[chapter 29]
“Uy girl, uuwi kana?” tanong ni Sierra.
“Oo, bakit?” I asked her back.
“Ayaw mo manood ng praktis?”
“Praktis?” tinignan ko siya ng may kaguluhan.
“Oo praktis nyo sana kung ikaw ang lalaban. Pero dahil si Dos ang lalaban, palagay ko, may pake ka kung sasabihin ko sayo yan.” naka-cross ang arms si Sierra.
“Talaga? Tara!” kaya pumunta kami sa stage.
Hindi pa sila nagi-start, nandun palang si Sir Lester, sya ang nagpa-praktis sakanila. So yung mga candidates nakaupo lang at inaantay yung sign ni sir para mag-simula na sila.
Nakita ko si Theo, naka-upo katabi siguro yung kapartner nya. Then napatingin siya sa banda namin ni Sierra. His eyes glow at ngumiti. Kumukuha ng tsempo at biglang tumayo. Pinuntahan kami.
“Hi ate Sierra, Hi Lacey.” he formally greeted me and greeted Sierra the usual way.
“Anong ginagawa nyo dito?” he looked at me na parang ayaw niya kami mag-stay dito.
“Nandito kami para panoorin ka.” sumingit si Sierra sa view.
“Ihhh, nakakahiya po.” he said, habang kinakamot ang ulo.
“Sinu-support ka nga namin, ano kaba.” response ni Sierra, habang ako tahimik lang at nakikinig sa usapan nila.
“Uh, si Tom...” bigla akong napalayo ng konti kay Theo nung sinabi ni Sierra yun. “Ay, hehe si Tom pala? Gusto nyo hanapin ko?” biglang bawi ni Sierra at umalis para hanapin si Tom.
Kaya naiwan lang kaming dalawa.
“Uy, galingan mo ah.” sinabi ko sakanya.
He bit his lips. “Kailangan nyo pa ba kaming panoorin?” he then asked.
“Oo, titignan na rin namin kung sino yung mga candidates.” I stated. “Bakit? Ayaw mo ba na nandito kami?” I told him.
“Uh, hindi naman sa ganon. Nakakahiya kasi sayo, makikita mo akong rarampa, e, hindi ko naman alam kung papaano yun.” he explained.
“Okay lang,” I said.
“Baka ma-inlove ka lalo sa akin.” he blurted out.
Pinalo ko siya ng marahan sa balikat. “Baliw ka talaga!”
“Sayo.” he said.
Hala, bakit ganito? Ramdam na ramdam ko naman na ang pagka-pabebe ko? Pakiramdam ko napaka-babae ko ngayon.
Tinignan ko nalang siya, then rolled my eyes, pero deep inside sumisigaw na ako sa kilig.
“Alam mo noong una palang kitang nakita tinamaan na ako sayo.” he explained, gulat naman ako. Kaya nag-reak nalang ako at di na nagsalita (pansin ko lang, napaka-pabebe ko ngayon). And then he continued, “Nagseselos nga ako kay Kuya e, kasi lagi kayong magkasama. At isa pa, akala ko girlfriend ka nya. Kaya siguro, itinuon ko nalang yung pansin ko sa ibang babae.”
“Loko! Kabata mo pa, may nalalaman ka ng itinuon-itinuon.” I slightly laughed.
“Kaya nga, kabata ko pa pero girlfriend na kita.” he said. I bit my lips.
“Ah, wait lang...” may kinuha siya sa bag niya. Inabutan nya ako ng Hershey's Chocolate, “Oh!”
“Bakit ito?” I said. “Bakit mayroon ka nito? Diba bawal sa inyo yan? Tignan mo, sabihin kita kay Kuya mo.”
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Novela JuvenilHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...