[chapter 17]
Bumalik na kami ni Theo sa Cafeteria at naging maayos naman kami. Pipilitin ko nalang ang sarili ko na maging okay sakanya - kahit alam ko na nadudurog na ako.
Bago kami bumalik sa Cefeteria ng resort sinabihan ko pa sya na, susuportahan ko sya kung gusto nyang ligawan si Diana. Tama ba? Tama bang desisyon 'yon? Na ako pa ang nag-kusang loob na tulungan siya. Ang tawag dun, katangahan. Pero hindi mo maiisip yun dahil nagmamahal ka.
Sabihan nyo man ako na kahibangan lang 'to, pero mahal ko na siya, at hindi nasusukat sa tagal ng pagkakakilala nyo yun.
Kaya dahil mahal ko sya, lolokohin ko na ang sarili ko. Handa na akong saktan ang sarili ko. Tutulungan ko ang mahal ko na mahalin siya ng mahal nya - kung saan hindi ako yun.
Dumiretso sya kay Diana, nagseselos ako dahil ako dapat yun, pero mas nagseselos ako dahil parang mas close na sila ni Diana kumpara sa sakin ngayon.
"Hey!" humakbay sakin si Tom.
"Lacey, kanina ka pa namin hinahanap." sambit ni Sierra.
It seems like they are having their good times, while here I am pretending I am fine - AS FUCK.
"Ako rin." I said with low tone, emotionless, sana hindi nila mapansin.
"C'mon bebe, libot muna tayo habang may time pa bago program." sabi ni Tom, napatingin ako sakanya - gulat.
"Oo nga, mukhang ang lungkot mo beh" ika ni Sierra.
I frowned. Tapos tinignan ko sila na para bang: may something?
"What's with the 'beh'?" tanong ko.
"Huh?" Tom asked.
"Beh?" Sierra asked.
Bwisit itong mga ito, parang may something eh.
"WALA! Tara na libot na tayo..." I said. "...para maalis ang lungkot ko." I whispered, para hindi nila marinig.
Nakabukas ang mga lamppost sa resort, and christmas lights kahit hindi pa pasko. Ang tamis ng amoy ng hangin, dahil sa usok na nanggagaling sa kusina, siguro gumagawa sila ng pang dessert. Tatlo lang kami na magkasamang lumilibot. May mga strangers sa parang bar nila, siguro mga turista yung mga 'yon. Ang sarap huminga, kasi pinapaalala lang sakin nito na buhay pa ako. Pinapaalala lang sakin na tao ako, nasasaktan at nadadapa rin. Pinapaalala lang sakin na habang buhay pa walang susuko.
Ang ganda ng lugar, too bad, hindi naging maganda ang welcoming sakin.
May kumatok sa pinto namin, "Oh, ready na kayo?" boses ni Martin na nagtanong.
Ugh, siguro ready na sila. Hindi ba nila alam na matagal magbihis ang mga babae - na daig pa ang matandang ma-arjud.
Natapos kaming mag-bihis, ang motif kasi ng Socialization Night namin ay Vintage. Na-inform na kami nyan, kung ano ba ang mga dadalhin sa orientation bago pa kami tumuloy dito sa Youth Formation slash Field trip. So, ang sinuot ko ay cream colored floral cocktail dress. Yung combination ng white na parang pinaglumaan na ng panahon kaya nagkukulay cream and roses with stems and leaves. Compliments with curly hair, yun bang pang '80s theme.
And then I saw Theo. He's sooo... He is sooo... I mean, he looks sooo... Hindi ko maituloy tuloy.
Lumapit sya sa akin, then he offers his arms, para kapitan ng kamay ko. I gave him a sly smile. He wears a thin striped trouser and a white shoes that compliments his neck-tie and cream blazer and white plain long sleeve and a painters' hat. He's so dapper.
Then napatingin ako kay Martin, hindi siya ganun kaporma, he's doing his thing, simple guy with a loud appeal, pero very decent and handsome naman.
Pumunta kami sa multi-purpose hall ng resort, hindi pa nagsisimula pero pansin ko ang romantic ng pagkaka-ayos. Yung mga chairs na nakalagay, very royal yung dating.
"Oh, formation kayo, picture tayong magka-troop." sabi ng troop leader namin.
Pumwesto ako sa gitna sa may harap, sumunod naman si Theo. Pero sinabi nila na dun siya sa likod kasi doon naka-pwesto ang mga lalaki.
So, nakapag-picture na nga kami. And then nasa iisang parte lang ng table ang bawat troop. Wow, engrande. Mukhang pinag-kagastusan talaga.
Hinanap ko sila Tom, nasa bawat troop nila sila.
Nakita ko si Diana, hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko sakanya. Talaga Lacey? Hindi mo alam kung bakit?
Tinitignan niya si Theo. Pinagmamasdan ko siya habang tinitignan niya si Theo. Then napatingin siya sa akin, si Diana ah. Bilisang iwas ang ginawa ko.
Nag-opening remarks na ang principal namin, nag 'thank you' sya sa mga naki-cooperate sa event na ito, sa mga tumulong na students. At syempre sa may ari ng resort. Then opening remarks ng kung ano ano, hindi naman ako nakikinig. After mag-salita ng principal namin, nagsalita ang President ng Scout Team sinabi niya na mayroon daw kukuhanin na King and Queen of the night niyan.
Some of the Performing Arts na sumama dito sa Youth Formation ay nagbigay ng presentation number.
And then blah-blah-blah... Kung ano anong program na ang naganap. Pinuntahan ako ni Sierra.
"Alam mo, parang gusto kong lumabas." Sierra suggested.
"Uh, bawal, baliw to." I said. Pero deep inside me, sumasangayon sakanya, parang magandang ideya yun ah.
"Sige na, ang boring kaya..." dinidemonyo na naman nya ako.
Until...
"Ohmigod! Perfect ni Ed Sheeran!" Sierra screamed. Kasi biglang tumunog ba naman ang romantic anthem of the year.
I shivered.
"Isayaw nyo na ang mga gusto niyong isayaw. Eto na ang chance nyo!" nagsalita si Sir Greg sa mic.
Nagsitayuan ang mga tao sa loob ng hall, niyaya nila ang mga gusto nilang isayaw. At siguro inabot pa ako ng 0.89 second para marealize na mababanko ako. Kaya sesegwey na ako.
Nang biglang...
"Ate Lacey? Pwede ba kitang isayaw?" offer ni Theo.
"Lacey pwede ba kitang isayaw?" offer rin ni Tom.
What the heck is happening?
"Lacey, can we dance?" dumagdag pa si Martin.
"OH-MY-GOD." napa nga-nga nalang si Sierra.
At nagtinginan ang tatlo.
______•______
Sino kayang pipiliin ni Lacey?
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...