[chapter 36]
“MGA SASians!!! READY NA BA KAYO NA MALAMAN KUNG SINO ANG TOP 5 NATIN?!! WHO'S YOUR BET?!” binigyan ng hype ng mga emcee ang mga audience.
My knees are trembling, hindi ako mapakali in silent way. Ayoko kasing mahalata ng mommy nila. I even feel the tension. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito? Holy shit!
“MAKAKAHINGA KA NG MALALIM DAHIL PASOK KANA SA TOP 5, NUMBERRRR...” iniharap ng emcee yung mic sa audience, sari-saring number ang pinagsisigaw nila pero nangingibabaw ang number 1 at 9. Oh my gosh. Sino kaya? “NUMBERRRRRR?! NUMBERRR?!”
Pansin ko lang ah, kailangan ba talagang patagalin ang pag-announce ng pasok sa top 5?
“NUMBERRR?! NUMBER 9!”
Oh my gosh pasok si Martin, at siya pa ang unang tinawag. Sabagay, halos hakot award nga naman siya.
“ETO NA, SINO KAYA ANG PAPASOK SA PANG 4TH SPOT, WHO'S YOUR BET?!”
Naka-tatlo na sila pero hindi parin natatawag yung number ni Theo? Oh my gosh. Bumibilis ang tibok ng puso ko, sana naman siya na dyan sa 4th spot.
“AT ANG PANG 4TH SPOT NATIN AY... WALANG IBA KUNG DI SI CANDIDATE NUMBER?!” hininto ng emcee at hinayaan na sumigaw ang audience. Kaya pati ako sumigaw na.
“One!!! Number 1!!!” sigaw ko.
Napatingin sakin si Mommy nila Theo, at ngumiti.
“WALANG IBA KUNDI SI, CANDIDATE NUMBER? CANDIDATE NUMBER 5!”
Napa-snap ako sa kamay ko. What the? Iisa nalang? Ano ba yan... Number 1 na please...
“Hala sana naman number 1 na yan.” sinabi ko lang, ng walang kausap.
“Iha, wag kang kabahan, makapasok man si Theo o hindi proud kami sakanya.” she told me.
“Makakapasok sya, alam ko po yun.” sinagot ko sa Mommy nila with confidence.
Ngumiti si Mommy niya.
“AT PARA SA LAST SPOT, SINO KAYA ANG PUPUNO NITO?”
Sari-saring number parin ang naririnig ko pero mas marami ang sumisigaw ng one(1).
“AT ANG BUBUO SA ATING TOP 5, WALANG IBA KUNG HINDI SI CANDIDATE NUMBER?! CANDIDATE NUMBER???”
Shit, mababato ko na ng tsinelas yang mga emcee, nasobrahan na sila sa kaka-tease.
“SYEMPRE HINDI MAMAWALA ITO, SIYA SI CANDIDATE NUMBER?! CANDIDATE NUMBER 1!”
At napakaraming sumigaw para kay Theo. I mean, para kay Theo? Shocks, ganun na ba siya ka-peymus dito sa St. Antoninus School?
Napatingin ako kay Mommy nila, gulat na gulat ang reaksyon. Hinawakan ng Mommy niya ang kamay ko.
“Oh my gosh, naka-pasok siya Lacey.” she told me.
“Opo, nakapasok po sya.” I paused for a while, “Kinakabahan po ako sakanya sa Q&A.”
“Wag kang kabahan, he can nailed that.” sabi ni Mommy niya.
I trust her. Theo is a smart slash wise kid.
Napatingin ako kay Theo, he fist pumped. Then naglakad paharap kasama yung line ng mga nakuha sa top 5. Then in-announce narin yung mga Miss.
So pinabalik na sila sa backstage ulit at tatawagin isa-isa para sa question and answer.
Kung sino yung unang tinawag sa top 5 sya yung unang pababalikin sa stage para sumagot.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...