[chapter 33]
Morning before the pageant.
Of course, pwedeng kasama ang mga friends nun, dahil Theo is not around, he's preparing for the pageant. Very supportive yung mom nila ni Tom, siguro isa narin yun sa dahilan kung bakit nanalo si Tom last year, dahil sa support niya. Well, ikaw ba naman, gagalingan mo ba kung walang sumusuporta sayo? I mean, yung mayroon kang inaasahan na susuporta sayo but then, di ka sinusuportahan? Kung ako yun, bakit ko pa itutuloy na sumali kung ganun rin lang ang mangyayari.
So I'm with Sierra and Tom, yes Tom. Hindi siya sumama sa preparation ni Theo, tinanong ko nga siya eh:
“Bakit di mo samahan si Ading mo sa preparation niya?” I asked Tom.
“Anong gagawin ko dun? Tutunga-nga? Kaya na nya yun, at nandun rin naman si Mommy. Buti pa dito, kasama ko yung dalawang chicks ko.” kumindat siya, like what?
Chix nya kami ni Sierra!
Kaya ayun, pinalo ko sya sa braso. At nag-reklamo habang gustong gusto naman ni Sierra na masabihan siyang chix ni Tom. Buset!
So ayun, may laban naman si Tom ng basketball kinabukasan.
Napapa-isip nga ako, kamusta kaya si Theo? Gusto naman kaya niya yung gagawin niya? Eh, mamayang hapon na yun -- ako ang kinakabahan sakanya ih.
Pero, manalo man o matalo siya parin ang panalo sakin.
Text Message:
Me: Pst!
Theo: pst?
Me: La lang...
Theo: miss moko neeee
Me: Ayaw mo ba?
Theo: usto pooo
Me: Kamusta kana dyan
Theo: maayos naman po, eto nga, kausap ni mommy yung handler. akala mo naman, artista ako sa ginagawa nya.
Me: HAHAHA artista kana niya, at bakit pala puro lower case yang letters mo?
Theo: ende ko po alam, naginstall ako ng keyboard na bago, yung may custom picture.
Me: Lahhhh, bakit naman?
Theo: Para naka-lagay picture ng pinakamagandang babae sa buhay ko.
Kinilig ako dun, syempre sino pa ba ang tinutukoy nya?
Me: Ahhh, picture ni Diana...
Theo: lahhh, hindi pooo, ikaw poo yun. ❤️
Napa-ngiti nalang ako, kasama ko parin sila Sierra, naka-upo kami sa may bleachers para manood ng... ng... kung ano ano, then mag dedication booth rin, at halos puro pangalan ni Theo ang naririnig ko.
Me: May dedication booth, dito ang daming nagwiwish ng good luck sayo - at mga nagko-confess narin.
Theo: ay, hihi lalo po akong kinabahan.
Theo: hala nagcoconfess? hayaan mo sila, sayo lang ako.Napa-kagat ako sa labi.
Theo: i love youuuuu
Me: Iloveyouuu
Theo: sabihin mo, i love you back.
Me: Bakit? Nag-i love you na nga ako.
Theo: para sure akong ikaw, ikaw lang kasi ang naririnig ko sa i love you back e.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...