[chapter 10]
At naka-set na ang alarm ko ng 4:30 para pag-dating ng 5 nasa school na ako at wala nang dahilan para ma-late.
Hinanda ko narin ang mga gamit ko, at sa wakas mawawala ako nang ilang araw dito at hindi ko makikita ang nakaka-insultong mukha ng kapatid ko.
—Chat—
Group Chat name: TheBeezyow
Kasi para kaming bubuyog, dito namin inilalagay ang mga chismis namin na para bang bisyo na namin. Nakita ko ang last chismis na inilagay ko ay yung time na nahulian ko si Diana na may kahalikan - kahalikan na babae.
Me: HOOOY! Mga CHIZMOZA CHIZMOZOOO! Nakapag-handa na kayo ng mga dadalhin nyo sa Team Building?
Sierra: Oo mayor doma!
Thompson: Naman 💪
Andrew: Pwede ba naming makalimutan yun? Eh eto na yata ang exciting na event na mangyayari sa school.
Bradley: @Lacey sabihan mo kami kung mag-oorganize ka nang magagndang chix dun ah, kunware tutulong kami.
Me: Mga baliw! Bahala na ang SC dun, di ko na problema yun!
Sierra: Kaya nga, atsaka, ako palang chix na. Maghahanap pa ba kayo ng iba?
Me: @Sierra WAHAHHAA qaqu!
Andrew: Ligawan na garud kita!
Sierra: Bobo! Gusto ko si Tom ang mag-sabi sakin niyan. Diba @Thompson?
Thompson: Never in a million times. 😂
Sierra: Aray ko, sumasakit ang puso ko. Baka di na ako makakasama bukas @Lacey. Kumbinsihin mo si Tom na ligawan ako para gumaling ito.
Me: Huy Tom! Ligawan mo na oh!
Bradley: Sabik ka talaga kay Tom neh Sierra? Ano bang meron sakanya na wala si pareng Andrew?
Sierra: Alm mo kung ano Bradley?
Bradley: Ano?
Sierra: Dahil hindi siya si Thompson Homer Lofranco. Enough na ba yun?
Andrew: Ouch! 💔
Nagsend si Tom ng picture, nagliligpit sila ni Theo
Thompson: May asungot na sasama.
Sierra: Aww, asungot ka dyan Tom! Ang kyut kaya ni ading mo, diba @Lacey?
Nanlaki ang mata ko, kasi bakit niya ako minention? Eto na naman, paranoid na naman ako. Baka dalawang babae lang pala kami dito sa group kaya ako ang kakampi niya. Okay, play it cool.
Me: Oo nga! Mas cute pa nga yang kapatid mo sayo eh! 😆
Andrew: HAHAHAHA
Bradley: Burn pre! Burn!
Thompson: Hay! Bahala kayo dyan. 😏😏😏
Okay, confirmed. Sasama sya!!!
—
Tumunog ang alarm ng phone ko, ang hapdi ng mata ako, parang ayoko pang imulat. At sa sobrang lakas ng gravity kapag umaga, nahihirapan akong ibangon ang katawan ko. Pero dahil special day ito, makakarating kami sa ibang lugar. Pipilitin ko.
Tinignan ko ang oras: 4:00
Nanlaki ang mata, at bumangon ako ng walang alinlangan. Shet! 30 minutes nalang ang preparation ko. Shit! Shit! Shit!
Tumakbo ako sa kusina at pinatuluan ang baso ng tubig galing sa gripo, at ibinuhos ko sa mukha ko.
“AH! ANG LAMEG! FUDGE!”
At dumiretso sa terrace kung saan naka sabit ang mga towel. Para punasan ang mga tubig sa mukha ko.
Tumakbo pabalik sa kusina, at nagtimpla ng chocolate drink. Binabad ito sa bowl na may tubig at iniwan.
Dumiretso sa CR at naligo na parang ligo ng isang lalaki.
Biglang tumunog ang phone ko, alam kong call yun dahil magkaiba ang tunog ng message lang sa call. Pero hinayaan ko lang, bahala silang mai-stress, at baka ako pa ang maistress dahil naiwan ako ng bus.
Pagtapos kong naligo diretso agad sa kusina at ininum ang chocolate drink ko tapos tumakbo papunta sa kwarto, at buti nalang, nai-handa ko na ang susuotin ko ngayon last night.
Still, tumutunog parin ang phone ko. Habang nagbibihis sinagot ko na.
“Lace!!! Nasaan kana? Iiwan kana daw namin sabi ni Sir Greg.” sabi ni Tom.
“Holy shit!” napasigaw ako.
At narinig ko in background tumatawa sila.
“So sa tingin nyo nakakatawa ito ah?” I said sarcastically.
“Bilisan mo na, halos lahat kami nandito na.” sabi ni Tom.
“Ayan na nga oh! Nandyan na!”
Pinatay ko na para mabawasan ang magpapatagal ng oras ko.
Hinatid ako ni Mama gamit ang kotse. Iniwan namin si Leo na natutulog sa bahay.
“Ma, dito nyo nalang po ako ibaba.” sabi ko.
“Mag-ingat kayo ah. Iiwan na kita dito, walang kasama yung kapatid mo sa bahay.” she kisses my forehead.
“Opo Ma, kaya ko na po.” then hinila ko na yung maleta ko at naglakad papasok.
“Huy!” hinakbayan ako ni Tom. “This way...”
Sumunod naman ako sakanya at sya na ang bumitbit ng bagahe ko.
“Laceyyy!” niyakap ako ni Diana. At niyakap ko rin sya pabalik.
Ikinalat ko ang paningin ko para hanapin si Theo, I can't see him. There's no any sign of him. Akala ko ba he'll be with us?
And then at that moment I saw him, with his pals. Napatingin sya sa akin. Naglakad palapit sa amin. Ang aga pa pero my heart skips a bit.

BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...