[chapter 8]
Ginamit ni Sir Greg ang time namin sa ICL for some announcement na hindi na siya nagkaroon pa nang oras para sabihin sa homeroom. Naubos kasi ang oras sa homeroom kaka-kwento about sa mga experience niya na hindi naman talaga related sa topic pero alam mo yung pilit niyang isinisiksik para maging related? Para siyang nagpasok ng square sa lalagyan na bilog, pinipilit na tumugma kahit hindi.
“Hay, kung hindi ko lang crush si Sir Greg, malamang sa malamang, mag-iingay ako ngayon at mag-pro-protesta na pati ba naman ICL natin kukuhanin niya. Kung yung puso ko nalang sana, edi mas maganda.” said Sierra.
“Crush mo si Sir Greg?” pabulong kong tinanong.
“Oo, diba sinabi ko na sayo nuon?”
“Hindi man.” sagot ko.
Kinagat niya ang labi niya at napalunok. “Ah, hindi ba?” tumawa siya nang marahan. “Shit, kay Jade ko pala nasabi yun,” pagbulong niya at humarap sa akin. “Okay, so dahil alam mo na, crush ko siya talaga. Close case.” pagdiin niya.
“Mali. Case closed.” sabi ko.
“Whatevs Lace! Whatevs.” she rolled her eyes.
Ganyan talaga si Sierra, may multiple persona; minsan mabait siya, minsan supportive, minsan kontrabida. Napaka inconsistent, pero yung mga minsan na binanggit ko, totoo yun.
“Okay! Settle down guys, settle down.” at nagsalita na nga si Sir sa harapan, pumirmi na kaming lahat, at kating kati na, na tapusin ni Sir ang sasabihin niya at nang sa ganun makapag-pasyal pa kami.
Nag-ingay ang mga lalaki sa third row.
“Boys!” pagbawal ni Sir. “Okay, I think this announcement will only last for like, 10 minutes at makakapag-enjoy na kayo. But if you keep on doing that, especially, BOYS. Ayus lang sa akin na ubusin ang oras niyo.” he said sarcastically.
At sa may bandang likod naman namin, may nagsimula na naman na mag-daldalan. Huminga ng malamin si Sierra sa inis. At hindi na nga nya napigilan ang sarili, tumayo sya at hinarap sila.
“Hoy! Mahiya naman kayo! Nandito yung teacher oh.” pagbawal ni Sierra. Habang tumawa naman sila Tom.
Biglang nanahimik ang lahat.
Nagtaka ako bigla.
“Teka, anong ginagawa mo dito? Diba nasa ibang section ka?” tanong ko kay Sierra.
“Grabe naman ito, tinatakwil na ako kaagad? Nakiki-sit in lang, tutal ICL lang naman.” pabebeng sinabi ni Sierra.
“Sige na, wag ka nalang maingay.” sabi ko.
“Okay, magkakaroon tayo ng 3 days team building instead of camping. Dahil alam namin na sossy na ang mga kabataan ngayon, at alam naman natin at wag nang ikaila, hindi na kayo boys-scout-girls-scout ngayon kaya mawawalan na nang sense yun. Sa team building, we still have troops. But the saddest part is, there will no longer be boys or girls scout of the year. But the good news is, hindi dito ang venue, at syempre hindi rin bukid ang pag-i-stayan natin...” Sir Greg paused for a moment, at may mga namuong ngiti sa mga labi namin. “Kundi sa isang resort, malayo yun dito.”
Sumigaw silang lahat sa tuwa.
“Oh, oh, oh...” pinahinto kami ni Sir Greg. “It's like a combination of camping and field trip. Ang tanong dyan, sasama ba kayo?” he asked sarcastically.
Halos lahat sumigaw ng yes.
Mukhang maganda ang project ng Scouts team ngayon ah. Sasama kaya sila Theo?
—
Kinausap ako nung mga bata na nag-aask about sa club namin. Kung ano daw ba ang requirements para maging official member nang club, kung ano ang mga skills na kailangan nilang i-enhance. Then the waved goodbye after kong masagot ang mga tanong nila.
Naglakad ako papunta sa may overpass, wala na kasing tao sa parte na yun dahil uwian na. At sa parte na yun, tanaw na tanaw mo ang mga taong lumalabas na, mga nag-i-stay pa, at mga naglolokohan na.
At nakita ko si Theo, naglalakad kasama ang mga kaibigan. He waves goodbye sakanila, pero hindi pa siya tumuloy na lumabas, at tila may hinahanap siya. May mga grupo ng kakabaihan ang naguusapan malapit sakanya tinitignan sya.
Hindi rin sila nakatiis at nilapitan na siya. Gulat na gulat si Theo. Sumakit bigal ang puso ko, I'm being overjealous. Pero mas lalo pang bumilis ang tibok nito nang may narinig ako na umuungol, sa hagdan malapit sa overpass.
Ang buong akala ko, wala ng tao kaya nagtaka ako at pinuntahan.
“Hay, bahala ka na nga dyan Theo.” sabi ko kahit wala naman siya duon, at umalis sa overpass.
Nang marating ko ang hagdan, nakita ko si Diana. Oo si Diana, si Miss Campus Sweetheart. And guess what? May kahalikan siya.
May kahalikan siyang babae.
______•______
Hope you like it, don't forget to vote and leave a comment if want to. That would be highly appreciated ♥️
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...