[chapter 5]
“HAY NAKO! Puro cellphone Leo!” sigaw ni Mama sa ading ko.
“Puro kasi ML yan Ma.” pagsumbong ko naman, habang nagbabasa ng libro. Ano naman ang gagawin ko sa internet? Wala namang kwenta ang laman ng cellphone ko. Buti pa ang libro, natatapos nga pero di ka naman iiwan.
“Kagulo mo ate! Alam mo ng binabawal nila Mama na mag-ML ako.” sa sobrang bwisit niya, naka-middle finger siya.
“MA OHHH! 'DI NA NGA SIYA HUMIHINTO NAMAMAKYU PA!” tumawa ako ng malakas at tumakbo sa kwarto.
Biglang tumunog ang notif ng cellphone ko.
“Ugh, nonsense.” pabulong kong sinabi at humiga sa kama.
Huminga ako ng malalim at 'di rin nakatiis.
“Hay, sino naman kaya itong nag-notif sakin?”
Pagbukas ko sa Facebook ko may friend request at dali dali kong kinlick.
[Theodore Dreiser Lofranco sent you a friend request]
OH MY GOD.
[Confirm] [Delete]
Kailangan pa bang itanong kung ano ang pipiliin ko? Syempre confirm na.
Hanggang sa naging friends na kami sa Facebook.
Pumunta ako agad sa Twitter at nag-tweet ng:
“Sa wakas, friends na kami ♥”
Okay, tinutukso ako ng [Message] button na i-message sya. Pero wag, pakipot muna.
Ni-lock ang phone at inilapag sa kama. At maka-ilang saglit lang, tumunog naman ang Messenger.
Oh God. Hindi ako handa, hindi ko alam kung ano ang mga masasabi ko sakanya. Baka ma-bore sya sakin. Titignan ko na ba?
Wala rin akong nagawa, masyadong malakas ang sarili ko para kalabanin.
Inopen ko ang phone ko at binuksan ang Messenger.
— Chat —
Thompson: Thank you pala sa pag-sama sakin sa practice kanina Lace ☺️😘
Akala ko pa naman si Theo na.
Me: Anue ka ba Tommy, syempre gusto naman namin na samahan ka. Wala lang yun ☺️
Thompson: Kasama nyo pala si ading ko kanina. xD
Me: Oo, ang tahiiiiimik niya. Malayong malayo sayo! 🤣
Thompson: Wut??? So u mean maingay ako? MAINGAY AKO?!
Me: Oo! Maingay ka! Kaya wag mo akong sigawan!
Thompson: Ang bad mo talaga sakin Lacey ko.
Me: Huh?
Thompson: Uh, eh, typo.
Segwey pa more Tom...
Me: Akala ko totoo na eh
Thompson: Pwedeee naman 🤗
Me: Wtf Tommy! Lalayuan na kita I swear! 🤣😂
Thompson: Joke lang... Wag mo na akong layuannn. Sorna.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Fiksi RemajaHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...