SESENTA

15 4 0
                                    

[chapter 60]

“Don't worry hindi na kita kukulitin ading...” sabi ko nalang, instead of Theo, ading na ang itinawag ko sakanya. “Hinding hindi na.”

Namumula sya at hindi okay ang itsura nya dahil sa sakit na nararamdaman niya. Pero pinilit niya paring magsalita.

“Ano pong ibig nyong sabihin?” tanong niya sakin habang clueless sya sa mga sinasabi ko.

“Hindi na ako mangungulit...”

“Okay lang po... Kung yun po ang magiging paraan para bumalik ang alaala ko, wala pong problema sa akin...” sabi ni Theo.

Tumulo ang luha ko.

“I'll set you free, magsimula ka ulit.” sabi ko at patuloy parin ang pag-luha. “At ganun rin ang gagawin ko, siguro nga tama si Mommy mo na puro trouble lang ang dulot ko sa inyo at kapag ipinilit ko parin ito baka mas lalo lang lumala...”

Tinignan niya lang ako, pakiramdam ko hindi si Theo ang kausap ko.

Sinubukan niyang punasan ang luha ko.

“Sorry po talaga...”

Pinilit kong ngumiti.

“Nakapag-decide na ako, na sa Manila na ako magte-take ng Senior High School ko. Siguro para makalimut at maiwasan na ang sakit. Dahil alam ko, you're no longer the Theo that I used to know. Ang mahalaga nalang ngayon ay nakasiguro na ako that you're okay, bumalik man o hindi ang alaala mo.” sabi ko.

Nag-take lang naman ako ng chance na baka maalala ni Theo ang lahat kapag idinala ko siya dito sa Garden House ng school at ikwento sakanya ang nakaraan namin. Pero talagang buo na ang desisyon ko na tumira sa Manila at iwan ang lugar na ito.

“Ano po?” hindi sa patanong na paraan but he exclaimed. “Ibig sabihin po aalis ka na po dito? Iiwan mo na po yung mga kaibigan mo? Sila Kuya?”

Tumango ako. Completely saddened, kasi hindi niya ininclude ang sarili niya. Hindi man lang niya sinabi na ‘iiwan mo na ako?’ para man lang malaman ko na si Theo parin ito.

“Kailangan ko eh.” I grinned.

“Sa tingin nyo po, yung Theo na kilala nyo dati gusto niyang sukuan niyo siya?” tanong niya. Mahirap na tanong yun ah.

Pinipigilan kong wag umiyak, pero ang sagot duon ay hindi.

“Hindi, he will never let me go of his hand.” I almost yelled.

Hinawakan niya ang kamay ko. Nalilito na ako.

Ading... Sinubukan ko na ang lahat, pero hindi ka na talaga maka-alala.” sabi ko.

Ate... Since nagsimula naman na po tayo na sabihin yung mga sekreto natin. Alam mo po kahit na hindi ako makaalala ramdam ko po -- at hindi po ako nagtataka kung bakit nagustuhan po kayo nung Theo na kilala nyo, dahil... Uh...” nahihiya niyang kinamot ang ulo niya. “Gusto ko rin po kayo. What if, we can start over again? Kung sino po ako ngayon...” sabi niya.

“I'm sorry...” sabi ko, “I love you...” at lumabas na ako sa Garden House at iniwan siya. Pag labas ko sa pinto sumalubong sa akin ang malakas na ulan.

God!

Sinuong ko ito, kahit mabasa na ako basta marating ko lang ang covered court.

Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Pero napahinto ako.

Dahil may narinig akong tumawag sa akin.

“ATE LACEY!”

Lumingon ako at napahinto sa kalagitnaan ng ulan.

“ATE LACEY!” tumakbo siya papunta sa akin.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.

I love you back...” sabi niya habang nakayakap parin sa akin. “Please wag ka ng umalis, please...”

“Theo?” sabi ko.

Basang basa kami sa ulan, pero wala akong pakialam.

Inakap ko siya pabalik.

“Ibig sabihin ba nito, hindi kana aalis?” tanong niya.

“Naasikaso ko na lahat ng papers ko, nakapagpa-enroll nako sa school sa Manila. Inaantay ko nalang ang closing ng school year natin dito at doon na ako makakapag-simula.” sabi ko.

“Lacey...” marahan niyang inayos ang buhok ko sa likod ng tenga ko. “Ito na ako oh, si Theo.”

“Nakakaalala kana?” pa-bigla kong itinanong.

“Oo, simula noong binigay mo sa akin yung mga sulat... Nagkaroon ako ng mga episodes sa pag-sakit ng ulo ko. Hanggang sa bumalik na lahat ng alaala ko.” paliwanag niya.

“Huh? Hindi ko maintindihan...” sabi ko.

“Naghahanap lang ako ng tsempo na sabihin sayo na naaala ko na... Naalala ko na piece by piece. Everytime na sumasakit ang ulo may mga memories na nadadagdag... At hindi ko sinabi sayo agad dahil, nahihiya ako, dahil malaki ang kasalanan ko sayo... Nag-doubt ako sayo, hindi kita pinakinggan noong gabi na yun. Mas pina-naig ko ang galit ko... I'm sorry...” he said shaking. Alam ko umiiyak siya kahit na balot ng tubig ng ulan ang mukha niya.

“Bakit? Uh, bakit ganito? Dapat sinabi mo sa akin agad dahil nakapag-desisyon na ako... Nailagay ko na sa mindset ko na hindi kana makaka-alala ulit, na hindi mo na ako maalala ulit...” I cried. Yumuko ako at pinagpatuloy ang pagiyak.

Hinawakan niya ang kamay ko, ramdam ko ang lamig ng kamay nya dahil sa dulot ng ulan na bumubuhos sa amin.

“Please... Dont let go of my hand... I will make it alright.” he grinned. “Babawi ako, just please don't go... I will make sure na itong natitirang school days ipaparamdam ko sayo na worth it ang hindi mo pag-alis. Please let me.” he pleaded.

Ngumiti ako, kahit na malakas na ang buhos ng ulan. At niyakap sya.

“Namiss kita... Ading.”

“Namiss rin kita Ate.”

Pinalo ko siya bigla.

“Aray! Para saan yun?” tanong nya.

“Para sa sayo na hindi nagiisip! Alam mo bang ilang gabi akong hindi nakatulog ng maayos at isang galong luha na ang nasayang ko? Yun pala, nakakaalala kana?!” I yelled at him.

“Sorry na...” he faked frowned. “Bati na tayo please, gusto mo bang magtagal dito? Ang lakas na ng ulan.” sambit niya.

I shrugged.

Tapos niyakap ko sya sa ilalim ng ulan.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon