SEIS

58 9 7
                                    

[chapter 6]

Hindi ko inaasahan na mag-a-appear sa lockscreen ko ang pangalan ni Theo. Sobrang saya na sobrang kabado dahil ano kayang pakay nya? HAHAHA praning na naman ako.

- Chat -

Theo: Ate?

Me: Oh, ading...

Theo: Ate ako po si Dos, yung kasama nyo po kanina.

Oh gosh, alam ko yun, alam na alam I swear.

Me: Ah oo, yung ading ni Tom.

Acting innocent ang lola nyo.

Theo: Opo, ako nga po yun.

Me: Typing...

Hay, pakipot kunwari Lacey. Seen mo lang...

Theo: Typing...

OMG. Gusto nya talagang makipag-usap sakin.

Theo: Ate...

Me: Oy?

Theo: Sabi po ni kuya ko, sinasabi nyo daw po sakin mukha daw po akong ML?

Me: WAHAHAHA talaga? Sinabi nya yun?

Theo: Opo

What? Opo? Kainis, para tuloy akong matanda. Eh ilang taon lang naman ang agwatan namin.

Me: Di ko sinabi yun ah 🙄

Theo: Weh? Talaga po ate?

Me: Uu

Theo: Sinungaling talaga si kuya ko

Me: Juk lang! Sinabi ko talaga yun, pero di lang ikaw pati si ading ko. Siya kasi nagsabi sakin na nag ML ka ihhh

Theo: Di naman po, naglalaro po ako nun pero hindi po mukhang ganun

Oh god, wrong move Lace. Na-offend mo yata sya.

Me: Sorry na, mapapatawad mo ba ako Theo?

Theo: Walang ganun ate, hinding hindi kita mapapatawad.

Me: Halaaaa, sorry na kazzzi ❤️

Nag-react sya ng heart eyes sa chat kong yan.

Theo: Diba sabi ko hindi?

Eto na, feeling ko nakuha ko na yung pitik na hinahanap ko.

Me: Sorry na bebe kooo!

Theo: Bebe ko? 😳

Wtf Lacey, na-ilang yata sya dun. Hindi niya yata inaasahan yun. Isip-isip ng palusot.

Me: Jok lang... Kunwari nga role play, tas para bang nag-aaway na mag-bebe kaya ganun.

Pero miski ako, binigla nya.

Theo: Hehe okay bebe ko ❤️

Napatili ako sa kwarto at humiga ng biglaan sa kama. Patuloy ako sa pag-tili. Tumingin ako sa salamin, seryoso? Namula ako dun? Bumilis ang tibok nang puso ko, pero kailangan kong mag-stick sa status-quo, isip na kung anong i-rereply baka mawala pa sya.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon