TREINTA Y CINCO

28 3 2
                                    

[chapter 35]

Nag-intro na ang mga emcees, like usual sa mga pageant. “ARE YOU READY!!!”

and then the crowd gone wild.

Bawat Team, may kanya kanyang pakulo. Mayroon silang pa-poster ng team nila, may mga nag-ye-yell ng team name nila, may mga pa-horn pa. At may mga sumisigaw lang para sa crush nila.

My gawwwd! Everything is so chaotic but colorful.

“LET'S WELCOME OUR MISTER & MISS INTRAMURALS CANDIDATES!” sabay na isinigaw ng dalawang emcee.

Napuno ng ingay ang buong school.

Sumayaw ng presentation number ang mga candidates, nakita ko kung papaano sumayaw si Theo - angggg cute lang.

Suot nila ang casual attire nila. Wala naman akong masabi sa suot ni Theo, kahit ano naman bagay sakanya. Oh my gosh, my heart.

Then isa-isang nagpakilala.

“THEODORE DREISER LOFRANCO, 12, representing Team Superman!” sheeeeet! Ang galing niya. Hiyawan ang lahat, what the fuck!

“THEO! THEO! THEO!” tuloy tuloy na isinisigaw nung mga babaeng nagkaka-crush sakanya or fanbase kumbaga. Oh my gosh, I can't explain how proud I am. Umpisa pa lang yan ah.

Then nag-pose si Theo, at kumindat. Oh my gosh, gusto ko na rin sumigaw - pero behave dapat ako, behave.

Pagkindat ni Theo, humiyaw lahat ng babae, I mean halos lahat, mamatay na yata ako sa kilig, kasi di ko ma-express at katabi ko ang mommy niya.

At natapos na ang presentation number and introduction nila for casual attire.

Then mag-aaward na sila agad for Mr. & Ms. Photogenic. Yung mga pictures na nakasuot sila ng sports wear na naka-display sa harapan ng school.

“OUR MISTER PHOTOGENIC IS NO OTHER THAN, CANDIDATE NUMBER... CANDIDATE NUMBERRRRRR” pabitin ng emcee, “CANDIDATE NUMBER 9!”

What? Sino yung number 9? Omg. Bakit hindi number 1? At nakita ko paharap ang number 9. Oh my gosh, si Martin, si Martin ang Mr. Photogenic. Sabagay, mas angat naman si Martin kay Theo sa pictures na nakita ko.

And then, awarding na naman for campus choice award. “OUR MR. CAMPUS CHOICE AWARD IS NO OTHER THAN, CANDIDATE NUMBER 1!” at naghiyawan ang mga babae.

Oh my gosh, ang daming taong bumoto kay Theo for campus choice. Then picture picture, kasama nung mga Ms. Photogenic at yung Ms. Campus Choice.

Then may inihanda ang Performing Arts na presentation number. Habang nagpapalit sila ng susuotin.

“Hala, ang pogi po ni Theo.” sabi ko kay Mommy nila.

At biglang sumingit si Tom, “Syempre, pogi rin ang kuya e.”

“Nako, kanino pa ba kayo magmamana Thompson?” tanong ni Mommy nila, “Sa akin syempre, ako ang mommy nyo.”

Ako naman, syempre ayokong maki-ride at magbanggit ng any jokes dahil baka di nila magustuhan - kaya pangiti-ngiti nalang ako.

Then isa-isa na lumabas bawat candidates with their sports attire, nag-umpisa sila sa number 1. Oh my gosh, Theo's wearing Kobe Bryant jersey. Then meron siyang sports headband and a basketball ball. Wow, he's so attractive.

Although, very common na yung sports wear nya - iba parin yung naging dating noong sya ang may suot. At hindi na ako na-surprise noong maraming sumigaw.

Then it took them for like 30 minutes to ramp na isa isa with their sports attire. Mayroong mga magaganda at bago sa paningin na sports attire, pero yung iba hindi ganun nag-fit sakanila.

So inawardan na yung Best in Casual Attire, both Mr. & Ms. Same sa photogenic at campus choice. At ang naka-kuha ng award ay yung partner ni Theo at si Martin. Ayus lang, may chance pa naman si Theo e.

Then pina-ramp na silang lahat, pagkatapos nun ininterbyu sila isa isa ng mga emcee, kinamusta at mga additional question. Pinuntahan nung babaeng emcee si Theo.

“Hello Mr. Campus Choice, napaka-obvious naman diba, na siya yung Mr. Campus Choice?” tinanong niya bigla yung audience at naghiyawan at nagtilian ang mga ito.

Then balik ang tingin kay Theo. “Ano na kasing pangalan mo?” itinapat niya yung mic kay Theo.

“Theodore Dreiser Lofranco po, pero Dos po ang tawag nila sa akin.” sagot niya.

“Ay ito pala yung kapatid ni Mr. Intrams natin last year,” tinignan niya ulit si Theo, hala, bakit tingin siya ng tingin kay Theo, buset ito ah. “So, kamusta ka naman Dos?”

“Medyo kinakabahan po,” sabi ni Theo.

Tumango yung babae, “Sa tingin mo ba, dahil kuya mo yung Mr. Intrams, may mga techniques ba siyang itinuro sayo para sumunod sa yapak nya?”

“Well, mayroon po siyang mga advice, pero sa tingin ko po we are a very different person kahit na magkapatid kami, and kung nag-work man po yung mga techniques niya sakanya, siguro po para sakanya po talaga yung mga techniques na yun.” he chuckled, omg, nakita na ng lahat yung isang bagay kay Theo na na-inlove ako. “At may sarili po akong techniques na sa tingin ko ay mag-wowork po para sakin naman. Kaya sa tingin ko po minsan di mo po kailangan mag-rely sa paraan ng ibang tao para makamit yung narating nila. Kailangan mo ring i-explore ang sarili mo at magtiwala sa kung ano ang kakayahan mo. Gumawa po tayo ng paraan na naka tailored fit po sa atin.” he smiled. Oh my gosh, well said Theo.

The girl shrugged, “Mmm... Hala, matakot na yung mga mas matanda sayong candidates, napakagaling sumagot. But we'll see kung anong mangyayari mamaya...” then tumingin siya sa partner niya, “Oh, ikaw naman partner, sinong kakamustahin mo dyan?”

At ayun na nga, in-interview nila yung mga candidates at pinabalik na backstage. Shocks, kinakabahan ako para kay Theo, pero alam ko na may chance sya.

Then ayun, chika-chika kami ni Sierra. Konting chika rin sa mommy nila. Sabi ni Mommy niya, mas nago-open daw si Theo sakanya kesa si Tom, pero pantay lang naman daw ang tingin nya sa dalawa. Tinanong ko kung sino kasama ni Theo sa loob, yung handler na ni-rent nila at yung mga classmates at adviser ni Theo.

Ilang minuto lang at pinabalik na ang mga candidates, para i-announce ang top 5. Kinabahan ako lalo, then napatingin si Theo sakin at unti-unting namuo ang ngiti niya sa labi. Ang mga mata niya, ang mga mata nya ay priceless.

Then awarding for Best in Sports Wear. At sa Mister ang naka-kuha ng award ay si Martin ulit. Okay, lalo tuloy akong kinabahan kay Theo.

Tinignan ako ni Theo na tila nangungusap sakin ang mga mata niya, parang sinasabi na ‘wag kang mag-alala ayos lang ako’. Yung kaba ko pagkatapos niya akong tignan, napalitan ng kampante. Naramdaman ko yung connection namin sa isa't isa.

Huminga ako ng malalim at pumikit saglit at ngumiti. Mahal na mahal ko itong lalaki na ito.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon