[chapter 12]
Nang iminulat ko ang mata ko, gaya ng inaasahan. Tumabi si Tom sakin. Siguro mas mainam kung uunahan ko na siyang tanungin, kaso hahaba pa ang usapan namin.
"Um... Tom?""
"Oh?" tanong niya, very distant ang boses niya.
"Huy! Nakakabwisit ka naman! Wag ka ngang ganyan." inalog ko siya. He groaned.
"Anong ganyan?" parang walang emosyon niyang sinabi.
"Parang iniiwasan mo kaya ako" sabi ko.
"Huh? Nakita mong tinulungan pa kita sa bagahe mo, tapos sinalubong pa kita sa gate. Anong iniiwasan dun?" he explained.
"Sabi ko nga..." ang huling salita na sinambit ko at humarap na sa bintana.
Hindi ko namamalayan na nakatulog na ako sa buong biyahe. Kaya ako nakatulog, dahil hindi na nasundan yung huling sinabi ko. Hindi na ako kinausap ni Tom. I put my headphones on, then 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Biglang huminto ang bus at naririnig ko kahit nakahimbing ako, na umingay sa loob ng bus.
Namulat ako saglit, napatingin ako kay Tom. He's rubbing his eyes, then tumingin sakin, sabay iwas ko naman.
"Dito tayo sa stop over, baka na-si-CR ka?" tanong niya at umiling ako, then tumayo siya at umalis.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng salamin, sa katapat naming bus nakita ko si Theo, tapat ng salamin ko. Naka headphone at parang naglalaro.
Ngumiti ako at kinuha ang phone.
Binuksan ang Messenger at pinindot ang call button. Nagri-ring. Tumingin ako sa kinalalagyan niya. Nagulat siya, at natawa naman ako. Sabay sinagot niya.
"Ate?"
Sinagot ko naman.
"Tingin ka sa tapat ng salamin nyo," I chuckled.
Tumingin naman siya, at nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. Ngumiti siya, nginitian ko siya pabalik, at di ko napigilang kagatin ang labi ko.
"Miss mo na ako ate?" pabiro niyang tinanong.
Parang naguusap lang kami pero through phone ang boses at medyo malayo sa isa't isa.
"Oo, miss ko na yung malambot mong buhok."
He laugh a little. Ang cute niya lang.
"Naistorbo ko ba ang pag-games mo?" tanong ko.
"Syempre hindi po," sagot niya.
"Mmm... Nakita ko nga ang tagal mong sinagot eh." I told him.
Kitang kita sa kabilang bintana nung kinamot niya yung ulo niya.
"Kasi ate, malapit nako eh, tas nung tumawag ka bigla akong nagkaroon ng shock pause. Tapos ilang seconds lang narealize ko na ikaw po pala, kaya sinagot ko agad..." he explained.
Kinilig naman ako dun.
"Eh mas manghihinayang ako kapag di ko na sagot ang tawag nyo..."
At mas kinilig na naman ako. Halos mamula na ako.
"Tumigil ka nga dyan!" I groaned.
Then nakita ko sila Tom paakyat na sa bus.
"Uh, wait, nandyan na sila kuya mo. Mamaya nalang tayo mag-usap."
[Call Ended]
Alam ko na nakatingin siya sa amin. Umupo si Tom at inoffer'an ako ng hot chocolate drink.
"Oh, para 'di kana magalit."
Kinuha ako at ngumiti.
"Ako pa talaga ang galit ah," then sumulyap sa bintana, nakatingin si Theo at bigla ring inalis ang tingin.
—
Hindi ko alam kung gaano kalayo ito. Pero ang nasa isip ko lang ngayon ay matulog, sa inaga-aga ba naman ng departure time namin. Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas kung wala akong tulog - maliban nalang kung makakasama ko all day si Theo.
"ALRIGHT! ALRIGHT! PICK UP YOUR THINGS COZ WE'RE HERE." Sir Greg announces.
"Huy! Gising kana!" sabi ni Tom sakin.
I groaned. Inaantok pa ako at ayoko pang bumangon.
"Lace? Lacey? Gising kana!" Tom told me again.
I groaned... Again. "Ayoko pa, inaantok pa ako ih" I said unconsciously.
"Ah, ayaw mo ah." kiniliti niya ako, dun sa parte ng katawan ko na siya lang ang nakakaalam na malakas ang kiliti ko ko.
"TANGI-- OO NA!"
"Patingin nga yang mata mo kung inaantok ka pa ba o hindi?" tinignan ni Tom ang mata ko, ibinuka ito gamit ang mga kamay nya. At sinasadya kong ipikit ito at kunwari inaantok pa. "Ay inaantok pa." ika niya at hinanda na naman ang kamay para kilitiin ako.
"OO NA ITO NA!" I wide open my eyes. "Kita mo oh, oh... Walang bahid ng antok sa mata ko."
"Hay, sa rooms nalang kaya kayo mag-landian." sabi ni Sierra.
Hinamon ko siya at pinakyu. At tumawa naman ng matamis si Sierra then she mouthed: You're Welcome!
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang trip ni Sierra.
______•_______
Dedicated to Cupid_And_Psyche thank you for being a top reader, for the comments and reactions.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...