CINCUENTA Y CUATRO

11 3 0
                                    

[chapter 54]

Umuwi ako sa bahay para kuhanin yung mga nakatagong tula na ginawa ni Theo para sa akin.

“Nandyan kana pala anak,” napansin ni Mama na nagmamadali ako. “Bakit parang nagmamadali ka?”

“Uh, Ma, may kinuha lang po ako... Babalik pa po akong hospital.” sabi ko.

“Huh? Gabi na ah,”

“Kailangan ko po, palagay ko po ito na ang sagot para magising si Theo.” sabi ko.

Hinawakan ako ni Mama sa balikat ko. “Anak, wag mong masyadong i-stress ang sarili mo.”

“Hindi ko po magagawa yang pabor nyo sa ngayon Ma, hindi ko magawang maging okay knowing na wala parin pong malay si Theo. But I promise you na hindi ko po papabayaan ang pag-aaral ko.” sabi ko.

Napilitan na ngumiti si Mama, “Ano pa bang magagawa ko? May masasakyan ka pa ba?” tanong ni Mama.

Hinatid ako ni Mama papuntang hospital, isinama niya rin si Leo na naistorbo na naman sa paglalaro ng ML HAHAHA. Ayaw nyang sumama dahil may internet sa bahay pero si Mama na ang nagsabi eh kaya no choice siya.

Nagmadali akong tumakbo papunta sa room niya, habang naghahanap ng pagpa-park sila Mama.

Nang marating ko ang room niya, nakita ko si Mommy nila at si Tom naguusap habang umiiyak si Mommy nila.

“Tita, ano pong nangyari?” tanong ko.

“Lacey? Lacey, gabi na anak, bakit nandito ka pa?” biglang punas sa luha.

“Nagpaalam po ako kay Mama, ano pong nangyayari?” tanong ko.

“We're having a financial trouble, sinabi ng daddy niya na if hindi na namin kayanin financially, baka i-give up na namin siya... But I said no, I will never give up my Theo.” tumuloy sa pagiyak ang Mommy nila. At alam ko na kung bakit sa labas sila naguusap about duon, dahil ayaw nila itong marinig ni Theo.

Nanlambot ako sa sinabi ni Mommy niya, but I'm glad na hindi sangayon si Mommy niya duon.

“Wag po tayong sumuko sakanya... May dala po ako na baka ito na po ang magpapagising sakanya...” sabi ko. “Kaya po pumunta po ako dito kahit gabi na.”

“Kaya nagmadali kang umuwi kanina?” tanong ni Tom.

Ngumiti ako sakanya at tumango.

“Papasok na po ako sa room, susubukan ko po ito.” sabi ko.

“Sige anak, nandito lang kami sa labas just in case kailangan mo kami...” sabi ni Mommy nila.

“Opo Tita.”

“Salamat anak ha...”

Ngumiti ako.

At pumasok na ako sa room nya. Dala-dala ang mga papel na bigay niya.

Umupo ako at lumapit sa kama niya.

“Theo?” sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

“May surprise ako sayo, pero alam kong maki-cringe ka once na binasa ko sayo ito. Pero wala kang magagawa, unconscious ka eh kaya ako ang panalo.” tumawa ako kunwari.

“Ano? Hindi mo ba ako pipigilan?” naghintay ako ng ilang minuto.

“Okay, babasahin ko na.” hinanda ko ang sarili ko. “Alam mo ito yung unang note na ginawa mo sakin. Kung nakaka-cringe para sayo ito, pwes para sakin malaking bagay na ito para mapasaya mo ang araw ko noon.”

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon