[chapter 27]
Sooo... It's Monday, another life of pretending para sa amin ni Theo.
I saw Diana, she supposedly hugging me right now, pero di niya ginawa. Ayus lang, hindi ko naman hiniling na lagi niya akong yakapin e, baka mamaya sakin siya magka-gusto.
Tinignan ko yung ginagawa niya, she's doing her calligraphy thing again but this time it's Theo's full name. “Theodore Lofranco” sorry pero may kulang sya, may Dreiser kaya yun.
Pagpasok ng adviser namin, biglang may in-announce sya.
“Kailangan namin ng candidates for Mr. & Ms. Intramurals. 2 representatives per team level.” at biglang napatingin sakin si Ma'am Leah. “Lacey.” she said.
I widened my eyes, God, please wag.
“Ikaw ang Ms. Intrams natin.”
Itinaas ko ang kamay ko at tumayo, “Ma'am, I object.”
“Why?”
“Ma'am 'di ko po alam if papayagan ako nila Mama ko and... And... Ayoko rin po kasi.” I explained.
“Okay, sino sa tingin nyo ang pwede?” Ma'am Leah asked again. Ganun kasi siya si Ma'am Leah, kapag ayaw mo hindi na niya ipipilit, kasi daw kapag napilitan ka lang lumaban, lalong gugulo ang lahat.
“Hindi na natin pwedeng ilaban si Thompson at si Diana, kasi title holder na sila last year.”
Then patuloy silang naghanap ng representative, hanggang sa may nakuha na silang Miss sa section namin, pero wala sa Mister kaya maghahanap nalang daw ng iba sa ibang level na ka-team namin.
Sabay kami ni Sierra na nag-recess. Hindi na masyadong sumasama si Tom sa amin kasi nga kasama niya sila Bradley at Andrew.
“Girl, ikaw ang representative nyo sa team nyo?” she asked.
“Hindi, ayoko.”
“Katanga girl, ikaw dapat yun.” she pointed out.
“Ayoko nga, pwede bang wag nalang nating pagusapan yun?” I said.
“Okay.” nanahimik siya saglit. “Pero ito, wag kang magsisinungaling.”
Bigla akong kinabahan, kinakabahan talaga ako kapag ganyan si Sierra, yun bang parang may suspetsya sya.
“Ano yun?” I asked.
“Anong meron sa inyo ni Dos?” she directly asked. Ayun na nga.
“Huh? Dos?” kunwari wala akong alam.
“Dos. Si Dos, si Theo, yung ading ni Tom, si Tom na Lofranco.” she explained.
“Oo, alam ko, alam ko kung sino yung tinutukoy mo. Bakit mo natanong yun?” I asked.
“Kasi may nakakita sa inyo last Saturday, magkasama kayo. Ehem.”
“Wala lang yun, may naiwan lang ako sakanya tas kinuha ko nun. Diba magka-troop kami?” I explained, sana makalusot, sana makalusot.
“Ahhh” she nodded. “Kaya pala kumain kayong dalawa sa Jollibee.” she sarcastically said.
Nabigla ako sa sumunod na sinabi niya, c'mon Lace, don't panic. Relax, and magisip ka.
“Bestfriend na kasi kami e.” I said suddenly.
“Whaaat?” she said. “Hindi totoo yan, that's not possible. A boy and a girl as a bestfriend?” she rolled her eyes.
“Bakit? Hindi ba pwede yun? Kami nga ni Tom, nag-work e.” I stated.
“Oo, kasi may gusto si Tom sayo. Kapag magbestfriend ang lalaki at babae, ibig sabihin isa sakanila ang nagkakagusto or gusto nila ang isa't isa.” she paused. “Ayaw lang nilang aminin.” then she added.

BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...