[chapter 47]
Madalian akong ipinasok sa ambulansya, pati sya sumama. Nasa gilid ko lang sya at hinahawakan nya ang kanang kamay ko. Eversince I really felt comfortable with him.
“What the- grabe ang ginawa sayo ng mga hayop na yun. Magbabayad rin sila sa ginawa nila.” sabi niya, habang naka-antabay lang sakin. Pinapanatili niya akong gising dahil nga inuntog ako ng ilang beses at baka may internal bleeding. Kapag nakatulog ako, patay na.
“Ha ha” pinilit kong tumawa kahit sarcastic na. “Ano kaba Martin, tapos na nga” I scoffed.
Lumapit siya sa akin. He rub softly my forehead and smiled. “Oo nga, ang mahalaga okay kana” he said.
I laugh. Pero nandun parin yung tono ng sakit, hindi parin ganun kabuti ang pakiramdam ko, syempre idadala palang ako sa hospital.
“Tignan mo, nadumihan ko na yung sweater mo.” I told him.
He chuckled. “Ayus lang yun.”
At nakarating na kami ng hospital, agad akong pinunta sa emergency room habang nagaantay si Martin sa labas. Gumawa na ng operation ang mga doctor sa akin hanggang sa naging okay na ang mga procedures nila at ipinunta na nila ako sa isang room.
Si Martin rin, ginamot nila ang sugat nya and chineck up siya.
—
Pumasok siya sa room ko.
“Um, by the way, nagiwan na ako ng text message sa principal na excuse ka muna within a week dahil nga sa nangyari sayo, but don't worry sinabi ko na sakanya na huwag nya ng ipagsabi ang dahilan kasi medyo personal, and same as me, sasamahan kita since ako naman ang tumulong sayo I'm the one who's in charge. And ako narin ang magsasabi sakanya kung papasok kana or kung pwede ka nang pumasok.” Martin explained. Wow, napaka-maasikaso naman pala niya.
“Sige lang... Thank you Martin, hindi mo naman kailangan na i-sakripisyo ng ganon ang kaligtasan mo para sakin.” I told him.
“Para namang iba ito, syempre magkaibigan tayo...” sabi niya sakin.
“Eh, nalaman ba ng parents mo na nandito ka?” I asked him.
“Oo, pinaalam ko na. Papunta na sila niyan.” he said.
I saw his lips, dumudugo parin yung tama ng suntok sa labi niya. Yung marka ng pagtulong nya sakin, isang malaking utang na loob ko sakanya ito. And yung ulo nya, may nakalagay na malaking bandage.
Tumayo siya para kumuha ng yelo at binalot ng tela, at idinampi ito sa mga parte sa mukha niya na namamaga.
“Ang alam ko magagaya ko yung mga entrance ng mga superhero na napapanood sa TV. Isipin mo sinugod ko ang tatlong lalaki na yun at iligtas ang isang babae at the same time. Akala ko ganun lang kadali, sinipa ko at sinuntok sila but then, anong nangyari sakin? Ang hirap pala. Bwisit na mga super hero scene yan. Hindi makatotohanan.” he pouted his lips, feeling disappointed with his reaction. He's so funny.
Naglakad sya papunta sa akin, “Ang mahalaga ngayon. Tapos na ito. Safe ka na.” He rubbed my forehead again and again.
“Bakit himas ka ng himas sa noo ko?” tanong ko sakanya.
“Eh, di kita mayakap eh.”
“Ganun?”
“Eh ikaw ay? Kung maka-salita ka naman ng 'Himas' dyan!” ibinato nya pabalik sa akin ang bwelta. Ha ha ha
“Oh bakit?”
“Pahinga kana lang dyan, tinext ko naman na sila Mama mo, pupunta na nyan sya.” sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Fiksi RemajaHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...