay sya, pero sa part na hindi ka maalala ng taong mahal mo - hindi.” paliwanag ko.

Then umupo kami sa bench.

“Alam mo, may mga napanood akong ganyan sa mga movies.” sabi ni Sierra.

“Baliw.” sabi ko.

“Oo, kailangan mo lang magisip ng bagay na maalala niya... Ano ba yung madalas nyong pagusapan? May call name ba kayo?”

“Call name???” tinignan ko siya nang nadidiri.

“Oh sige, may bagay ba siyang laging ibinibigay sayo? Baka yun makapagbigay ng alaala niya.” sabi ni Sierra.

“Ayun na nga eh, yung mga tula na bigay niya sakin, yun yung naisip ko. Kasi yun rin yung dahilan kung bakit siya nagising.” sabi ko.

“Tula???”

“Oo na makaluma... Pero alam mo, nagtaka ako kasi noong nagising siya sabi niya: gigising ako para sayo. Bago pa man niya naimulat ang mga mata niya.” sabi ko. “Pero noong niyakap ko siya bigla niyang tinanong kung sino ba ako?”

“Baka naman, gusto niya lang sabihin yun.” sabi ni Sierra.

“Ang sinabi ko kasi, gumising siya para sa pamilya niya, para sa mga kaibigan niya at para sa akin.”

“Awww, ang ganda naman ng sinabi mo.” sabi ni Sierra.

“Ewan ko sayo!” I rolled my eyes.

Pumunta akong hospital, dumiretso ako sa room ni Theo pero wala na siya doon.

Pumunta ako sa front desk, good thing si nurse Angela yung nandun. “Nurse Angela, lumabas na po ba yung pasyente sa room 231?”

“Uh, yung kaibigan mo Lacey, oo, lumipat na sila ng room.” sabi ni Nurse Angela.

“Pwede ko po bang malaman kung anong room niya nurse Angela?” tanong ko.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon