CUARENTA

10 1 0
                                    

[chapter 40]

Napatingin ako sa labas at may na-aninag akong tao na papunta sa garden.

“Holy sh-” bumaba ako para magtago, habang hindi naman sumunod si Theo.

Hanggang sa wala na syang chance na bumaba dahil nakita na siya. Ugh.

“Gracious! What are you doing here Mr. Lofranco?” tanong ni Madam Zenaida or Madam Zenny for short. Lumang luma yung pangalan tulad rin niya, sya na yata ang pinakamatandang teacher dito, science teacher and the one who managed the Botanical Garden. Kaya lagot si Theo.

“Uh,” hindi mapakali ang tingin niya, gusto niya akong tignan para humingi ng tulong pero di niya magawa. “Uh, gusto ko lang pong mapag-isa”

“Why? While everybody is enjoying out there?”

“Not my thing... Ma'am.” sabi niya, natawa ako. At dahil narinig nya ang mahina kong bungisngis, natawa sya.

“What's so funny?”

“None Ma'am, none.” he answered sharply.

“You go outside na, before I send you to the guidance office.”

“Yes po ma'am, aalis na po ako aayusin ko nalang po gamit ko.” Theo told her.

Tinaasan niya ng kilay si Theo then umalis narin.

Tumayo ako at huminga ng malalim.

“Kita mo yun?” tanong niya sakin.

“Oo, si Ma'am Zenny. Buti nalang at Grade 7 ka, kaya pinalampas niya yun.” sabi ko.

“Hindi, mali ka dyan.” hindi siya sumangayon. “Crush ako nun.” pagmayabang niyang sinabi.

“Hala, baliw!” pinalo ko siya sa kamay. Habang inaayos niya yung mga gamit niya sa may bleacher. Ako naman ay nakatayo na sa baba ng bleacher, sa pwesto kung saan ako nag-tago.

“Oo, kaya pinagbigyan nya ako. Crush ako nun.” pabiro niyang sinasambit.

“Crush agad? Hindi ba pwedeng warning lang yun para sa susunod di kana pag-bibigyan?” I argued. Habang kinuha nya yung bag nya at bag ko, sinubukan kong abutin yung bag ko pero ayaw nyang ibigay. Okay, edi sya na ang magbuhat. Tapos naglakad kami palabas sa Garden House.

“Bakit?” itinaas nya yung shirt nya. “Abs ko palang wala ng makaka-tanggi sakin.”

Ibinababa ko, oo ako mismo ang nag-baba sa shirt nya. “Ihhh ibaba mo nga yan! Hindi naman yan abs. Ab lang walang ‘S’” at tumawa ako.

Tinignan nya ako ng masama, “Happy? Happy kana dyan sa sinasabi mo?”

“Oo happy na ako.” I told him tapos tumatawa.

Hindi siya umimik.

“Hala! Ang pikon, totoo naman eh. Wala naman kasi akong nakitang abs.” sinabi ko sakanya, patuloy lang kami sa paglalakad.

Tinitignan niya parin ako ng masama.

“Uy,” binangga ko siya sa braso. “Sorry po...” nagpa-cute akong tinignan sya. Pero masama parin talaga tingin sakin. “Uy, sorry na. Kung ako naman ang tatanungin, mas prefer ko yung walang abs, kasi yung mahal kong tao wala syang abs.”

Pinipigilan nya ang ngiti niya.

Binangga ko sya ulit, “Ihhh, wag mo na kasing pigilan.”

“Pigilan ang alin?” tanong niya.

“Aro, nagsalita na siya...”

At bigla ulit siyang nanahimik. Napahinto kami. Humarap sya sakin, tinignan ako sa mata.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon