[chapter 50]
“I'm ready Martin!” I said.
“Hala, excited talaga?” sabi ni Martin.
Tinignan ko lang siya ng masama.
“Okay, okay, kukuhanin ko na ang wheelchair.” he rolled his eyes.
Idinala niya nga ako sa room ni Theo. Habang papunta kami sa room nya, bumibilis ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako. Habang wala akong kaalam alam kung ano nga ba ang nangyari sakanya. Kung ano ang itsura na niya o kung ano ang sasabihin ko sakanya, mag-sosorry ba ako?
“Kinakabahan ako Martin,” sabi ko, hinawakan niya ang kamay ko.
Nang marating namin ang lugar, sinubukan kong tumayo. Inalalayan ako ni Martin papasok.
“Lacey, ten minutes. Don't make any noise kapag pasok mo at kapag nakita mo siya. Hindi ko hahayaan na may pumasok dito within ten minutes, okay?” sabi ni Martin.
“Okay, I know! I know.” I whined, kasi ulit ulit yung ten minutes nya. “Eh papaano si Tom okaya si Mommy nila?”
“Basta. Walang makakapasok.” Martin reassured me.
“Okay.”
Nang pumasok ako, four feet away sa kinahihigaang kama ni Theo. Napansin ko ang heart monitor at ang kalagayan nya - nakahiga siya sa hospital bed, I saw tubes, ang daming tubes ang nakalagay sakaniya. Halos buong ulo niya ay natakpan na ng napakalaking bandage at ang mga pasa nya ay very visible.
Tumulo na agad ang luha ko ng hindi ko namamalayan.
Huminga ako ng malalim.
Nilapitan ko siya, habang papalapit ako nakikita ko na ang mala-anghel niyang itsura pero matamlay at walang malay.
“Theo... Nandito na ako.” pabulong kong sinabi, pero parang walang naririnig.
“Theo...” binulong ko sa tenga niya.
Ngunit wala paring response.
“Theo?” bumulong ulit ako pero may kalakasan na.
Hinawakan ko yung kamay niya at inalog ito. Ngunit wala parin talagang response.
“Theo please? Hindi magandang biro yan...” wala paring response.
“THEO ANO BA?!” I shouted.
Sumilip si Martin, “Lacey? Ano na? Kinausap mo na siya?”
Tinignan ko yung orasan, na-consume ko na pala yung five minutes.
“Oo, pero hindi parin siya nag-reresponse... Ano ba ito? Ano bang nangyayari?” sabi ko habang nagaalala na.
He sighed.
“Ayan yung ayaw naming sabihin sayo...” sabi niya.
“Don't tell me, comatose sya?” I said.
Tumango si Martin.
Humarap ako kay Theo, patuloy parin ang pagdaloy ng luha ko. “Hindi, hindi totoo ito. Sabihin mo Martin, hindi totoo yan.”
Nanghina ako, parang nawala lahat ng mga natitirang energy sa katawan ko.
“Sana nga Lacey, sana hindi totoo yun... Pero nandito na tayo oh, nakita na ng dalawa mong mata.” He said.
“Hindi!” lumapit ako sa higaan ni Theo. “Theo? Theo? Gumising ka naman na oh? Nagaalala na si ate Lacey... Wag ka ng mag-alala nandito na ako safe nang makakauwi... Theo please... Kung prank nyo man ito oo na! Kayo na ang panalo, ako na ang talo. Basta gumising ka lang! Gu-gu-mising ka lang...” sabi ko, while my voice is shaking.
“Theo?” I tucked my hair on my ears. “Theo... Si Lacey ito... Yung ate mo at mahal mo... Gumising kana, please?” sinabi ko sakanya habang patuloy parin ang pagluha.
“Gusto mo kwentuhan kita, diba gustong gusto mo na nagki-kwento ako sayo? Diba talamak na ngayon yung mga balita about sa rape? Grabe yung mga yun, alam mo kapag magkasama tayo at may nakita tayong insidente na ganun, gagawin natin yung mga superhero moves na napapanood natin sa TV para mahuli yung mga yun! Para wala na silang mabiktima ulit...” sabi ko sakanya at umiyak ako ng sobra. Nakabantay parin si Martin sa pinto.
“Grabe yung mga rapist na yun, dapat talaga sakanila managot...” sabi ko kay Theo habang wala parin siyang malay at patuloy parin akong umiiyak. “Alam mo, nangyari sakin yun, pero hindi ko sila hinayaan na ma-rape ako... Nangyari yun noong pinilit kong umuwi dahil akala ko wala ka ng pake sakin... Ayun, sa sobrang tanga ko, naranasan ko yung lupit na ginawa nila... Hindi ko magawa yung mga superhero moves, hindi ko pala kaya, dahil hindi kita kasama. Ang lalakas nila, ang sakit ng sampal at suntok nila tapos wala ka pa kaya di ko sila malabanan, muntikan na nga nila akong makuha eh at --” napahinto ako, sa sobrang sakit sa damdamin at sa sobrang iyak hindi ko na makuhang magsalita, pero hindi ako bumitaw sa paghawak ng kamay ni Theo.
Akala ko ganun lang kadaling ikwento ang nangyari sakin kay Theo... Sobrang hirap pala lalo na't bumabalik sa isip ko ang mga alaala. Mas humirap pa dahil hindi siya nag-reresponse sa mga sinasabi mo.
“Holy shit! Lacey nag-reresponse na siya...” gulat na sinabi ni Martin. “Nag-reresponse si Dos!”
Biglang nagising ang sigla ko dahil sa sinabi ni Martin at humarap sakanya.
“Huh? Papaano naman eh hindi ko nga siya naramdamanan na gumalaw.” sabi ko kay Martin.
Pero biglang tumaas ang pagasa ko. Bumilis ang tibok ng puso at binigyan ako ng lakas ng mga salitang binanggit ni Martin.
“Ganito kasi yan, yung three days na pag-bisita namin kay Dos sinubukan namin siyang kausapin one by one, just by chance na may response sa monitor niya. Pero guess what, wala syang response. Kaya naisip ko na what if ikaw ang idala ko dito, pero ayoko pa dahil hindi ka pa ganoon kagaling. Pero ngayon, nakita mo na siya, binisita mo, at kinausap mo. Tumaas ang level of response nya sa monitor. Siguro kung lagi mo siyang bibisitahin at kakausapin magiging consistent ang level of response niya at may chance na gigising na siya agad.” paliwanag ni Martin.
Biglang bumukas ang pinto. Nakita namin si Tom at ang Mommy niya.
“What on earth are you doing here?” pasigaw na sinabi ng Mommy nila.
“Sorry po...” sabi ko, habang umiiyak. Alam ko galit ang Mommy niya sakin, alam ko na alam na nila.
“Gusto kong lumayo ka sa mga anak ko dahil you're causing them a lot of trouble!” sabi ni Mommy nila, I was thrilled and I was already expecting that. Kinabahan ako sa reaksyon ni Mommy nila at natakot at the same time.
At biglang tumaas na naman ang level of response ni Theo. Kaya nabaliw ang atensyon ni Mommy niya doon.
“Si Lacey po ang nagpataas ng level of response ni Dos.” sabi ni Martin.
Napatingin si Tom at ang Mommy nila sa akin.
“Diba po sinubukan na namin siyang kausapin, even yung mga friends niya... Pero wala po tayong natanggap na response. Pero nung kinausap po ni Lacey si Dos, napakalaki po ng naging response niya. So, siguro po kung araw araw pong kakausapin ni Lacey si Dos, malaki ang chance na gigising po siya as soon as possible.” pinaliwanag ni Martin.
Tinignan ako ni Mommy niya habang teary eyed. At biglang umalis sa loob ng room.
Nilapitan ako ni Tom.
“I'm sorry Lacey, alam mo na, hindi maganda ang sitwasyon ngayon kaya bombarded na siya ng mga problema.” sabi ni Tom.
“Okay lang, kasalanan ko naman talaga ang lahat... Dapat hindi na ako nag-pumilit na umuwi nung party na yun, I'm so selfish, iniisip ko lang ang sarili ko at hindi ang magiging cause nito. I'm a mess.” I said still crying.
“No, wag kang magisip ng ganyan...” Tom said.
“Tignan mo nga oh, galit na galit si Mommy mo sakin dahil... Dahil it's very obvious na kasalanan ko ang lahat.” I said crying.
“Hindi totoo yan, kailangan lang magisip-isip ni Mommy and gaya nung sinabi ko kanina, bombarded lang siya ng mga problema...” sabi ni Tom.
“I guess we need to go na.” Martin suggested.
Inilapit niya ang wheelchair sakin, at umupo na ako. Then we headed back sa room ko.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...