[chapter 58]
Hind na ako bumisita sakanya after that time na nagtry ako. Baka kasi ayaw na niya akong makita o baka bigyan ko na naman siya ng sakit sa ulo.
Sunday evening, dinner with my family. Napag-isipan ko na baka subukan ko rin bigyan ng shot yung offer sakin ni Papa na sa Manila mag-take ng Senior High School.
Tahimik kaming kumakain, hanggang sa nagsalita na si Mama.
“Pansin ko lang, last na visit mo kay Theo ay noong Monday pa? Sunday na ngayon pero hindi mo na siya binibisita anak? May problema ba?” tanong ni Mama.
“Hindi na kailangan Ma...” sabi ko. “Matanda na po si Theo. Atsaka nadun naman po yung family niya.”
“Anak, si Theo parin yun. Hindi porket hindi ka na niya maalala hindi ibig sabihin susukuan mo na siya.” sabi ni Mama.
“Hindi na nga po niya ako maalala, ipipilit ko pa po ba? Kakalimutan ko nalang po siya.” sabi ko.
Tumawa ng marahan si Mama. Ugh, kaya ayokong nagsasabi sakanya eh.
“Bata pa talaga kayo para sa mga ganyang bagay, siguro nga mas mainam na lumayo muna kayo sa isa't isa.” paliwanag ni Mama. “Pero masasabi mo anak na talagang nagmamahal ang isang tao kahit na gaano kahirap ang sitwasyon o tila wala nang pag-asa pero hindi parin sumusuko ang bawat isa sa inyo.”
“Sa tingin nyo po ba hindi sumuko si Theo? Bago ako susuko titignan ko muna po kung kumakapit parin po siya sa akin.” huminga ako ng malalim. “Pero, tila wala na pong kapit galing sakaniya...”
Biglang tumahimik.
“Napagdesisyunan ko na po...”
“Ang alin anak?” tanong ni Mama.
“Sa Manila na po ako magti-take ng Senior High School.” sabi ko, nang walang pag-aalinlangang.
“Anak, sigurado ka na dyan?” tanong ni Mama.
“Opo. Diba po kayo narin po ang nagsasabi sakin na dun na ako mag Senior High?” I told her with growing emotions.
“Oo anak, pero pumapayag ka ngayon hindi dahil gusto mo, kundi may ibang dahilan kung bakit ka dun mag-aral.” paliwanag ni Mama. “Dahil ba ito kay The-”
“MA! Gusto ko po talaga. Para po malayo po ako sa lugar na ito, para panibagong atmosphere at mas madali ko pong makakalimutan yung nangyari po sakin.” hiningal ako sa pagsasalita kong walang tigil. “At hindi po ito dahil kay Theo...”
“Hay, ang mga kabataan talaga ngayon. Magkaroon lang ng problema sa mga tao sa school na pinag-aaralan nila ay gusto ng magpalipat, bakit hindi nyo kaya harapin ang problema nyo hindi yung tatakbuhan nyo?” she stated.
“Ugh, basta Ma, gusto ko pong duon mag-aral.” pinagpilitan ko. Tumayo ako at nagkulong sa kwarto.
Buksan ko yung wifi ng phone ko, nagpop yung mga messages sa group chat at wala ni isang galing kay Theo. Inuninstall ko muna yung Facebook ko.
Pagbukas ko sa closet ko, habang namimili ako ng damit biglang may nahulog ng kalat. Nang tignan ko, nakita ko yung balat ng Hershey's Chocolate.
Awwe, namimiss ko siya.
Kinuha ko yung mga balat ng Hershey's Chocolate at hinalikan ko ito. Para akong tanga, pero miss ko na kasi talaga siya.
Wala na akong nagawa kundi inihiga nalang sa kama ang sakit na nararamdaman.
Pilit na nagpa-flashback sa isip ko ang mga masasayang alaala na kasama ko siya.
Noong una ko siyang nakita, yung naguusap kami ni Tom at tinawag niya si Tom habang wala naman siyang kaalam-alam na tinamaan na ako sakanya.
Yung pinakaunang salita na sinabi niya sakin na: “Ate.”
Yung mga late night talks namin sa video call or phone calls. Yung gusto niyang kinikwentuhan ko siya.
Yung mga panahong nagtatampo ako sakanya dahil napapalapit siya kay Diana, at clueless sya kung bakit iniiwasan ko sya.
At di naglaon, sa Rio Dos Amantes sinagot ang tanong ko kung si Theo nga ba ang true love at totoo nga na siya at ang first kiss ko sa buong buhay ko. Noong nahalikan niya ako ng ako ng hindi ko inaasahan at sya rin.
At yung time na umamin na siya na may gusto siya sa akin, na ako pala ang mahal nya talaga.
Naalala ko pa noong sinubukan naming itago ang kung anong meron sa amin, yung kami lang ang nakakaalam para walang makikialam. Naalala ko pa yung mga yun, yung mga panahon na hindi niya pa ako nakakalimutan.
Yung kinantahan niya ako ng ‘They Don't Know About Us’ ng One Direction sa favorite fast food chain ko at kinakain ang mga favorite meal ko kasama ang favorite person ko.
Yung effort niya na gumawa ng tula at i-improve ang paggawa niya ng tula.
Yung mga time na gusto niya akong ipagmalaki dahil proud siya na ako ang girlfriend niya pero pinipigilan ko siya... Sana, hinayaan ko nalang siya, sana noong mga panahon palang na yun hindi ko na pinagkait sakanya ang mga gusto niya.
Sana maibalik ko pa ang mga panahong gusto nya akong ipagmalaki, gusto niyang sabihin sa mga tao na ang swerte nya sa akin at gusto nya akong ipag-damot.
Sana lang...
I'll give it one more shot, just one more shot. Kung walang pagbabago, tutuloy na ako ng Manila.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...