CATORCE

54 8 16
                                    

[chapter 14]

Okay, nakakahiya itong ginagawa niya.

“Ate, sorry.” he apologizes.

“Sorry saan?” I ask.

And then narating na namin yung room, SA WAKAS!

“Oh, pasok na pasok na! Pasok na kayo at mag-aassign ako ng mga magkakatabi, of course kaming mga kababaihan sa taas ang bedrooms namin.” announcement ng pinsan ni Martin. I intentionally put my attention there, instead sa pagso-sorry ni Theo.

“Teka, mamaya nalang tayo magusap.” I said. And leave him.

After kong i-unpack ang mga gamit ko, I decided to go outside. Nakita ko si Diana at si Theo - naguusap. Oh? So what? Wala lang yun, tignan mo oh, sa maraming tao sila naguusap. Meaning, gustong ipakita ni Diana sa lahat na hindi siya les.

Pupuntahan ko ba? Wag na. Nagpatuloy nalang ako naglakad balak hanapin sila Sierra.

“Lace, Lacey!” may tumawag sakin.

Pagharap ko, nakita ko si Martin. “Oh? Bakit Martin?” I asked.

“Maglilibot ka ba?” he asked.

“Um, oo. Bakit?” I said and asked.

“Tara,” he said.

“Tara?” I asked.

“Gusto ko rin maglibot eh, pwede ba kitang makasabay?” he said, then smiled.

Bakit ganun? Ngayong wala na akong nararamdaman kay Martin, ang mga tipid niyang ngiti noon sakin na nya binibigay ngayon.

“Okay. Tara!” I said.

Then napatingin ako kay Theo, he's still with Diana pero parang may hinahanap siya at wala ang atensyon nya kay Diana.

I sighed.

Then naglakad na kasama si Martin.

“Alam mo, sana magka-klase nalang ulit tayo ngayon.” he blurted out. Hindi ko inexpect na magsisimula siya ng conversation.

“Bakit naman?” I asked then tucked my hair at the back of my ear.

“Kasi mas mahirap na ang Science ngayon. I think...” he shrugged. “I need a tutor.”

I laughed a little. “Seryoso ka?”

“No. I mean, my mum already got me a tutor, pero you're my tutor sa classroom. And I mean, yes, seryoso ako.” he explained and stammered.

“Ewan ko sayo!” pinalo ko siya sa braso.

He chuckled. At biglang may naalala ako si - Theo.

“Alam mo, ang saya ko lang dahil nakaka-ngiti kana ng ganyan unlike before. Yun kaya ang hinuhuli ko sayo nun, yung mga ngiti mo.” I said. Wala nalang sakin yang mga sinabi ko, hindi ko na sya crush neh, kaya wala ng malisya at malakas na ang loob kong sabihin.

Tumawa sya. “Bakit naman? Pwede naman yung ngiti ni Tom?”

“Ayan, ganyan. Yang tawa mo, yang ngiti mo. Marami rin kayang nag-aanticipate nyan.” I paused. “Ang ganda kasi ng ngiti mo, kaya naging crush kita noon. Pero noon yun ah!” nilinaw ko.

Tinignan niya ako. Napatingin ako sakanya. Hindi ko na siya crush, pero yun parin yung mukha niya eh, yun parin yung mukha na pinapantasya ng mga babae noong Grade 8 kami.

“Huy! Loko ito! Wag mo akong tinitignan ng ganyan!” I groaned.

“Pero seryosong usapan, crush mo parin ako?” bigla niyang tinanong.

Namula ako, yung tingin niya. Parang binabalik niya ako sa pakiramdam na naramdaman ko sakanya noon.

“Leyse!” biglang narinig ko si Sierra, at literal na binanggit ang pronunciation ng pangalan ko. At bumalik ako sa katotohanan. “Leyse! Kanina ka pa namin hinahanap.” sabi ni Sierra.

“Uh, ako rin. Kanina ko pa kayo hinahanap.” I said.

“You mean, kanina nyo pa kami hinahanap.” Sierra corrected me.

“Uh, oo, kami. I mean, kanina pa rin NAMIN kayo hinahanap.” I said.

“Hi Martin, kilala mo ba ako?” tanong ni Sierra.

“Oo naman,” Martin said.

“Hay, para ka kasing celebrity noong Grade 8 tayo eh. Kaya baka 'di mo ako napapansin.” hirit ni Sierra.

“Hindi naman, maingay ka kasi kaya naalala kita.” he joked.

“Ay ang bad mo,” Sierra said.

Then umupo kami sa pavilion.

“Nasaan si Thompson?” I asked.

“Nasa ibang troop. At 'di rin namin siya mahanap.” sabi ni Andrew.

“Arroy? Magka-troop kayo?” tanong ko.

“Ewan ko ba dyan, sinusundan nya ako. Alam ko maganda ako Andrew pero hindi mo kailangang maging obsess sa akin.” sabi ni Sierra. Napa-tawa kami ni Martin.

“Obsess amp.” sabi ni Andrew.

“Wait, try kong i-text si Tom.” kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko - at wala.

“Sige, tawagan mo na nga.” said Sierra.

“Shocks, naiwan ko sa room.” I paused for awhile. “Kuhanin ko lang.”

I went back to our room.

Kainis, bakit ba kasi naiwan ko pa. Tapos 'di ko pa naalala kaninang magkasama kami ni Martin na mag-selfie?

At nang marating ko ang pinto, naalala ko wala pala akong susi. Shit! Ganun naba ako makakalimutin? Pero napansin ko na may siwang ang pinto.

“Ay naka bukas naman pala,” I whispered to myself. At dahan dahan akong sumilip at baka may nagbibihis. Pero pag-bukas ko ng konti, nakita ko si Diana at Theo sa loob.

WTF? THEO AND DIANA?

Anong ginagawa nila dun? At biglang hinalikan ni Diana si Theo sa pisngi. WHAT THE HELL? ARAY! Parang wasak ang puso ko dun.

Wala akong nagawa kundi tumakbo nalang papalayo, kahit saan ako ipadpad ng paa ko. Ang sakit lang. Wala akong pakialam kung napansin nila na may gumalaw sa pinto o napansin nila na nakita ko, basta ang nasa isip ko lang ngayon ay sobrang sakit. At gusto ko lang itakbo ito papalayo habang iniiyak.

At nakarating ako sa malaking puno, kung saan sinigurado ko na walang nakasunod sakin. At walang nakakita sakin. Huminto ako sa puno na yun at inilabas lahat ng sama ng loob.

“THEO! WHAT THE FUCK! ISA LANG BA AKO SA LIBANGAN MO?” I cried hard. “Oh talagang ate lang ang tingin mo sa akin at naging assuming lang ako?” umiiyak kong sinabi sa puno, at patuloy ko itong sinuntok habang umiiyak.

“Tangina ang sakit! Bakit ba kasi ako na-fall sa ka-sweetan mo.” I screamed and then cried again.

I stood, pinilit kong pinunasan ang mga luha. “Kasalanan mo rin ito Lacey, kasalanan mo rin. Masyado kang nagmahal... ng taong 'di mo sigurado kung mahal ka rin. Hindi ka na natuto!” sinabihan ko ang sarili at nagmatigas, hindi ako humagulgul kahit tumutulo ang luha. “...ang sakit naman kasi.” at bumigay rin ako.

“Lacey?” I heard a voice. Nagulat ako kaya bigla akong huminto sa pag-iyak. Familiar at nakakapangilabot.

__________ • __________

Author's Note:

Hmmm... Sino kaya ang lalaking 'yon?

Please Vote and Comment 😊

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon