[chapter 37]
Kasama si Sierra, sinugod namin at sinuong ang karagatan ng tao. Aba ang hirap sumiksik ah. Gusto ko rin mag-pa-picture sa iba, pero mas gusto kong mag-pa-picture kay Mr. Intrams.
“WELP! YELP! MAKIKIDAAN PO KAMI!” sigaw ni Sierra para padaanin kami patungo kay Theo.
Shit, ang daming nakapila na magpapa-picture sakanya. Omg. So, pipila kami ni Sierra, no choice eh.
Kailan pa naging thing ang pilahan para magpa-picture sa mga nanalong candidates?
Napatingin siya sakin, nanlaki ang mata niya. Tila gusto niya na i-prioritize ako muna. Pero gamit ang hand gesture sinenyasan ko siya na ayos lang, wag siyang mag-alala.
“Beshy, crush ko yung 3rd runner up dun oh. Magpapa-picture lang ako ah, tutal nakapila ka pa naman.” she requested.
“Hala, sige, wag kang magalala sakin. Punta kana mag-pa-picture ka na.” I nodded. Then iniwan niya ako sa pila.
After a few moment, turn ko na pero merong group of girls na walang pa-awat na pumunta agad kay Theo. Like what? Syempre nakita ng ibang babae yun, so nakigaya narin sila.
Hindi ko napapansin, unti-unti na akong napapalayo kay Theo. Wala man lang tumutulak sakin para mapalapit sakanya, bagkus, pakiramdam ko hinihila pa ako papalayo sakanya. Ganito ba mag-mahal ng taong maraming nagmamahal sakanya? Am I the left behind? Walang akong nagawa kundi bigyan ng death glare ang mga ito.
At ang kinakatakutan ko ay hindi ko na siya makamtan.
“Besh?” tinawag ako ni Sierra na tila hinihingal siya. “Hinanap pa kita doon, ano? Tapos ka na bang magpa-picture?” tanong ni Sierra.
Iniling ko ang ulo ko. Kasi totoo naman, hindi pa talaga. Wala lang akong nagawa.
“Huh? Ganun ba?” niyakap ako ni Sierra, ewan ko kung bakit pero parang gusto kong umiyak.
“Halika, magpa-picture nalang tayo kay Martin.” I suggested. Ngumiti si Sierra at tumango.
Medyo marami rin ang nagpapa-picture sakanya. Kaya nagawa namin ni Sierra na mag-pa-picture.
“Uy, Martin, congrats ah. Galing galing mo dun.” I told him.
Napatingin siya sakin and nginitian ako.
“Thank you Lacey, mas magaling pa si Dos.” pabiro niyang sinabi.
“Ay, hehe. Para kang ano!” pinalo ko siya ng marahan sa braso niya.
Then we laughed.
Wala ng chance. Uwi na siguro kami ni Sierra.
“Sierra, tara na.” niyaya ko na siyang umuwi.
“Paanong tara na?” tanong niya, then sinenyasan ko siya na uwi na. “Papaano si Dos?”
Nilapitan ko si Sierra, “Hayaan mo na, ako na ang bahala.”
Huminto si Sierra, “Bes... Kilala kita, kahit na maliit na bagay lang yang picture na yan, importante parin sayo yan.”
“Ih, hayaan mo na. Sa akin naman si Theo e.” I told her.
“Sabagay...” she replied.
Naglakad kami paalis sa stage.
Nakita namin sila Andrew and Bradley.
“Uy, picture picture tayooo!” sabi ni Sierra sakanila.
“Tara!” sabi ko naman.
“Si Tom? Nasaan sya?” tanong ni Bradley.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Teen FictionHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...