[chapter 38]
Habang naliligo ako, nagisip-isip ako. Alam mo yung napaparanoid ako dahil sa nangyaring yun. Alam ko kahit na kinausap na ako ni Theo, hindi ko parin maiwasang matakot na mawala si Theo sakin. Ayokong mangyari yun, ayoko.
Iniwan kong naka-roll yung towel sa ulo ko and then nagbihis. Tinignan ko ang phone ko, I got missed calls.
Inopen ko ka-agad ang phone ko para tawagan sya. Oo kay Theo yung mga missed calls.
Binuksan ko ang Messenger ko at binuksan ang chat nya then I tapped the Videocam icon para video call.
Dialing...
Ringing...
Then biglang tumambad sakin ang mukha ni Theo. Naka-ngiti habang may nakalagay na 'sorry' sa noo nya. Gumamit siya ng ballben para isulat sa noo niya.
Napa-tawa ako ng marahan. "Para saan yan?" tanong ko habang busy'ng inaayos ang towel sa uluhan ko.
"Para, para sa kanina..." he said. Naka-higa siya sa kama niya, I see. Nakapatay ang ilaw sa kwarto nya at ang nagbibigay liwanag sa mukha niya ay ang screen light ng phone niya.
"Huh? Bakit naman?" I flashes him a confused look.
"Kasi ako ang dahilan kung bakit ka na naman umiiyak." he curled down his lips para magmukhang malungkot.
"Hindi... ikaw... okay?..." klinaro ko sakanya.
"Owz?" he showed me a killer look.
"Opo nga, hindi ikaw." pagpilit ko.
"Ah basta ako yun. Tulad noong sa camping, yung kumakain tayo sa cafeteria tapos natapon mo yung hot chocolate mo. Kasi nakikita mo kami na magkasama ni Diana nun." bigla nyang kinwento.
Like what?
"Huh? Ang kapal mo! Hindi kaya." I said in denial.
"Oo kaya," tumatawa niyang ipinilit.
"Sige, papatayin ko itong video call kung ipipilit mo pa!" pinagbantaan ko sya.
"Bakit?" tumingin siya na parang isang batang inagawan ng laruan. "Doon nga rin kasi kita unang nakita na umiyak... At dahil rin sakin yun." this time totoo na yung pinakita niyang emotion, ang pagiging malungkot.
"Huy?" malambing ko siyang tinawag. "Wag mo ng isipin yun, normal lang naman sa tao ang umiiyak eh. Meron pa ngang explanation sa Google na may benefits pa daw ang pag-iyak."
"Talaga? Pero ayoko na makuha mo ang mga benefits na yun dahil lang umiyak ka. Dibale nang ako na ang masaktan wag lang ikaw." sabi niya.
Ngumiti ako.
"Thank you..." sabi ko.
"Para saan?" tanong niya.
"Para sa pagiging maintindihin mo. Napaka-swerte ng babaeng mapapangasawa mo." I told him.
"Edi swerte ka garod?" he said.
"Alam mo Theo, hindi natin hawak ang kinabukasan. Malay ba natin kung tayo ba talaga ang magkakatuluyan, malay mo may iba palang babae na naka-tadhana sayo." I explained, habang he's making this weird face na parang he feels uncomfortable na sinasabi ko yun. "Malay mo, kayo pala talaga ni Diana."
"WHAT?!" napasigaw siya.
"Lacey? Ate Lacey, Lacey ko, bebe ko. Ikaw lang, at tama ka 'di natin hawak ang kinabukasan, pero tayo ang gagawa nito, walang 'malay-malay' walang destiny-destiny. Basta alam ko na mahal kita, at ikaw ang nakikita ko mamahalin ko habang buhay. Kaya ayaw kitang masaktan at ayaw kitang iiyak." then nag-isip siya. "Bakit mo pala nasasabi yan? Mayroon ka na bang ibang nagugustuhan? Nakikipag-break kana ba?"
Napatingin ako agad sakanya sa phone ko. "Baliw!" I rolled my eyes.
"Kung meron na, ayos lang, ayos lang na ikaw ang makipag-break sa akin, para ako ang masaktan at para hindi ikaw ang iiyak." he told.
"Baliw ka Theo! Kung ano ano ang iniisip mo." I rolled my eyes.
"Eh ikaw kaya ang kung ano-ano ang naiisip." sabi niya sakin. "Nag-dinner kana ba?" bigla niyang itinanong.
"Hindi pa." I replied.
"Bakit hindi pa? Diba sabi ko wag kang papalipas ng gutom?" he told me.
"Opo, pero meron naman akong Nachos dito." ipinakita ko sakanya yung Nachos na Junkfood na nabibili sa supermarket.
"Ih... Chichirya yan eh!" he protested.
"Pero ito ang gusto kong kainin." pagpilit ko.
"Hindi nga pwede, dinner mo ganyan? Papaano ka mabubusog dyan?" pinagsabihan niya ako, like literally?
"Ah basta mabubusog ako dito." pinakitaan ko siya ng spoiled na pag-uugali. Hihi
"Ate Lacey, please... It's not good for your body." sabi niya, "Or else."
"Or else what?" hinamon ko siya.
Then...
Call Ended
Wow! Pinatayan nya ako. Dahil lang ayokong mag-dinner? Nake-crave nga ako dito eh.
Biglang may kumatok sa pinto.
"Ate kumain kana daw sabi ni kuya Theo!" pasigaw ni Leo.
Fudge?! Nagkampihan si Theo at Leo?
Lumabas ako.
"BakitkilalamosiTheo?" tuloy-tuloy ang nagsalita, ewan ko lang kung naintindihan pa ni Leo.
"Kalaro ko siya sa ML. Kita ko nga sa chat sa ML, minention nya username ko tapos sabi niya sabihin ko daw sayo na kumain kana." Leo explained.
"Sa susunod, kapag ganoon wag mong isisigaw, antayin mong lumabas ako ng kwarto bago mo sabihin." galit kong pinaliwanag.
"Bakit di ko isisigaw? Kapag ganoon ang gagawin ko hindi mo ako pagbubuksan ng pinto, baka sigawan mo pa ako. Kaya inunahan na kita." sinabi niya habang nakikita ko, sa mga mata ko na may namumuo ng tawa sa mga labi niya. "Eh bakit ba kasi kung sinigaw ko? Dahil baka malaman ni Mama na may boyfriend kana?" he said fucking sarcastically. I'm so fed up with this troll.
"ANO YUN? MAY BOYFRIEND KANA LEYSI?" hindi siya sumisigaw, sadyang malakas lang boses nyang kinakausap kami.
"Sabi ko sayo eh! Kaingay-ingay mo pa!" pasigaw kong sinabi pero hindi malakas ang volume. Yung tipo ba na si Leo lang (ang nakakabata kong sutil na kapatid) ang nakakarinig ng sigaw ko habang, I'm making this pissed off face.
"Hindi! Baliw! Ading ni Thompson yun." I told him.
"Si kuya Tom?" kilala niya, kasi binigyan nya ng jersey niya si Leo, yun nga lang medyo malaki sakanya. "Ah, kaya pala Lofranco rin sya."
"Oh, so maliiiinaw na, diba? Wala akooooong boyfriend." pinagdiinan ko at medyo, medyo lang naman, medyo nilakasan ang boses para marinig ni Mama.
"Oh, dalawang sutil, kumain na kayo dito." tinawag kami ni Mama.
Then pagka-upo sa hapag-kainan nag-dasal kami. Ni-lead ni Leo.
"Alam nyo mga anak, okay lang naman sa akin kung magkaroon kayo ng boyfriend or girlfriend niyo. Naiintindihan ko naman yun, parte na ng pagdadalaga at pagbibinata nyo yan. Ang ayaw ko lang, ay yung masyado nyong seseryosohin. Yung bang ikaw, Lacey, mabubuntis ka ng di ka pa nasa tamang edad at di ka pa nakaka-tapos ng pag-aaral. Hay nako! Dios mio! Patawarin nawa ako ng diyos." pinagsabihan ba kami ni Mama o ako lang? Napatingin ako kay Leo, sinusubukan na low-key'ng tumawa. Then pinagpatuloy ni Mama, "O kaya naman, ikaw Leondre! Hindi kapa nakakatuntong sa highschool may nabuntis kana!"
Biglang natigil si Leo sa pag-tawa. "Hala Ma! Bakit di nalang po kasi tayo kumain? Mamaya nalang po yang sermon nyo." pagdiin ni Leo.
"Ay! Kagaling na bata." she praised him sarcastically. "Pero, yung totoo walang problema sakin yung mga boyfriend-girlfriend na yan, basta alam nyo lang ang limitasyon nyo at ang mga responsibilidad nyo. Ano pa ba naman kasi ang magagawa ko? Eh, mahal na mahal ko kayong mga anak ko." Mama smiled.
Awwwe, I like how this dinner turned out. Kaya siguro pinipilit ako ni Theo na mag-dinner na. Because I need this.
After that dinner, nag-videocall kami ulit ni Theo.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...