VEINTIUNO

36 4 2
                                    

[chapter 21]

“You go back to your pairs and start walking... Kailangan nating maabutan ang sunrise, people who live here told me it's magical. SO LET'S GO PEOPLE!” Sir Reyes excitedly told us, while the other teachers and Sir Greg nodded.

Nag-umpisa na naman kaming naglakad sa rough road.

Until...

“Okay, We're here! We're here!” Sir Reyes screamed.

Huminga ako ng malalim. I can't imagine how it was a relief na marating nyo na ang lugar na pinagpaguran nyong puntahan.

“Okay, listen up!” We formed a half circle at nasa harap namin si Sir Reyes. I think he's about to tell a story. “Once upon a time there was a princess named Agnes, she's really pretty and the only daughter of their King. Agnes met Basti ang anak ng isang magsasaka, at dahil farmer ang tatay ni Basti sa lupain nila Agnes naging magkaibigan ang dalawa. At lumipas ang panahon pagtung-tung nila sa edad na mulat na sila sa pagibig, naging magka-sintahan ang dalawa ngunit inilihim nila ito. Maraming taon nilang itinago ang relasyon nilang dalawa hanggang sa dumating na sila sa tamang edad. Naisip ni Agnes na, siguro ito na rin ang tamang panahon para ipa-alam na sa hari ang relasyon nilang dalawa. Tumutol ang hari noong nalaman nya at sinabing may napili na daw syang mamapapangasawa ng kanyang anak. Isang prinsipe rin mula sa kabilang tribo. Hindi sangayon si Agnes sa naging desisyon ng kanyang ama, nais niyang ipaglaban si Basti dahil siya ang mahal niya. Binihag ng hari si Basti, nakapag-isip ng paraan ang hari na papiliin si Basti kung ang layuan si Agnes para mabuhay siya o papatayin nalang siya ng hari? Binigyan ng hari ng panahon si Basti para makapag-isip isip. Sa isip palang nya, hindi na siya sangayon sa gusto ng hari kaya napagdesisyunan nya ipaglaban ang pagiibigan nila ni Agnes hanggang sa kamatayan. Nang malaman ni Agnes na bihag ng hari ang minamahal niya, gumawa ito ng paraan para makatakas si Basti at pinagusapan nila na mag-tanan iwan ang kaharian nila Agnes at ang lugar na ito. Habang kumukuha ng tsempo si Agnes, pumunta na si Basti sa lugar kung saan magkikita sila. At alam nyo, na dito sa kinakatayuan natin ngayon, dito ang usapan nila. Inabot ng ilang oras si Basti dito na naghintay, hanggang sa may na-aninag siya sa malayo na sakay ng kabayo, at hawig ni Agnes. Bago pa kasi makaalis si Agnes, nahuli na siya ng hari at pwersahang ipinasama sa prinsipe, at.... Saglit lang, kailangan kong uminom.” pa-bitin ni Sir Reyes.

Then continued again.

“Nasaan naba tayo?” Sabi niya while thinking kung saan na ba siya huminto, “Uh-huh!”

“Umiyak ng umiyak si Basti, sa sobrang sakit ng loob niya hindi niya napigilan ang galit niya at sumigaw, sumigaw ng malakas hanggang sa isinigaw niya ang pangalan ni Agnes, at pumulot ng bato at ibinato sa ilog na ito, at nag-bounce ang bato ng tatlong beses. Hanggang sa naubusan na siya ng lakas, sa sobrang sakit ng nadarama niya napa-idlip si Basti at tila may hiwaga na nangyari, pag-mulat ng mata niya, nakita niya si Agnes, sa tabi niya naka-ngiti at masaya. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya yung person who broke his heart and also the person who will heal it.” sabi ni Sir with emotion, then yung mga sumunod na sinabi niya ay naka-rush nalang. “At naging sila hanggang huli, namuhay sila ng masaya, may forever sakanila. At magmula nun tinawag nila itong Rio Dos Amantes o Lover's River at ginawa na ng mga taong umaasa sa pagibig itong lugar na ito na tourist spot para malaman kung para sakanila ba ang taong ito, kaya susubukan natin kung totoo nga ba ito. Are you guys excited?”

Ang daming na-excite na estudyante, at isa na ako dun.

“Ang gagawin nyo lang naman, isisigaw nyo ang pangalan noong taong mahal mo o gusto mo o crush mo, at malalaman mo lang kung para sayo sya kung nag-bounce ng three times ang bato na yun sa tubig. Okay, you go and start...” At ginawa na rin na opportunity ng mga teachers yun para magpahinga habang busy kami na bumabato sa ilog.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon