CINCUENTA Y DOS

10 3 0
                                    

[chapter 52]

Tapos kung ano ano pa ang mga kinikwento nya, nakakaalis ng boring. Good idea na pinunta sya ni Martin dito, kasi kung sya lang, ant boring pa nya namang kausap. Nang dahil kay Millie, nabuo ang araw ko. After a long time na stress ako, ngayon lang talaga ako nakatawa ulit ng ganito. After a long time na kinausap ko si Millie, nag decide na si kuya nya na iuwi na sya.

Biglang may kumatok sa pinto, akala ko ba uuwi na sila Martin? Ay baka may nalimutan lang silang gamit.

“Ano? May nakalimutan k-” napahinto ako, dahil nakita ko si Tom kasama ang Mommy niya.

Bigla akong napa-yuko.

“Lacey?” sambit ni Tom.

“Hindi na po ako bumisita kay Theo, sorry po.” sabi ko. “Ayoko na pong mag-cause nang any trouble sakanilang dalawa ni Tom.” sabi ko.

“Lacey, anak, pasensya kana sa mga nasabi ko noong minsan...” sabi ni Mommy nila. “Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko at kung papaano babalik si Theo sa dati. Naguguluhan lang ako noong panahon na yun, kaya naghanap ako ng ibang masisisi ko. Alam kong wala kang kasalanan dun anak, it's all my fault, I never let my kids on guard. Instead, nag-focus ako sa mga bisita ko.” sabi ni Mommy nila habang nagpipigil na lumuha.

“Pero, dahil po sa akin kung bakit siya naaksidente, kung bakit siya nasa kalagayan niya ngayon.” sabi ko, oo alam ko, hanggang ngayon guilty'ng guilty parin ako. Kasi totoo naman yung sinabi ni Tita.

“Lacey, anak, nakikiusap ako...” at hindi na nga niya napigilan ang luha niya. “Sayo lang siya na-nag reresponse anak, please, bisitahin mo siya a-anak, ki-kwentuhan mo siya anak... Kasi masakit sa akin na makita ang anak ko na nakahiga sa kama na walang malay, please... Tu-tulungan mo siyang gumising ulit.” nanginginig at umiiyak na sinabi ni Mommy nila, at bigla siya lumuhod.

Pinigilan ko siyang lumuhod pero hindi ko narin napigilan ang luha ko.

“Mom anong ginagawa mo?” tanong ni Tom.

“Tita, wag po kayong lumuhod...” pinatayo ko siya. “Opo, bibisitahin ko po siya... Araw araw po, ki-kwentuhan ko po siya, kasi yun naman po ang gusto niya at gusto ko rin naman po na makita siya ulit na gising at tumatawa at masaya...”

Gusto ko rin naman kasi na magising na si Theo, pero sa sobrang guilty ko sa nangyari sakanya, kahit na gugustuhin ko na bisitahin siya, asikasuhin siya, at alagaan siya ay di ko magawa dahil ayoko nang mag-cause pa ng iba pang trouble sakanya.

Pero ngayon, araw-araw, hindi ko siya bibiguin.

“Salamat Lacey, at patawad dahil sa mga sinabi ko...” niyakap ako ni Mommy nila.

“Okay lang po, naiintindihan ko naman po yun.” sabi ko.

“Kamusta ka na ngayon?” sabi ni Tom.

“Ah, oo nga, kamusta kana anak?” sabi ni Mommy nila.

“Maayos naman na po, papagalingin nalang po yung mga sugat ko at lalalabas narin po ako maya-maya sabi po ng nurse.” sabi ko.

Pinunasan ni Mommy nila Tom ang luha niya. “Mabuti naman kung ganun. Sana pati ang Theo ko maging okay narin siya...”

Ngumiti ako. “Magiging okay po siya, promise ko po sa inyo yan.” sabi ko, at hinawakan ang kamay ni Mommy nila.

“Boyfriend mo si Theo ko?” biglang itinanong ni Mommy nila.

Napalunok ako bigla.

At tumango nalang...

“Kaya naman pala handa siyang i-risk ang buhay niya para sayo at sayo lang rin siya nag-reresponse.” sabi ni Mommy nila.

I tumawa ako ng marahan at kinamot ang ulo ko.

“Siya ba yung sinasabi mong boyfriend mo?” tanong ni Tom.

“Oo Tom, sorry.” sabi ko.

“Grabe, nalamangan ako ni Theo dun ah.” sabi bigla ni Tom. “Bakit di nyo pa sinabi agad? Bakit itinago nyo pa?” tanong niya.

“Natatakot kasi ako,” I paused. “Una sa lahat, yung age gap namin. Tapos, nireject kita para lang sakanya.” napatingin ako kay Mommy nila, at nahihiyang ngumiti. “Sorry po...”

“Hindi, ayus lang yun anak.” sabi ni Mommy nila.

“Atsaka, nagaalala rin kami sa iisipin ng ibang tao.” sabi ko. “Pero si Theo po, hindi niya po inaalala yun. Basta proud po siya sa kung anong mayroon po sa amin at ako lang ang pumipigil sakanya na ipaalam sa iba...” sabi ko.

“Oo, alam ko, sinasabi sakin ng anak ko. Pero hindi niya dinidiresto na kayo, pero sa mother's instinct ko alam ko ang ibig niyang sabihin.” paliwanag ni Mommy nila.

Hanggang sa nagkwentuhan kaming tatlo. Na-settle ko naman yung guilt ko, dahil nakita ko naman na okay na sa akin si Mommy nila.

Umalis na sila.

Habang dumating na ang nurse ko, para alisin ang dextrose ko, ang masakit na karayum na nag-stay ng ilang linggo sa kamay ko.

Makaka-uwi na ako.

Makaka-pasok na ako ulit sa school.

Pero hindi parin maayos ang kalagayan ng taong mahal ko.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon