VEINTIDÓS

45 6 7
                                    

[chapter 22]

Habang hinahanap namin sila Sierra, tinawag ng troop leader namin si Martin. “Uh, iwan muna siguro kita dito Lace.”

“Okay, wag mo na akong alalahanin.” I smiled, sobrang caring na ang ginawa sakin ni Martin kaya hayaan ko muna syang gawin ang gusto nya.

“Ate Lacey!” WTF?

Napa-lingon ako at nakita ko si Theo, papunta sakin, as in sa akin. Nagulat ako and then I stood up, planning to run.

“Ate Lacey, sandali,” he grabbed my hand, “Bigyan mo naman ako ng konting oras mo oh, please.” konting oras ko? Yung taong gusto kong sabihan ako nyan ay sinasabi na nya ngayon? Tumango ako.

Naglakad kami papunta sa walang tao, I saw roses, buti pa dito, kung saan saan lang tumutubo ang roses.

Umupo kami, bumuntong hininga siya tapos tumingin sa akin at ngumiti, kumukuha sya ng tsempo na magsalita “Uh, tungkol po kanina, um... Bakit pangalan ko po yung isinigaw mo?” He asked.

“Ah, wala lang. I just tried it, wala naman akong maisip na pangalan e. Hindi ko naman alam na tatlong beses pala magbabounce yung bato," I explained, manhid ka talaga Theo, hindi mo pa ba pansin?

“At yung sa kiss po?” he grinned, at 'di makatingin sakin. “Sor-” I cut off.

“Baka hinahanap kana ni Diana,” I said, wala na akong maisip na rason e.

“Hindi po, sigurado akong hindi.”

“Uh, sabagay, hindi pa naman kayo kaya hindi naman nya kailangang maging ganun sayo, na kung-” napatigil ako.

“Sige lang ate, ituloy mo lang...” he said chuckled.

“Anong nakakatawa dun?” I asked.

“Wala po, gusto ko lang na ituloy nyo lang...”

“Bakit?” I asked, again.

“Kasi po, namiss ko yung pag-kwento nyo.” he said.

“Huh? Parang tanga 'to!” pinalo ko sya sa braso.

I tasted my lips, nandun parin at fresh parin yung pakiramdam nung nangyari kanina.

Gustong-gusto kong sabihin sakanya kung gaano ko siya kamahal. Pero 'di ko magawa.

Pinalo ko siya ng marahan. “Ouch!” he groaned. “Para saan yun?” he asked.

“Para sa, para sabihin ko sayo, hindi natin kagustuhan ang nangyari kanina ah. Ikaw kasi, sulpot ka ng sulpot kung saan saan.” sinabi ko na parang sinisisi ko pa sya.

He chuckled, again. Then he stopped. Theo ano ba? Inaakit mo ba talaga ako?

“Uh, ate Lace?”

“Oh?”

“Uh, ate Lace, hindi ko na liligawan si Diana...” sinabi niya without looking at my face.

“Huh? Bakit naman?” tanong ko habang wala akong ideya kung bakit di na niya itutuloy, unless...

“Kasi, na-realize ko po na...” he gulped, “...na, hindi ko naman talaga sya gusto.”

“Ano bang nangyari?” tanong ko ulit, at baka naman na-discover na nya rin na ano sya, na alam mo na.

“Hindi- hindi po, wala pong nangyari...” tumingin sya sa paligid then continued. “Basta, gumising nalang po ako kanina pakiramdam ko na hindi ko naman talaga sya gusto...” sinabi niya, fluently, walang patumpiktumpik, talaga sigurado sya sa sinabi niya.

“Ooohhh...” reaksyon, habang speechless.

“Siguro, dahil maganda sya, she's something sa school, siguro na-attract lang po ako sakanya sa ganoong paraan. At dahil 'di ko expected na yung ganung tao, magkakaroon ng gusto sakin, parang feeling ko magiging challenge sakin yun, kaso ayun na nga po, gusto nya rin po ako...” he explained.

Akala ko dahil nalaman niya na gusto rin kasi ni Diana yung mga gusto niya. Just kidding.

“Ganun ba, baka infatuated ka lang...”

“Baka nga po...” he nodded.

“O baka naman, may iba kang gusto?” patanong kong sinabi.

“Baka rin po...” he looked at me and smiled.

Oh my gosh, anong ibig sabihin nun? Medyo naiilang na ako sa nangyayari ngayon ah, Lacey, gumawa ka ng paraan para mawala ang awkwardness na ito. Kilitiin mo sya kunwari, tapos biruin.

Kiniliti ko siya, at biniro nga. “Uy, sino yan?”

He laugh a little, dahil sa pagkabigla niya noong kiniliti ko siya. “Wala po yun ate, hindi ko lang siguro siya gusto talaga.”

“Eh, papaano mo sasabihin sakanya yan? Parang close na close naman na kayo.” tanong ko na naman. Mas mainam na yun ne, para mapaghandaan nya ang sasabihin niya kay Diana, at wala na talagang chance na maging sila. *Evil laugh*

“Hindi ko nga po alam ate e,” he said. “Ate, pwede po bang tabi tayo sa bus mamayang pauwi na, gusto ko lang po kayong maka-kwentuhan?” bigla siyang nag-request.

“Sige, walang problema.” I agreed, ako nalang bahalang kakausap kay Tom.

“Pwedeng pakiss po ulit?” nagulat ako sa sinabi niya. Kaya napalo ko siya uli braso.

“Huy! Bastos na bata 'to!” I exclaimed. Pero pwede rin naman, hihi.

“Joke lang po, namiss kita ate Lace.” he said.

“Namiss rin kita, big time!” I smiled.

“Bebe?” he said.

“Bebe ko.” I said.

Ang corny ko pag dating sayo.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon