epilogue

30 5 0
                                    

[epilogue]

Tunay nga na walang pinipiling edad ang pagmamahal at tunay rin na kahit sino ay pwedeng masaktan.

Nakilala ko si Theo sa hindi ko inaasahan panahon at pagkakataon. I was 16 and he was 12, pakiramdam ko napaka-imposible na mangyari ang isang relasyon sa dalawang tao na malaki ang agwat ng edad.

Pero... Nagkamali ako dahil si Theo mismo ang nagpatunay na pwedeng mangyari yun.

Sa likod ng ka-inosentehang edad tila siya pa ang mas nakakaintindi sa salitang pagmamahal -- isang mahalagang aspeto ng pagkatao na dapat hindi natin kinakalimutan.

Dumaan man kami sa napaka-delikadong pagsubok ng relasyon namin, nabawasan man ang paniniwala ng isa sa amin na makakayanan namin ito, hindi kami bumitaw sa isa't isa.

Dahil kailangan ng dalawang tao na hindi bumitaw para hindi masira ang pagmamahalan.


Lumipas ang ilang buwan, naisip ko na halukayin ang bagahe ko at doon ko palang nakita ang sulat na iniwan ni Theo sa kasuluk-sulukan na parte ng bagahe ko. Yun rin yung mga panahon na hindi na namin nabibigyan ang isa't isa ng oras.

Gumamit siya ng scented paper at nakatupi ito na may nakasulat in cursive na:

Dearest Lacey ❤️

Binuksan ko ito at binasa.

Nang matapos kong basahin bigla kong napagdesisyunan na bumalik sa school, at dumiretso agad sa Garden House.

Nag-antay ng ilang minuto, ilang oras at wala akong pakialaman kung buong araw man. Napansin ko na may biglang paparating.

Tila isang pamilyar tindig at kisig. Pag-bukas niya sa pinto, tinignan niya ako at tinignan ko rin siya.

Bumilis ang tibok ng puso ako.

Namuo ang mga ngiti sa labi niya.

Ngumiti naman ako at sinabi na: “I love you back.”



Letter:

Dearest ate Lacey.

Alam kong magiging mahirap para sa atin itong mangyayari. Milya ang layo ng magiging pagitan natin sa isa't isa. Pero tandaan mo, ang pagmamahal ko sayo ay kayang tiisin kahit nasa kabilang gilid ka pa ng mundo. Hindi kita makakalimutan, hindi kita ipagpapalit. Titiisin ko hanggang bumalik ka sa akin. Diba ang pagtitiis ay parte ng pagsasakripisyo at ang pagsasakripisyo ay parte ng pagmamahal?

Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko? Hindi ako makapaniwala na ang pinakamagandang babae na 'yon ay mamahalin ako. Hindi rin ako makapaniwala na ang pinakamagandang babae na 'yon ay mawawalay na sa akin.

Pero maghihintay ako, kahit na araw araw pa akong pumunta sa Garden House para mag-hintay, gagawin ko.

Para sayo.

Para sa atin.

I love you...

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon