TREINTA Y UNO

24 3 0
                                    

[chapter 31]

So, hindi nga siya tumigil na ligawan ako. Halos bawat araw may surpresa syang ginagawa. Grabe, sobrang mahal ako nung tao gaya ng pagmamahal ko rin sakanya.

Every afternoon, practice nila. Ngayon, he knows kung ano yung mga dapat iwasan at mga dapat di ginagawa, same rin sakin. Para maging strong kaming dalawa.

Nag-stick parin kami sa plano na kapag may ibang tao kami ay mag: Ate at Ading; at kapag kami lang, kakaibang mundo ang meron. Syempre kahit alam naman na ni Sierra, hindi parin naman kami ganoong umasta na kung kami lang dalawa ang magkasama. Very supportive si Sierra.

Kamusta na kaya si Martin? Matagal narin kaming 'di naguusap since camping. At ngayon na malapit na mag Intrams, di ko parin siya nakakausap ng matino. Isa rin kasi siya sa nakakaalam na may gusto ako kay Theo.

At nagsimula na ang Intrams, di ko man masyadong maipakita, but I am a supportive girlfriend. Yung makita siya, all dressed up para sa parade - alam mo yung sana kabilang ako sa Team nila. Yung pinaka-theme kasi ng Intrams is Superhero. So yung team ng kila Martin ay TeamBatman, tapos yung sa amin TeamFlash, tapos yung kila Sierra ay TeamWonderWoman, tapos yung sa team naman nila Theo ay TeamSuperman.

So after parade, lighting of the torch and introduction blah-blah-blah. Hindi pa naman ngayon yung labanan ng Mr. & Ms. Intramurals, so di pa ako ganun kinakabahan. Ayun, pinarampa nila yung mga cosplayer ng bawat team, then inintroduce yung mga candidates for Mr. & Ms. Intrams. Napakaraming humihiyaw sa bawat candidates, napakarami kay Martin (feeling proud naman ako) pero pag dating kay Theo, halos lahat na yata ng tao sa school sumisigaw. As in SUMISIGAW.

"THEO! THEO! THEO!"

Like, what? The one you are rooting for, is my boyfriend. Haba ng hair ko ne?

Then after nilang rumampa, dali-dali akong nagpa-punta sa backstage para tignan si Theo, pero di pa nakakapasok ng room si Theo para mag-bihis na, ang dami ng humarang sakanya, gustong mag-pa-picture, nagpapakilala, kinakausap siya. Kita ko yung itsura niya, he's not used talking to people like that. Nagpapa-picture sila, like, yay! Ang saya naman (but I'm not really happy for that dahil nahahawakan nila siya).

Napatingin siya sakin, lumabas yung nakatagong ngiti sa labi niya. Then sumisenyas sya na parang: Wait! Wait mo ako.

Nagpapahintay sya sakin, kasi sabi niya promise nya sakin na he'll spend his whole intrams na kasama ako. So, aasa ako dun, sya na ang nagsabi e.

After nila kasing mag-bihis, wala na siyang gagawin. Di naman siya sumali sa iba pang extracurricular activities, di rin siya nag-sports, though, nag-try siyang mag-try out sa basketball.

So ayun na nga, nasa labas parin siya ng room, dahil sa dami ng "fans" nya. Umupo ako sa may hagdan sa tapat ng isang room, para antayin sya.

Then biglang may nagtanong, "Dos, may girlfriend kana ba?" syempre, yung word palang na girlfriend nagpantig na ang pandinig ko. Pati ba naman yun itatanong nila?

Hindi ako tumitingin, pinapakinggan ko lang, hindi siya sumasagot. Sabagay okay lang naman sakin yung sabihin niyang wala. Kaso ewan ko kung anong nasa isip niya ngayon, dahil nakita niya akong nandito, hindi ko nalang alam kung sasabihin ba niya na wala.

Biglang sumingit yung baklang kaibigan nung nagtanong. "Shunga! Wala pa siyang girlfriend ah, grade 7 palang, isip isip nga Cristine." sabi nung bakla.

Naiimagine ko yung itsura that time ni Theo, palagay ko, nagblanko siya tapos biglang relieved sya nung yung bakla na yung sumagot.

"O sige na, i-save nyo nalang yang film ng phones nyo sa mismong laban, kailangan ng magbihis ni Theo." sabi ng Adviser ni Theo. At pumasok na sila sa room.

Habang ako, nandito parin. I'm still waiting. Nung pumasok si Theo, tila may magic na nagyari, dahil lahat ng tao dun ay nawala, as in yung fans ni Theo, nawala sila kaya tumahimik ang lugar.

Naka-upo lang ako sa hagdan, hanggang sa itinapat ko na yung tuhod ko sakin at niyakap ang legs ko, then lay down my head. Makes me look like I'm crying.

Then I hummed They Don't About Us by One Direction. Para naman maalis yung boring ko habang nag-aantay.

"Pwede ba akong tumabi sayo?" then biglang may nag-salita.

Bigla kong inalis ang uluhan ko sa pagkakadapa sa tuhod ko. At napatingin kay Theo.

"Theo!" isinigaw ko ng di kalakasan, isinigaw ko ng may saya at longing. Then niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik. He brought me an Hershey's Kisses.

"Ano ito?!" tanong ko with a surprise on my face. "Bakit mo pa ako binilhan nito?"

"Nililigawan parin kita, nakakalimutan mo na yata?" sinabi niya sakin and then he smiled.

Parang gusto ko ng sabihin sakanya na, gusto ko na, gusto ko ng hayaan sya na gawing public yung relationship namin. Kasi napaka-swerte ko sakanya, gusto ko syang ipag-malaki. Gusto kong sabihin dyan sa mga fans niya na, AKIN SIYA.

"Syempre hindi, pero masyado mo naman akong ini-spoiled, kahit pitas nga lang na flowers dyan sa gilid masaya na ako." paliwanag ko sakanya.

"Gusto ko naman e, gusto ko naman yung ginagawa ko."

"Eh, kung inipon mo nalang." I said, then tinignan siya na parang isa ako sa mga relatives niya na konsumisyon sa pagiging magastos niya.

"Marami namang pera sila Mommy at Daddy, kaya okay lang. Wag ka ng mag-alala, akong bahala." he said, then kumindat

"Tigil-tigilan mo ako sa kaka-ganyan mo Theo ah." pinisil ko yung ilong niya, ang tangos kasi e. "Pero ang daming fans ah, famous ang Theo ko."

He shrugged.

"Pero sayo lang ako." hirit niya.

"Edi wow!" I tease him.

Hinawakan niya yung kamay ko, "Tara na?"

"Saan tayo pupunta? Atsaka di ka ba hinahanap ng mga kaibigan mo?" kunwari di ko alam, kaya nagtanong.

"Hindi syempre, sinabi ko na sakanila na hindi muna ako makakasama sakanila. Tapos, diba nag-promise ako na I will spend my whole Intrams sayo? So tara na?" pag-yaya niya.

"Teka lang, nalilito ako. Saan tayo pupunta? Diba close gate pa?" tanong ko.

"Oo," he nodded. "Magkasama tayo na manonood ng kung ano mang mga ganap ngayong intrams." he smiled at me.

"Okay, kung ano man sabihin mo." I told him.

And we spent the first day of intrams together, syempre nandun na yung mga tactics namin para di kami mahalata. Pero obviously, gusto ko na may mag-tanong na samin (para maamin na namin nang binibisto kami) at para mapag-malaki na namin ang isa't isa, na hindi na gawing secret itong relationship namin.

Nakakapagod ring itago ang isang bagay na hindi naman dapat itinatago.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon