CUARENTA Y UNO

9 1 0
                                    

[chapter 41]

Habang nasa bahay, kumukuha ako ng tsempo kung papaano ako magpapa-alam kay Mama na pumunta sa party.

Sabi ni Tom tatawagan niya si Mama?

Lumabas ako sa kwarto, at kumukuha parin ng tsempo para kausapin si Mama at magpaalam sa party.

Habang nakahiga si Leo sa couch busy'ng busy na naglalaro.

“Ma?” lumapit ako kay Mama. Dahan dahan akong lumapit kay Mama habang nasa kusina.

“Yes anak?”

“Uh...” still, hindi ko parin masabi ng diretsahan. “May sasabihin po ako.”

“Ano yun Lacey?” tanong ni Mama.

“Pwed-” bigla pinutol ni Leo ang sasabihin ko kay Mama. At gaano ba ka-importante yang sasabihin ni Leo at kailangan pa nyang sumingit???

“Maaaa!” sigaw ni Leo. At pumunta rin kay Mama at napunta duon ang atensyon namin.

“Nag-chat pala si Kuya Theo, tanong ko daw po sa inyo kung pwede nyo payagan si ate na pumunta sa party sakanila...” dire-diretso na binanggit ni Leo. Napatingin si Leo sa akin, “Ah, nagchat pala si Kuya Theo.” then he smiled sarcastically.

Holy crap!

Wala na, kung gaano naman kahirap sa akin na sabihin kay Mama ganun nalang kadali na sinabi ni Leo.

Tumingin si Mama sakin.

“Ayun ba yung sasabihin mo Lacey?”

“Uh, opo Mama...” hindi ako makatingin sakanya.

“Sabi niya rin po, kasama daw si Sierra at susunduin at ihahatid daw si ate Lacey dito sa bahay.” biglang pag-singit na naman ni Leo sa usapan. Nanggigil na ako ah.

“Oh, sige, ikaw na ang magsabi lahat!” I told him.

“Mmm... Yun lang naman chinat ni kuya Theo.” sabi niya then bumalik na siya sa sala.

“Kilala ko naman si Sierra at si Tom... Si Theo ngayon ko lang siya narinig. Pero kailangan ko ng mga details pa.” sabi ni Mama, detective ka Mama?

Inabot ko sakanya yung invitation card.

Binasa niya ito, habang nag-aantay akong kinakabahan.

“Sige, basta ihahatid ka nila Tom pauwi ah. Know your limitations Lacey.” paalala ni Mama.

Well I'm so happy na pinayagan niya ako.

“Yes po Ma.” I smiled. “Thank you po.”

Then naglakad ako papunta kay Leo.

“Anong ginawa mo?” tinignan ko siya na parang hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. “Pwede mo naman sa akin sabihin yun diba?” tanong ko sakanya.

“Pinapasabi nga ni Kuya Theo.” sabi niya sakin.

“Oo, pero sana hindi mo muna dinideretsa kay Mama.” I scolded him.

“Oo na! Sa susunod ganon na gagawin ko. You're welcome, tsupe kana!” sagot nya habang ayaw magpa-istorbo sa ginagawa nya.

“Ngayon ayaw mong naiistorbo na kausapin kita? Samantalang kanina talaga sumadya ka pa kay Mama para sabihin yun? Para kay Theo?” I told him.

“Eh, sabi niya boyfriend mo daw sya eh. Kaya kuya ko na rin sya, at tinulungan ko lang sya.” at patuloy parin sa pag-games.

“What?” alam mo yung hindi ko mapigilan ang ngiti ko, hindi ko magawang magalit. Lah, grabe Theo, bakit kailangan mong sabihin sa kapatid ko? Buti nalang at 'di niya sinabi kay Mama. “Buti pa sya, tinutulungan mo. Ako nga na tunay mong kapatid di mo magawa.” dagdag ko.

“Boyfriend mo nga sya?” biglang itinanong ni Leo.

“Uh- uh,” gosh! Hindi ko alam isasagot ko. “Uh, oo?” I stuttered.

Tinignan niya ako ng naghihinala at after that bumalik rin sa pag-ge-games.

“Tinulungan na nga kita, diba di mo masabi kay Mama kaya ako na ang nanguna.” he said. “Utang na loob mo sa akin yun.”

“Ano?!”

“Utang na loob mo sa akin yun.” inulit niya.

“Oo narinig ko yung sinabi mo, nagreak lang ako kaya sinabi ko yung 'ano'!” sumandal ako sa couch ng may kalakasan na pwersa. “May mga kinikwento pa ba sya sayo?” tanong ko bigla.

“Kung iniisip mo na baka may mga sinabi si Kuya Theo sakin about sa mga ginagawa nyo kamiraglohan, ang sagot dun ay WALA. At pake ko pa, nakaka-diri lalo na at tungkol rin sayo.” paliwanag ni Leo.

Ang kapal naman nitong kapatid kong ito.

“Bakit ikaw nagka-girlfriend kana ba?” tanong ko.

“Oo, at magaganda sila. Buti nga nagustuhan ka ni Kuya Theo, sa mga ganitong tulad namin na itsura dapat maganda ang girlfriend namin.”

What the fuck? He actually burnt me, roasted me, and belittled my physical appearance?

“Grabe, isusumbong kita kay Mama. Napaka-sama mo sa ate mo at napaka-narcissistic mo!” sabi ko.

“Edi isumbong mo, para sabihin ko rin na boyfriend mo halos kasing edad ko lang.” pabanta niyang sinabi habang naka-harap sa phone niya.

What the heck?! Binabantaan ba ako nito?

Tinignan ko siya ng masama.

“TSE! BAHALA KA NA DYAN!” tumakbo ako papasok sa kwarto ko.

Opening Messenger.

Calling Theodore Dreiser Lofranco...

Then nag-open na yung camera niya and pati narin yung sakin.

“Baby...” sabi niya.

Naka-simangot ako.

“Ate Lacey?” sabi niya.

I rolled my eyes.

“Ano bang problema?” he asked.

“Bakit sinabi mo kay Leo?” I asked him.

Biglang kumunot yung noo niya.

“Ayaw nya kasing maniwala na invited ka sa party, kaya sabi ko kay Leondrè, boyfriend mo ako.” he explained.

Tinignan ko siya ng kahina-hinala.

“Oo, atsaka, sabi ko naman sakanya na wag niyang ipagsasabi.” he laugh. “At sabi niya di naman daw kasi wala naman daw siyang pake sayo.” dagdag niya.

I groaned.

“Demonyo talaga yun!” I said.

Theo laugh out loud.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon