[chapter 61]
After 2 months, pinili naming suliting magkasama ni Theo.
Nasa hallway kami ni Theo. Magkasama at hindi na iniintindi ang sasabihin pa ng ibang tao. Dahil malaya na kami, alam narin ng buong school na ang Mr. Intrams nila ay may girlfriend na. Pero tuloy parin ako na sa Manila mag-SHS. To be honest, namiss ko rin si Papa, siguro it's time naman na bigyan ko siya ng chance na makasama at sana matulungan niya ako na ma-hilom ang sugat na dulot niya sa amin nila Mama.
March na, last month of the school year. Malapit na ang birthday ni Theo.
Nakaupo kami sa may sahig ng hallway at nakasandal sa pader.
“So anong plano mo sa birthday mo?” tanong ko. “Party?” tanong ko parin.
Pinisil niya ang pisngi ko. Ang sakit.
“Ayoko na ng party, na-trauma na ako dun.” sabi niya sakin. At tumawa kaming dalawa.
“So ano nga?” tanong ko.
“Pwede bang lumabas nalang tayo? Punta tayong mall? Or akyat tayong bundok? Or spend nalang natin yung buong araw ng birthday ko na magkasama?” paliwanag niya habang sumandal sa balikat ko. Lah! Dapat ako yun eh, ako yung babae eh.
Napaka-sweet naman yung ideya niya, napaka-simple.
“Ayaw mo ba kahit konting celebration lang?” tanong ko.
Umiling siya.
“Gusto ko lang sa birthday ko ay yung makasama kita.” he sighed.
“Loko! Edi wow kasi!” sabi ko.
“Oo nga!!!” he yelled jokingly. “Bilang na yung mga araw na kasama kita, ano pa ba ang hihilingin ko sa birthday ko?”
Ngumiti ako, not in a happy way, pero yung ngiti na hindi mo mawari kung masaya ka ba. Dahil may iba't ibang klaseng ngiti tulad ng sarcastic na ngiti; masayang ngiti; malungkot na ngiti at iba pa. Kaya kapag ngumingiti ang isang tao hindi ibig sabihin nun masaya na siya, dahil mayroon pang ibang bagay sa likod ng mga ngiti niya.
“Kailngan mo pa ba talagang ituloy ang pag-aaral mo ng senior highschool sa Manila? Hindi ba pwedeng dito nalang?” nagmakaawa niyang sinabi.
“Hindi ko na pwedeng i-cancel pa, at binigyan ko rin ng chance na maka-bonding si papa.” paliwanag ko.
“May magagawa pa ba ako? Papa mo yun.” tanong niya.
“Mayroon.” sabi ko.
“Talaga?” biglang kuminang ang itsura niya.
“Oo, hintayin mo ako.” sabi ko.
“I will. I will wait for you” nakangiti niyang sinabi.
“Promise?” sabi ko.
“Ikaw ang lang naman ang mahal ko eh.” ngumiti siya. “Sino pa bang aantayin ko?”
“Si ano...” I teases him.
“Si Diana? Sige ibibigay na kita kay kuya Martin.” paloko niyang sinabi.
“Hala! Ewan ko sayo!” nagtampo naman ako kunwari.
“Mmm... Sorry na po.” pinisil niya ang dalawang pisngi ko. Ang sakit!!!
—
Lumipas ang mga araw na hindi sinayang ni Theo ang panahon na magkasama kami. Mas nakilala namin ang isa't isa, na-explore namin ang mga bagay bagay sa aming buhay, ang mga gusto namin at ang mga hindi. Hanggang dumating na ang birthday niya.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...
![When Ate Met Ading [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/200763403-64-k54664.jpg)