[chapter 57]
Gamit ang wheelchair, inalalayan ko siya papunta sa rooftop para mag-stay doon.
Namiss ko itong moment na ito, yung kami lang dalawa magkasama. Ang kinaibahan nga lang hindi niya ako maalala sa moment na ito.
Naka-upo ako sa bench habang nasa wheelchair si Theo at nakasabit ang dextrose niya sa sabitan nito.
“Ang ganda po dito ate...” sinabi niya. Ngayon ko nalang ulit nakita ang masigla niyang itsura. Bakit ganito? Masaya ako pero malungkot? Pwede palang mag-salo ang dalawang emosyon na magkaiba sa iisang nararamdaman.
“Kaya nga kita dinala dito eh, kasi dito rin ako pumupunta nung naka-confine rin ako.” sabi ko. Binigyan ko siya ng hint, na isa rin sa na-confine.
“Huh? Ano po bang nangyari?” tanong niya. Mausisa niya akong tinignan.
“Naaksidente rin kasi ako.” sabi ko. Pilit ang pag-ngiti.
Nanlaki ang mata niya. “Uhhh... Wag nyo pong sabihin na...” he paused for a moment. “Nakasakay po ba kayo sa sasakyan na drinive ko?” tanong nya.
Tumawa ako ng marahan.
“Hindi... May mga tao kasing sinubukan na i-rape ako.” sabi ko, mahirap man i-recall pero kailangan niyang malaman ang nangyari. “Uy, sorry sa word ko ah, hindi kasi nila natuloy kaya pinagsasaktan nalang nila ako.”
“Ay ganon po ba, sorry po sa nangyari sa inyo.” sabi niya. Itsurang nagaalala.
“Yung oras na nangyayari yun, yun yung oras na na-aksidente ka.” sabi ko habang naka-yuko. Sinusubukang kumuha ng tsempo at the same time hindi siya nabibigla.
“Hindi ko po maintindihan...” sabi niya sakin. “Dahil lang po ba pareho tayo ng oras na pinangyarihan nang mga nangyari po sa atin kaya nyo ako binibisita at tinutulungan na maka-alala?”
“Hindi... hindi dahil doon...” huminga ako ng malalim. “Ang dahilan ay sinubukan mo kasi akong sundan, dahil naglakad lang akong pauwi galing sa party sa bahay nyo. At gamit ang kotse nyo, drinive mo ito para ihatid ako pauwi. Kaso...”
“Kaso na-aksidente po ako?” itinuloy niya ang sentence ko ng naiisip niya pero walang kasiguraduhan.
Tumango ako.
“Bakit ko po gagawin yun?” nagtataka niyang itinanong.
“Kasi... Kasi...” tinignan ko siya sa mga mata niya. “Kasi, girlfriend mo ako.”
Biglang kumunot ang noo niya.
Hinawakan ko ang kamay niya, pero dahan dahan niya itong inalis.
“Paano po nangyari yun? Ang perpekto nyo po para maging girlfriend ko...” he stated.
“Hala bolero, ayan na hindi na siya nahihiya sakin.” sabi ko.
“Ay” the he chuckled. “Pero seryoso po, papaano ko po kayo magiging girlfriend eh, mas matanda po kayo sa akin?”
“Hindi ba pwedeng maging posible yun?” tanong ko.
He chuckled again.
The same chuckled that I loved.
Biglang nagiba ang reaksyon niya.
“Gusto ko na pong bumalik sa room ko.” magulong tumitingin sa paligid.
“Theo? Hindi mo parin naalala?” tanong ko.
“Uh, wag nyo po akong tawaging Theo di po ako sanay kasi si Mommy lang pong tumatawag sa akin nun, Dos nalang po.” sabi niya.
“Hindi Theo, ang tawag ko sayo ay Theo at pinayagan mo ako dun.” sabi ko halos nagagalit na.
Hinawakan niya ang noo niya at napayuko. Biglang yung dalawang kamay na niya ang nakahawak sa ulo nya at sumigaw siya tila sa sakit.
“Oh my gosh, Theo...” nilapitan ko siya at niyakap at hinaplos ang uluhan.
At biglang nawala ang sakit ng ulo niya, tinignan ko siya.
“Ayos ka lang Theo?” tanong ko.
“Gusto ko na pong bumalik sa room ko.” pagpilit niyang sinasabi.
Wala akong choice kundi ibalik na siya sa room niya.
“Sige, pero bago yun gusto ko munang ibigay sayo ito.” inabot ko sakanya yung dalawang papel na nakasulat ang mga tula niya.
“Ano po ito?” tanong niya habang kitang kita mo parin sa mukha niya na hindi parin maayos ang pakiramdam niya.
“Buksan mo nalang.” sabi ko.
Binuksan niya at nagulat siya sa nakita niya.
“Teka, parang sulat ko po ito ah? Ako po bang nagsulat nito?” tanong niya.
“Oo, yan ang katunayan na girlfriend mo ako.” sabi ko sakanya.
“Pero, bata palang po ako...” sabi nya habang nakatingin sa mga tula. “Imposible po na magkagusto kayo sa akin...”
“Nandito ako ngayon, kasama ka at binibigay ang buong oras ko na magpaliwanag sayo at ipakita ang mga yan sayo at ikwento ang mga dapat kong ikwento sayo, hindi pa ba sapat na ebidensya yun para masabi ko na totoong girlfriend mo nga ako?” pinaliwanag ko nang may pagka desperada na.
Tinignan niya ako at tila gusto niyang umiyak.
“Gusto ko na po talagang pumunta sa room ko para makapagpahinga, pagod na po ako.” nagmamakaawa niyang sinabi sa akin.
“OKAY!” sinigawan ko siya at hinatid siya sa room niya ng hindi umiimik.
Nanahimik lang sya sa buong oras na yun.
“Oh, ang bilis niyo naman?” tanong ni Tom.
“Uuwi na ako Tom,” sabi ko. “Take care of him.” dagdag ko.
“Ate?” sabi ni Theo. Ito na sana, ito na sana.
Huminto ako.
“Sorry po, hindi ko po talaga kayo maalala...” sabi niya.
Hindi ko napigilang humagulgul at tuluyan na nga akong umalis at iniwan siya kay Tom.
He's still the same Theo that I know. Very sensitive sa nararamdaman ng iba at sincere.
Alam ko wala syang naaalala, alam ko hindi niya ako makilala pero naramdaman ko na he gave me shot na baka sakaling makatulong sakaniya yung para may maalala, pero hindi niya nagustuhan yung pakiramdam kaya mas pinili nalang niyang magpahinga.
Ano pa bang magagawa ko?
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...