TREINTA Y NUEVE

11 2 0
                                    

[chapter 39]

Last day of Intrams! Pero 'di ako dun excited. Excited ako kasi makikita ko na si Mr. Intrams ko.

So before inumpisahan ang event ng last Intramurals, nagtipon tipon muna lahat sa quadrangle. Then Sir Lester asked someone to lead the prayer and after the prayer, he had a quick talk show.

Ngayon, kasama ko si Sierra, Tom, Bradley, at Andrew, we're sitting at the bleacher. At naka-jersey si Tom at Andrew.

“KAMUSTA MGA SASians!” sigaw ni Sir Lester. “ARE YOU HAVING A GOOD TIME?!”

Nagsigawan lahat, I guess they're having their good times.

“Okay, so mag-iinterview po tayo ng tao ngayon. Tatawag ako sa audience!” masiglang sinabi ni Sir Lester.

Halos lahat ng tao, nag-atrasan.

“Ayaw nyo? Ayaw nyo?” tanong ni Sir while continuously searching for someone na pwedeng kamustahin or whatever.

“Ah alam ko na, tawagin nalang natin ang Mr. & Ms. Intrams natin.” tinawag niya agad yung nasa harapan niya, at tumayo ito dahil pinipilit sya ng mga kasama niya. Si Theo. Si Theo yun. Naka-stripe red & white shirt and skinny jeans and black Vans old school. And then tinawag niya rin sa may bandang gilid si Candidate number 5 ang Ms. Intrams.

“So, hi-hi! Eto nga pala ang ating Mr. & Ms. Intrams” pinaharap niya ang dalawa sa mga audience. “Diba? Ang ganda at ang pogi nilang dalawa. Do you ship?!” palokong tinanong ni Sir Lester.

Halos lahat ng audience ang reaction ay: Ayiiieee!

Kumamot sa ulo si Theo at nahihiyang tumawa.

“Name, age, grade level?” tanong ni Sir Lester sa candidate number 5.

“Uh, I'm Vanessa, Vanessa Rivera. 14, I'm Grade 9, and from 9C!!!” may mga sumigaw, and I guess karamihan doon ay 9C, hehe.

Then inabot naman kay Theo yung mic.

“I'm Dos, 12 and I will be turning 13 this March, and grade 7.” nahihiya nyang binanggit.

“Awwe, baby boy pa si Dos.” kita mo, pati si Sir Lester Dos ang tawag sakanya. “So ano sa tingin mo tol,” naging lalaki bigla magsalita si Sir Lester. “Maganda ba si Ms. Intrams natin?”

“Yes.” Theo told him then he shrugged.

“Bakit parang hindi ka naman interesado tol?” nag-stick parin si Sir Lester in character.

“Uhhh, study first.” then he flashes a big smile.

“O baka may iba kang gusto...” sabi ni Sir Lester, grabe naman. Ano ito Valentine's special? Hanapan ng jojowain?

“May inaantay po ako, loyal po kasi ako sakanya.” napa-nga nga si Sir Lester sa sagot nya. Then biglang tinapik ni Vanessa si Sir Lester at binulungan.

“Ahhh, okay. So loyal si Mr. Intrams natin, pero girls pwede pa may chance pa kayo kasi inaantay niya palang naman yung gusto nya eh.” then hiyawan ang mga babae, ang mga babaeng malalandi! “And boys, sorry, taken na ang ating Ms. Intrams.”

I almost here boy reacting: UGGGGHHHH!

“Ayus naman yun, basta hindi nila napapabayaan ang pag-aaral nila. Walang masama, diba Mister & Miss Intrams?” tumango ang dalawa. “So, ano naman ang masasabi nyo sa Intrams natin?”

Unang sumagot si Vanessa, “Uh, it's fun po. I think everybody got their chances to play their sports, so it's worth it.”

“Siguro po, cooperation lang talaga ang kailangan para maging maayos ang Intrams natin at lahat tayo ginawa yun as our part, kaya naging maganda ang kinalabasan po ng Intrams natin.” sabi naman ni Theo.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon