VEINTICINCO

37 4 8
                                        

[chapter 25]

Naligo ako, God, namiss ko itong CR namin. Yung shampoo na ginagamit ko, yung shower, sana all may shower.

Lumabas ako sa CR at pagdating ko sa kwarto habang naka roll up yung towel sa ulo ko. I looked at the mirror then I smiled.

Humiga ako sa kama at huminga ng malalim, at kinuha ang phone.

30 missed calls from Theo and then messages.

Text message:

Theo: Save mo number ko :)
Theo: Call ako?
Theo: Call na ako.

Theo: Bakit di ka sumasagot?
Theo: Huy!
Theo: Bat di ka sumasagot bebe ko?
Theo: Si Theo ito, number ko kinuha ko sa cp ni kuya yung number mo...
Theo: Huy? :(
Theo: Miss na kita agad... :'<

Theo: Naka 20 missed calls na ako sayo di ka parin sumagot. Galit ka ba?

After kong mabasa yung mga Text nya, ewan ko kung matatawa ako o kikiligin e.

Me: Theo?

Then after a second nagreply agad.

Theo: Opo, si Theo po ito... Bebe ko... Bakit ngayon ka lang sumagot?

Napangiti ako.

Me: Typing...

Hindi ko pa natatapos yung tinatype ko.

Theo is calling...

[Answer]

I bit my lips.

“Hello?”

“Lacey...”

“Miss mo na ako agad?” I teased him.

“Opo, konti nalang iiyak na ako kasi hindi mo sinasagot tawag ko.” he sounded crying.

“Hala? Totoo?” I said.

“Joke lang, pero magiging totoo yun kapag hindi mo sinagot tawag ko.” he said.

“Ka-OA, hindi naman ako aalis, nandito lang naman ako sa bahay.” I said.

“Kahit na, miss na kaya kita...”

“Wag kang mag-alala, miss na rin kita...”

“I love you, I love you, I love you my dear Lacey...” he chanted.

Sobrang sweet naman nya.

“Same my dear Theo.” I laughed. Naisip ko na, hindi muna mag-I-Love-You pabalik.

“Anong nakakatawa doon?” he's baby talking like what? Hihi. Ni-loudspeaker ko.

“Wala...” I said habang pinapatuyo yung buhok.

“Kita tayo bukas?” he said.

“Huh? Baliw to, baka hindi ka payagan...” I said.

“Papayagan ako... Ako pa ba?” he said with confidence.

“Hala, kayabang e...” I said.

“Oh baka ikaw yung hindi payagan?” he blurted out.

Napatahimik ako saglit.

“Huy, joke lang bebe ko.” he said.

“Sige, kita tayo bukas. Ipapaalam ko na may project kami.” I said confidently.

“Hala ang sinungaling...” he said laughing.

“Anong gusto mo, sabihin ko magkikita tayo?” I said.

“Oo, pwede naman.” he said.

“Hindi pwede, ako nga maingat ko pang pinapaalam kapag magkikita kaming magkakaibigan at kasama si kuya mo.” I said.

“Bakit naman?” he asked.

“Kasi sinabi ni ading ko, boyfriend ko daw si kuya mo which is sumakay naman si Mama ko sa joke na yun.” I explained.

Biglang tumahimik sa kabilang line.

“Huy? Bat bigla kang natahimik?” I asked.

“Sana ako nalang yung iniisip nilang boyfriend mo.” he suddenly said.

“Huy ano kaba, syempre boyfriend na kita ngayon.” I sighed. “Dararating rin yung tamang panahon na pwede na nilang malaman...”

“Pwede naman na ngayon diba?” he told me.

“Uh,” I paused for a moment. “Diba pinagusapan na natin ito? Ikaw pa nga ang nagsabi sakin na kapag walang nakakaalam walang makikialam. Mas magiging safe ang relationship natin kung ganun.”

“Pero di ako sigurado doon noong sinabi ko-” napatigil siya. “Hay, okay...” at wala narin syang nagawa.

“Uy, wag ka ng malungkot... Sige ka, ako ang iiyak dito.” I said.

“Hala wag kang iiyak, hindi ko kakayanin.” he said.

“Bakit? Di mo pa ba naranasan na maka-encounter ng umiiyak na babae?” I asked.

“Nakita ko ng umiyak si Mama. Pero ibang babae? At sa ganito pang paraan? Hindi pa... Ikaw kaya ang first girlfriend ko.” he said.

Tumango ako.

“Ahhh kaya pala...”

“Kaya pala ano?” he asked.

“Wala”

“Kaya pala pinipilit kitang ipaalam sa ibang tao na tayo na?” he said pointedly.

“Uh...”

“Nakailang boyfriend ka na ba?” he asked. Medyo nagiba yung tono ng boses niya.

“Isa palang, anong akala mo sa akin?” nagiba narin tono ng boses ko.

At hindi siya sumagot. Kaya nanahimik kami ng ilang minuto, siguro mga 3 minutes yun kahit on going parin yung call.

At hindi rin siya nakatiis. “Lace! Gusto lang naman kitang ipagmalaki e, sa lahat. Gusto ko lang ipaalam sakanila na hindi ka na nila pwede pang pangarapin kasi, kasi, kasi sa akin kana at sayo naman ako. Gusto ko lang hawakan ang kamay mo kahit sa maraming tao. Kasi gusto kitang ipagmalaki, kasi gusto kong isigaw sa mundo na mahal na mahal kita at ipamukha sa mga tao na ikaw lang ang mahal ko at napaka-swerte ko.” he explained, tuloy tuloy yun ah, walang mintis walang kulang. Which is sobrang na-appreciate ko, kinilig ako pero mas gusto ko syang yakapin ngayon. Kaso nasa phone call lang kami. He's really endearing.

“Ako rin naman e, gusto ko rin gawin yung mga yun. Pero diba napagusapan na natin ito?” I said it... again.

[Call Ended]

FUCK? What the hell just happened? Bakit niya ako binabaan?

Text message:

Me: Theo? Bebe ko?

After 5 minutes

Theo: Usap nalang tayo bukas sa Jollibee.

Shit! Alam mo bang nakaka-dalawang curse na ako? Dalawa na kasalanan ko? Kung alam mo lang Theo. Pero hindi ko magawang magalit tangina - o, pangatlo na yan. Hindi ako patutulogin nitong lalaki na 'to, my God kung 'di ko lang talaga sya mahal. Ugh.

______•______

Thank you for reading!

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon