QUINCE

54 10 2
                                    

[chapter 15]

"Lacey?" I heard a voice. "Lacey, shit! Ayus ka lang?" he asked.

"Martin?" I said confused.

"Anong ginagawa mo dito?" he asked.

"Huwag mong sasabihin sakanila na nakita mo ako dito, please..." I pleaded.

Tumango siya.

"Ano ba kasing nangyari?" he asked again.

Napatunganga lang ako, tinignan siya sa mata at lumuha ng 'di ko namamalayan. Lumapit sya sa akin, at pinunasan ang mata ko.

"Ate Lacey?! Ate Lacey!" dumating si Theo, pero hindi kasama si Diana.

Napahinto sya ng napansin nya na pinupunasan ni Martin ang mga mata ko.

"Ate bakit ka po umiiyak?" tanong ni Theo.

Minadali kong punasan ang mata ko at inalis ang kamay ni Martin sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo dito Theo?" I asked. "Paano mo nalaman na nandito ako Martin?" nilihis ko bigla ang tanong ko kay Martin.

"Nakalimutan mo kasing kunin yung susi sakin tapos nung pupuntahan palang kita para ihatid yung susi na-" hindi ko hinayaan na tapusin ni Martin ang sinasabi niya, dahil nandyan si Theo at baka napansin nila ni Diana na may sumilip sa pinto.

"Ahhh, oo, oo, medyo personal kasi yung reason..." I paused and look at Theo at pabalik kay Martin. "...kung bakit ako umiiyak." I added.

"Punasan mo na yang luha mo, mas maigi kung bumalik na tayo sa room at magpalit ka nalang, kasi malapit nang mag 8:00 for the next part of this Youth Formation." Martin said, then looked at me like he knows my secret. "Let's go, let's go Dos."

Lumapit sa akin si Theo, "Okay ka lang ate?"

Tinignan ko sya, tumango ako then smiled then iniwas na ang tingin. Matahimik akong naglakad, siguro ramdam ni Theo kaya hindi na nasundan ang tanong nya.

'Pag dating namin sa room, nandun sila Sierra at Tom.

"Holy shit! Lacey? Umiyak?" tanong ni Sierra.

"Ano? Bakit ka umiyak Lace?" biglang tanong ni Tom.

"Homesick lang siguro..." I answered them.

And then napansin ko si Theo naka-upo sa gilid mag-isa at nakasimangot. Nakaka-awang tignan, kausapin ko na kaya? Or wag nalang.

Naguusap sila Martin and Tom and Sierra, kinukwento ni Martin yung nangyari and how he found me.

Naglakas loob akong naglakad papunta kay Theo para kausapin. "Te-" hindi natuloy nang biglang lapitan siya ni Diana. DIANA? Sya na naman? Wala bang troop ito at bakit laging nandito? Batang pasaway!

Napatingin si Theo sa akin, then he looked at me like he's so sad. Nagtalumbaba ako and pinch my lips then nilapitan ako ni Martin nang nakatingin si Theo.

"Okay ka lang talaga Lacey?" he asked me.

I smiled and nodded.

"Let's go, magpalit kana ng pants, nalagyan na ng putik yang suot mo ngayon eh." Martin suggested.

"Okay..." then dumiretso na akong nagpalit.

At lumipas na ang kalahati ng araw, nakapag-attend na kami ng talk about sa Youth Formation and napuntahan na ang mga dapat puntahan na lugar ng umaga.

Ngayong lunch, hinayaan kaming hindi kumain kasama ang mga troop mates namin. Yung iba, nagbaon ng pansarili nila at yung iba naman na tulad namin, mas gusto pang kumain sa labas

Kasama ko sila Sierra, Andrew, Bradley, Tom, Theo, at Diana. Yung iba sa amin magkakasama sa troop tulad ko at ni Theo. Yung iba naman magisa lang nila na nandun sa troop na yun.

"Saan tayo magla-lunch?" tanong ni Sierra.

"Jollibee for the win!" I cheerfully suggested. Pero iniiwasan paring tignan si Theo, lalo na't nandyan si Diana.

"McDo nalang, mas malapit." Diana suddenly suggested as well. Napatingin ako bigla sa kanya ng 'di ko inaasahan.

"Oo nga po, sa McDo nalang, buti pa yun malapit lang po." nag-aggree bigla si Theo.

A bunch of: Ah, sabagay. Pwede rin. Oo nga, 'di masyadong nakakapagod.

I just rolled my eyes.

"Okay, basta I'll eat at Jollibee." pinanindigan ko ang sinabi ko. "Kita nalang mamaya."

"Sasama ako sayo," sabi ni Tom. I smiled at him, nakatingin si Theo na tila gusto rin na sumama.

Hanggang sa sumakay na kami ni Tom papuntang Jollibee.

So kumain na nga kami ni Tom sa Jollibee, kinain ang mga favorite foods namin dun. At ayun, lumipas ang lunch ko ng normal, ng walang Theo, ng walang Diana.

Ako lang at si Tom.

I missed my bestfriend.

"Na-miss kita Tom." I said. Tinignan niya ako ng hindi kapanipaniwalang tingin.

"Oo nga! Namiss ko nga si Thompson. Kasi lately parang hindi na ako nakaka hang-out with my bestfriend. Kaya na-miss kita, big time!" I hugged him.

"Kailangan pala lagi mo akong namimiss para niyayakap mo ako ng ganito." he joked around.

Pinalo ko ang braso nya, "Loko-loko! Wala akong ibang ibig sabihin dun!"

He smirked.

"Huy! Ano?" I asked annoyed.

"Anong, ano?" he asked sarcastically.

"First of all, you smirked like I don't know what you mean, and second-" hindi niya ako pinatapos.

"-and second, hindi mo kailangang mag-english dahil malayo ang hospital dito para itakbo nyo ako kapag naubusan na ako ng dugo." he explained.

Hindi ko alam, pero bakit ang ganito ka-perfect na tao ay hindi ko magustuhan?

"Maybe we should go back to resort?" tanong nya. At nabigla ako dahil sya rin pala ang nag-english.

Tinignan ko siya na parang ewan.

He stick his tongue out.

"Baka nandun na sila!" pag-diin ni Tom.

I shrugged, "Baka..."

"Oh baka naiwan na tayo ng bus." he said.

I blew my hair. "O-tay!" I rolled my eyes. "Tara na garud."

"Missed you too Lace." bigla niyang sinabi. I smiled.

______•______

Author's Note:
Will be publishing one more Chapter, then I'll be heading to my holiday vacay so I'll make it right. And I'll be continue publishing... Uhh, I still don't know yet. But heck yeah, that'll be soon.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon