TRECE

56 8 19
                                    

[chapter 13]

Nasa mga pavilion kami ng resort, inaantay ang mga guides na magpapunta sa mga rooms namin.

Kasama si Tom, Sierra, Bradley and Diana. Nakaupo lang kami at pinaguusapan how excited are we sa mga mangyayari sa tatlong araw na ito. Habang busy silang naguusap, busy rin ako na naghahunt ng Theo ko. Nasaan na kaya yung mokong na 'yon?

“Hey, Lacey.” Diana waved at me.

“Hmmm...” I responded pero busy parin akong naghahanap.

“Um...” she bit her lips. What? Bakit nya gingawa sa harap ko yan? Sorry Diana, but hindi ako ganun. Humanap ka nalang ng ibang babae na ganun rin. “Diba close kayo ni Dos?” biglang nagpintig ang tenga at napunta ang atensyon agad sakanya.

“Huh?” tryna find a way para 'di mahalata na may something akong nararamdaman kay Theo. “Bakit mo naman natanong yan?”

“Ay, um...” she chuckled, “crush ko kasi siya.” sabi niya.

Oh? Magugulat naba ako? I guess she's trying to cover up herself. Like, parang wala akong alam na babae ang gusto mo! Wag ako Diana, wag ako.

“Oh? Wow, crush nya si Theo...” I teases her para naman matulungan ko siya na hindi maamoy ang lansa nya. At bakit ako magaalala? Instead, tutulungan ko nalang siya kunwari para naman hindi na siya mag worry na mahalata nila.

She lean her chin on the table, tapos tumingin sa malayo. “Ang gwapo nya kasi Lace, kaya crush ko sya.”

Sabay napatingin ako sa pinagtitinginan niya. Nandun si Theo, kasama ang mga kaibigan niya.

Ang gwapo... Shet!

Halos ang mga madaanan nilang babae napapatingin sakanya. Nanlalambot ako, feeling ko gusto ko ang lahat sakanya.

“Ang gwapo niya neh? Kaso Grade 7.” sabi ko, pa-hint kong binibigyan siya ng ikaka-turn off nya. Parang totoo na kasi eh, kaya ayoko ng ituloy na tulungan sya.

“Oo, ang gwapo nya. Pero wala akong pake kahit Grade 7 sya.” she said firmly.

Napatingin ulit ako kay Theo - sobrang taas naman ng pangarap ko. Hindi porket nakakausap ko siya, hindi porket close na kami, hindi ibig sabihin nun kaya niya akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sakanya.

Hindi mo ako makukuha sa ganyan mo Diana, hindi parin ako convince na gusto mo talaga si Theo.

“DOS! DOS!” tinawag ni Sierra si Theo. “Halika nga, halika!” at nagsimula nang nagpabebe na galaw si Diana. Bwisit!

Aba-aba, anong ginagawa nito? Pa-cute kunware. At lumapit naman si Theo.

Napatingin sya sakin at nahihiyang naglakad papalapit samin dahil tinawag siya ni Sierra.

“Bakit po ate?” tanong niya kay Sierra.

“Crush ka daw nito oh,” itinuro ni Sierra si Diana.

Kunwari nanlaki ang mata ni Diana at nagulat. Buset 'to ah. “Hala, para kang ano Sierra!”

Tumingin si Theo kay Diana and awkwardly smiled.

“Ganda niya neh?” tanong ni Sierra.

Tumango naman itong mokong na 'to. Wala na, break na tayo Theo. Kahit wala pang tayo.

“Hi... Dos? Dos diba?” tanong ni Diana, na sobra nang magpaka-babae, she offers a handshake.

“Hello po,” ngumiti siya at nakipag-kamay habang pasulyap sulyap sakin. Ako naman, I let my ego shallow me, iniwas iwasan ko siya.

“Sige po ate, doon na po kami.” tinuro ni Theo sa malayo at sumulyap ulit sakin, siguro inaantay nya ako na tignan sya.

Hanggang sa umalis na siya I mean sila na walang imik. Habang itong si Diana naman ay kilig na kilig.

Galit kaya siya sakin dahil hindi ko man lang sya pinansin? Delikado kasi, kung pinansin ko siya hindi ko mako-control ang emotions ko. That's my weakness, kaya malalaman na nila na may gusto ako sakanya.

“Ang awkward nya sa personal, pero ang saya nyang kausap sa chat.” says Diana.

WTF? Magka-chat na sila? I knew it.

Hanggang sa sinabi na sa mga advisers na pwede ng pumunta sa mga rooms, nag-assign na ang mga advisers kung sinong troops ang sa room na ito o dyan. Pero alam na namin kung sino ang mga troop leaders - ang mga Grade 10.

“Hey, dito tayo Lacey.” hinakbayan ako ni Martin. Wait what? Si Martin?

Inalis ko yung kamay nya na nakahakbay sakin. “Ikaw ang troop leader namin?” I ask.

“Hindi, yung pinsan kong Grade 10 at pinakita niya sakin ang list ng members nya.” he said. Then kinuha niya yung maleta ko.

“Oh, okay. Eh nasaan yung iba?” I ask. Habang naglalakad, di ko alam kung saan nya ako ipupunta.

I breathe.

“Oh, yun na pala sila. Tayo nalang inaantay nila...” Martin blurted out.

I quickly looked. I squirts.

Parang familiar yung isa dun ah.

OH GOSH. Napalunok nalang ako.

“Tara na sa room?” tanong nung pinsan ni Martin.

I nodded as they say ‘Yes!’.

Lumapit bigla sakin si Theo. Oo, si Theo nga.

Napatingin ako, at ngumiti kunwari - ngumiti siya pabalik. At tumingin nalang sa harap ko at nagpatuloy na naglakad. Of course, hindi ko kayang kontrolin ang emosyon ko.

Nadaanan namin ang swimming pool, ang luwang. Yung feeling sa loob ko ay magkahalong kaba at excitement. Gusto kong maligo dyan!

At ayun na nga, naka-buntot si Theo sakin, kumukuha yata ng tsempo na kausapin ako.

“Ate?” mahinahon niyang sinabi.

“Mmm?” sagot ko na hindi maka-tingin sakanya.

Tapos may napatid na ka-troop namin. Hindi kasi tinitignan ang daanan. Kaya naputol ang uumpisahan sana ni Theo na conversation.

Teka lang ha, bakit parang ang layo naman nitong nilalakad namin? Iniligay naman yata kami sa isolated rooms. Gusto ko ng matapos itong lakaran na ito eh, para wala ng dahilan para bumuntot sya sakin.

At nung nakakuha siya ng tsempo: “Ate galit ka ba sakin?” bigla niyang itinanong. Napatingin ang mga kasama naming naglalakad.

Shete.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon