TREINTA

30 3 1
                                    

[chapter 30]

Pag-uwi ko ng bahay, diretso agad ako sa kwarto.

“LACEY?! IKAW NA BA YAN?” tanong ni Mama habang nasa kusina at nagluluto.

“Yes Mama!” I yelled.

“HALIKA NGA! MAY TATANONG AKO SAYO!” sumisigaw siya kasi nasa kusina siya at feeling niya sobrang laki ng bahay namin para hindi ko siya marinig sa pag-tawag nya.

So pinuntahan ko siya.

“Bakit po Ma?” I asked.

“Sabi ng papa mo, this senior high, sa Manila kana daw mag-aaral. Dun ka titira sa bahay nya.” Mama explained.

“Ayoko po! Ayokong tumira kay papa, he left you, ibig sabihin irresponsible siya.” I stated.

And now, papaalisin pa ako sa school at iiwan si Theo? No way!

“Anak, papa mo parin siya, kahit iniwan niya ako naging mabuti parin siyang tatay sa inyo.”

“NOONG hindi niya pa kayo iniwan. May mabuti bang tatay na iiwan ang pamilya para sa pang sariling kagustuhan?” then I left Mama, dumiretso ako sa kwarto.

But nevermind, I still have a problem.

Strong ako, pinagkakatiwalaan ko si Theo. Walang dapat alalahanin. Hindi ako...

Then biglang tumulo ang luha sa mata ko. Shit! Shit! Shit! Hindi ako iiyak, Lacey, putangina wag kang iiyak.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Then I sniffled. Binuksan ko yung bag ko at nakita ko yung tatlong Hershey's Chocolate. Napa-ngiti ako, habang patuloy paring sumisinghot. Lumunok ako. Then kinuha yung mga chocolates, at sinimulang buksan ito.

Pinikit ko ang mga mata ko, habang kinakain itong mga 'to. Damn, I don't know how to deal this terrible turn of events, kaya ikakain ko nalang, ng chocolate na bigay nya.

Nanatili lang ako sa gilid ng kama ko, naka-upo sa baba at nakasandal sa kama ko. Kinuha ko yung headset ko at tinugtog ang Taylor Swift's medley.

“C'mon Lacey, c'mon. Do you trust him?” tanong ko sa sarili ko, of course I trust him. Pero hindi ko ma-iwasang isipin na, everybody wants him... Especially, Diana, she wants him so badly.

“Ugh, I am trusting him.”

Uh, pero hindi ko parin talaga mapigilan. Kung ime-message ko na sya, hindi niya rin masasagot agad kasi nandun parin sila sa school. At kapag nag-leave ako ng message, makakapag-isip na siya ng idadahilan nun. A basta, mamaya na.

Hanggang sa hindi ko namamalayan na naka-tulog na pala ako. Nagising nalang ako nung may narinig akong kumakatok sa pinto.

“Lacey, anak? Kain na tayo.” ika ni Mama.

Habang naririnig ko si Leo sa background na sumisigaw, “ATE KAIN NAAAA!!!”

Bigla kong iniahon ang ulo ko sa kama. What the? Anong oras na ba? Kinuha ko yung phone ko, at nakita ko na 7 O'clock na ng gabi, and I have 33 missed calls.

“Opo Ma, sunod na po ako! Naka-idlip lang.” I yelled at them. At huminto na ang katok. Pero yung tibok ng puso ko di parin dahil sa mga missed calls na ito. Yung last missed call ay 30 minutes ago pa. Grabe, baka nagtatampo na ito.

Binuksan ko yung Wi-Fi, at ang dami rin missed calls sa Messenger.

Binuksan ko yung chat niya sa Messenger:

Messenger

5:00 PM
Theo: Bebe?
Theo: Ang bait mo naman, at pinag-cheer mo po si Kuya Martin 👏🏻👏🏻👏🏻

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon