[chapter 29]
Puro halaman ang nakikita ko, yung plant exhibits, yung mga science experiment ng school about sa botany and yung Garden House. I suspect nandun sya. So, I ran towards there, hindi naman sarado ang pinto kaya pumasok ako.
Nakita ko ang bleachers na pinagpa-patungan ng paso ng mga halaman, 5 layer yung braces nya. At wala pa sya.
Sinabihan ko si Theo na puntahan niya ako sa Garden House. Nandun lang ako, naglalakad from back and forth on the loop.
I sighed. Tumingin sa paligid.
“Nasaan na kaya sya?” I said to myself.
Then biglang bumukas ang pinto, nagulat ako kasi baka ibang tao. Pero si Theo na pala yun.
Nagkita kami sa Garden House.
Pagpasok niya sa pinto dahan-dahan siyang nag-lakad papunta sakin at biglang tumakbo sa bleachers at umakyat kasama ang mga iilan lang naman na naka-pasong halaman.
Tumingin siya sakin, tumingin rin ako sakanya. Nagpalitan kami ng ngiti.
Then bigla siyang nag-salita.
“Sa dami ng bituin sa langit,
Sa nakaka-akit na ilaw ng buwan,
Ang liwanag ng pag-asa na bigay ng araw.
Isa ka sa natatanging gusto ko sa aking buhay.” the way na binabanggit nya, para siyang nag-tutula sa harapan.At ang tulang binabanggit nya ay ang tulang nilagay ko sa note na ibinigay ko sakanya.
I reacted like I felt ca little ringe, dahil binabanggit nya ang ginawa kong tula. I'm not quite confident hearing them.
Umakyat rin ako papunta sakanya.
Umupo ako sa may mababang parte ng inuupuan niya.
“Uh, mayroon akong ginagawang note rin para pasalamatan ka, hindi siya kasing ganda ng sayo.” he shrugged, “Grade 7 palang ako eh.” he chuckled.
Kinuha niya sa may bulsa niya, at inabot sakin. Parang we're doing an old way of courting.
Binuksan ko, at 'di niya ako binawalan na basahin ito.
“Ate Lacey,
Salamat sa magagandang salita na kasing ganda mo.
Itatago ko ito, tanda ng pagiging mahalaga mo.
Ginagalingan ko pa sa school para maging proud si Mommy at hayaan niya na mag-kasama tayo kapag nalaman na niya.
Magiging magkasama tayo dahil mahal kita at gusto mo ako.
Theo 🖤”Napa-ngiti ako, at tumingin sakanya. Naka-ngiti siyang naka-tingin sa akin, kahit hindi ako malapit sa dibdib siya nararamdaman ko ang tibok ng puso nito. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako binigyan nito ng halaga. Napaka-desidido.
“Ang ganda, ang ganda-ganda...” I told him, habang nakatitig parin sa mga sulat niya.
Bumaba siya ng konti para tignan ang reaksyon ko. “Talaga?” tanong niya.
“Oo, sobra kong na-appreciate.” totoo, hindi man siguro ganun ka pulido sa teknikal pero parang para sakin ang perfect nitong thank you note niya.
“Pero sa tingin ko eh, may mali dyan.” sabi niya at bumalik sa dating niyang puwesto.
Nagtaka ako, alin naman kaya ang mali dun? Kaya tinanong ko siya.
“Alin?”
“Yung part ng Magiging magkasama tayo dahil mahal kita at gusto mo ako...” I squinted. Alin dun? Tama lang naman ah.
“Sa papaanong paraan?”
“Kasi dapat: Dahil mahal kita at mahal mo rin ako yun.” he told me. “Baka kasi isipin mo pinapa-ngunahan kita kaya ang nilagay ko ay gusto. O baka naman kasi gusto mo lang talaga ako...” dagdag niya.
“Huh? Bakit di mo inilagay yun?” sabi ko sakanya.
“Talaga? Mahal mo ako?” he asked me.
“Oo, mahal kita ano ka ba?” I assured him.
Then kinuha niya yung note na hawak ko.
“May I?”
At inabot ko naman sakanya.
Binura niya gamit ang ballpen ang part na yun at isinulat: Dahil mahal kita at mahal mo rin ako.
And then binigay niya sakin.
“Oh! Dahil mahal kita at mahal mo rin ako.” hinalikan nya yung papel at inabot sakin. “Makikinig pa ako lalo sa Filipino para matuto ako lalong gumawa ng tula, para gagawan pa ulit kita.”
Paano yung kilig? Ito na bang nararamdaman ko yun? I wish we're like this forever.
Sumandal kami sa bleacher. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.
I smiled at him.
“Lagi na tayong pupunta dito.” he told me.
“Oo, lagi.” I replied.
“Ang tahimik dito.” he said.
“Oo nga, naririnig ko nga ang tibok ng puso mo eh.” I told him.
“Talaga?” he asked.
“Oo, ang bilis.” I said.
“Kasi mahal mo ako... Kaya ang bilis ng tibok nito.” nginitian niya ako. “Parang ginawa itong lugar para sa atin...”
“Para sa atin?” tinignan ko siya. “Ang corny nun.” sabi ko, pinisil ko ang ilong niya.
“Araaay!” he whined.
“Pero mas gusto ko yung ganito, tayo lang dalawa, malaya sa mga mapang-husgang tao.”
I lay down his chest.
“Nanggaling ka na ba dito?” tanong ko.
Umiling siya.
“Eh, ikaw? Papaano mo pala nalaman itong lugar na ito?” tanong niya.
“Sinabi sa akin ni Sierra...” sabi ko sakanya.
“Talaga, si ate Sierra?” nagulat niyang tinanong.
Tumango ako.
“Buti sinusuportahan niya tayo?” tanong niya.
“Oo naman...” sambit ko.
“Edi ibig sabihin nun, kaya rin tayong tanggapin ng mga tao?” sabi niya.
“Huh? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin. Alam ko gusto na niyang malaman ng mga tao kung anong meron sa amin.
“Wala!” he said suddenly.
“Hmp! Anong wala? Meron yun eh!” pagpilit ko.
Tumayo sya at tumakbo. Sinubukan ko siyang habulin.
Para kaming nagpa-patintero sa loob ng Garden House.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Novela JuvenilHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...