VEINTE

44 6 5
                                    

[chapter 20]

Nung lumabas kami sa room namin, nakita ko na nakabukas pa ang mga ilaw sa labas at madilim pa. Gosh, sobrang aga pa kasi. Edi sana naituloy ko pa yung panaginip ko.

Napansin ko si Theo sa gilid ko, oo napansin ko talaga. Alam mo yun, parang si Spiderman may spider sense sya, ako rin meron pero activated lang siya sa isang tao.

At dahil malamig pa, suot suot ang jacket dinama ko ang comfort nito habang pinalilibutan ako ng malamig na simoy ng hangin.

"Lacey," tinawag ako ni Martin. Napalingon ako sakanya, habang witness na witness ng dalawang mata ni Theo na ganito ako tratuhin ni Martin.

And then may dumaan na ibang troop na mga babae.

"Oh my gosh, si Dos!" tumili ang tatlong magkakaibigan na babae. At biglang sinabi nung isa: "Ang swerte ng troop nila puro pogi yung nandun..." and then nagpatuloy silang naglakad na kinikilig.

"Mga bagtit." I said.

"Alam mo ba kung sinong pinagtitilian nila?" lumapit pa sakin si Martin.

"Oo alam ko, si Theo." I said.

"Ayie! Selos..." he teased me.

"Tse!" I said. At napatingin ako kay Theo, he's talking to our troop mate na naglalaro rin ng ML.

Then we headed to basketball court of the resort. Marami rin kami that's why in-orient muna kami sa mga safety reminders na dapat naming gawin. At yung mga dapat dalhin na gamit.

"Ano ba yan, alam na nga namin eh." sabi nung isang babae sa gilidan namin.

We need flashlights daw, bawal magdala ng malalaking bags para 'di mahirapan na umakyat. Like, literally umakyat? Aakyat kami ng puno o bundok? OMG, I suddenly got excited.

Then, dahil ready na kami, pumila kami 1 lane but by two's. So, hinawakan agad ni Martin ang kamay ko, bago pa ito abutin ni Theo.

Napatingin ako kay Martin and then mouthed: "Thank you"

Nang magsimula na kami sa part kung saan paanan na ng bundok, medyo naging mahirap na ang daan. Medyo maliwanag naman ang pathway namin dahil halos lahat naka bukas ang flashlights ng cellphones.

"Oh-my-gosh, ouch!" I said.

"Oh, are you okay?" tanong ni Martin.

I smiled, "I'm fine, naapakan ko lang siguro yung pa-umbok na bato that's why it hurts so bad."

"You sure?" tanong ni Martin.

"Yep, big time."

"Okay, sabi mo yan eh." he said. "Bubuhatin na sana kita..." he whispered. Pero rinig naman.

"Hoy! Rinig ko yun." pinalo ko siya sa braso. "Kaya ko naman yung sarili ko neh. Atsaka ayokong maging burden." I said.

Then nagpatuloy lang kami sa lane, at gusto kong malaman kung malayo pa ba? Actually kapag pinilit lang ni Martin na buhatin niya ako, magpapa-buhat na ako sakanya.

"Martin..." I said.

"Mmm?"

Kinausap ko siya habang naglalakad kami.

"Napanaginipan ko siya." I said.

"Si Dos?!" he exclaimed.

"Huy!" pinalo ko siya sa shoulder, napatingin ako sa likod, at nakita ko si Theo, medyo malayo siya samin. At tumango ako.

"Talaga? Ano naman?" asked Martin.

"Gusto niya daw ako, gusto niyang magkaroon kami ng relasyon." I told him.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon