ONCE

37 9 2
                                    

[chapter 11]

Lumapit siya sakin ng hindi ko inaasahan.

“Hi ate...” he waved.

I waved back. At pasimpleng tinignan sila Sierra. Dapat 'di nila ako mahalata, ayus nang nakita ko siya pero bat nya ako lalapitan? Baka kung ano pa ang isipin ng mga kasama ko kung bakit sakin siya nag-Hi.

“Oh, close kayo ni Lacey?” tanong ni Tom.

Oh GOD. Back-up! Back-up!

“Uh, oo, nakakasama ko kasi siya sa club namin.” I laugh nervously.

“Ah, sige iwan muna kita kay Theo.” sabi ni Tom. Tinignan niya si Theo at sinenyasan na para bang binabantaan nya ito na wag gumawa ng anuman.

Umupo kami sa apakan sa gilid ng bench sa school. Umalis sila Tom kasama si Sierra para bumili ng breakfast sa big M.

“Pero di pa naman tayo nag club meeting diba?” tanong nya sakin. Napansin ko wala na itong kadugtong na 'ate' at wala nang halong 'po', dahil ba close na kami at hindi na niya ako ginagalang o komportable na siya sa akin na kausap.

“Hindi pa nga. At hindi rin alam ni kuya mo na naguusap tayo.” pag-diin ko sakanya. At tumango siya habang inalis ang tingin sa akin.

“Pwede bang katabi nalang kita sa bus?” tanong niya.

“Hindi pwede syempre, magkakasama ang per level at dun ka dapat.” I explained.

“Tsss... Ayaw mo lang akong katabi eh.” sabi niya. Ano to? Jowa?

Sa bigla ko, tinulak ko siya sa braso.

“Baliw 'to! Di nga pwede eh.”

He laughed as he groaned.

“Oo na, alam ko ate. Niloloko lang kita.” habang nakangiti siya tinignan niya ako. “Diba crush mo rin ako ate?” biglang tanong niya.

“Hay nako!” lumayo akong konti sakanya. “Kung ano anong tinatanong mo.” I rolled my eyes with sparkle. Yep, hindi na ako mag-de-deny, kinilig ako dun sa biglang tanong nya. Pero strong 'to neh!

“Ano nga ate? Anong sagot dun?” pagpilit niya.

“Hindi. Ading nga tingin ko sayo eh, paano kita magiging crush?” sabi ko at biglang lumungkot ang itsura niya.

Hindi umimik.

Lumapit ako sakanya at gamit ang balikat ko inusog ko sa balikat niya na parang tinulak na rin siya.

Umusbong ang ngiti sa labi niya at tinignan ako.

“Wag ka ngang nagpapa-cute dyan, cute kana. 'Di mo na kailangang gawin yan.”

He yawned. Then he lay down on my legs.

Hindi ko pinahalata ang bigla ko sa ginawa niya. Oo, lagi akong nabibigla. Pero this time, hindi ko inaasahan na ganito pala syang kausap kapag bagong gising?

Hinaplos ang buhok niya.

“Inaantok ka pa?” tanong ko habang inilalakad ang mga daliri ko sa buhok niya. Pero 'di ko siya tinitignan.

He yawn again. “Opo, ang aga kasing gumising ni kuya, sya na yata ang pinaka effective na alarm clock.” pabiro niyang sinabi.

I laugh a little. “Paano mo naman nasabi?”

“Kasi kung 'di ka pa babangon, manggugulo siya, kung saan no choice ka na rin talaga kung hindi gumising nalang.”

Tumawa kaming dalawa.

At nung naaninag ko sila Tom na parating, ibinangon ko agad si Theo.

“Bakit ate?” tanong niya.

“Ah, naririnig ko mag-ready na daw?” I lied.

Tumayo kami at pinuntahan ko sila Tom at iniwan si Theo na mag-isa. At ayoko siyang iwan pero ginawa ko.

Lumingon ako para tignan siya. At nakita kong pinuntahan na siya ng mga classmates niya. Sa totoo lang, alam ko na hindi lang gusto niyang humiga dahil inaantok siya, kundi nilalandi niya ako.

Itong batang 'to!

“Ano, Lace? Ang boring ng kapatid ko neh?” Tom suddenly asked.

Teka lang, alam na ba nya na naguusap kami? O napapansin niya ba na interesado ako sa kapatid niya?

“Uhhh... Hindi naman. Parang kausap ko lang rin si Leo.” sabay sabi ko, kilala niya naman si Leo. At alam nya rin kung paano ako maki-halubilo kay Leo.

He moved his lips, then tumango. Then nauna ng naglakad papunta sa bus.

Okay, snob'an ba?

Pinipilit kong inilagay ang isang bagahe ko sa baggage part sa taas ng napili kong tapat ng upuan ko. Pero 'di ko kaya, kasi bukod sa mabigat na ito, hindi ko pa abot.

“Akin na nga!” kinuha ni Tom yung bag at sya yung naglagay. “Ang liit mo kasi...” pang-asar ni Tom.

Kumunot ang noo ko at tinignan siya nang masama. “Bakit? Kasalanan ko ba na maliit ako?”

“Hindi?”

“Bakit 'di ka pa sigurado sa isasagot mo?” tanong ko.

“Hindi siguro, pero pwede rin.”

“ALIN DOON ANG SAGOT?” napasigaw ako. At lahat ng tao na nasa bus, napatingin.

BADTRIP!

“Excuse me, mamaya na ang landian...” Diana smiled sarcastically to us.

“Uh, what?” napakibit balikat ako.

Habang napansin ko sila Sierra, paakyat na.

“Tamang-tama, Sierra! Dito na tayo.” sinenyasan ko si Sierra na katabi ko siya sa upuan.

“Ay, sorry Lace, tabi kasi kami ni Brad. May pag-uusapan kami.” nilakihan ko siya ng mata.

Ngumiti si Sierra at kinindatan ako. Then I mouthed: Bwisit ka talaga!

At umalis na si Tom, pagbalik niya sa uupuan niya nakita niya si Diana at yung babae na nakita kong kahalikan niya na nakaupo na duon.

Habang nakaupo ako sa may bandang bintana, hinihiling ko na sana wag bumalik si Tom para hindi ko siya makatabi sa buong biyahe. Kilala ko siya, hindi niya mapipigilan ang sarili niya na itanong sa akin kung ano ang bumabagabag sa isip niya kung bakit siya naging snob sakin.

Pumikit ako then I inhaled and exhaled. At biglang may umupo sa tabi ko. Naramdaman ko.

Nagulat ako nung lumingon ako at minulat ang mata ko.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon