DIECESÉIS

71 9 35
                                    

[chapter 16]

Nagpunta kami sa isang educational place, somewhere 30 minutes away from the resort.

Of course, troop by troop ang magkakasama. Naka-tabi lang ako kay Martin habang nakatingin lang sakin si Theo at pilit syang kinakausap nung isang ka-troop namin.

At dahil makulit si Diana, pinuntahan niya ito. At ang masasabi ko lang: EDI WOW!

“Ay ah, ate anong ginagawa mo dito?” tanong ni Theo.

“Huh? Wag mo na akong i-ate. Diana nalang, atsaka 'di na kita tatawaging Dos...” nag-isip si Diana, “...parang mas maganda kung Theo nalang ang tawag ko sayo, tama! Theo nalang...”

Shet! Ang sakit nun ah, linya ko yun ah. Inaagaw na nga nya ang mahal ko, pati ba naman yung linya ko?

Napatingin si Theo sakin, at inalis ko naman ang tingin ko. Alam kong nahuli niya ako dun, pero ngayon 'di ko na sila titignan - makikinig nalang ako.

Buong trip na yun, wala akong ginawa kundi ang wag siyang pansinin.

-

Dinner namin, sabay sabay lahat ng estudyante sa isang cafeteria.

At bawat magkakatapat na table sa Cafeteria ng resort magkakatabi ang mga magkaka-troop. Of course, kasama ko si Martin, kahit alam ko na pansin na niyang obvious na, na iniiwasan ko sya, wala akong pakialaman.

Tapos mamayang konti may magpapa-picture sakanya na mga labul na babae, edi magpa-picture lang sila. Wala akong pakialam - sana totoo.

So, ang aga ng dinner dito, at exactly 6PM kainan na. Buti nalang at masarap ang pagkain at masaya ang ambiance - kahit malungkot ako.

This was supposed to be my trip, lahat ng plano kong gawin na kasama si Theo, biglang naglaho. Instead, I'm the one who's pushing him ayaw dahil ayokong ang feelings ko ang kumontrol sa akin.

Lumapit si Diana sakanya, “Hi Lacey!” sabi ni Diana. Napatingin siya kay Theo then papunta sa akin, then she made face na parang anong meron dito? Dahil napatingin si Theo sakin na malungkot ang mata. “Theo, mamaya pa daw mag-start yung program, so libot muna tayo?” tanong ni Diana.

“Ate, Dos nalang ang itawag mo sakin, 'di kasi ako sanay sa Theo eh...” sabi niya kay Diana.

Nung marinig ko 'yon, nangilabot ako, I don't know if my heart will glow dahil ayaw nyang may ibang tumawag sakanya nun o dahil kapag tinatawag siyang ganun naalala niya ako - at naiinis siya dahil hindi ko siya pinapansin ngayon.

“Ahhh...” napatingin si Diana sa paligid niya, “Okay, Dos nalang tawag ko sayo. So ano? Libot tayo?”

Tumayo ako ng biglaan, at natomba ang baso na may lamang chocolate drink - akin yun.

“Oh my gosh, sorry...” I apologized, though walang natapunan, nag-sorry lang ako kasi I caused a mess. Then nagtangka akong umalis.

“Saan ka pupunta Lace?” asked Martin.

“Hahanapin ko lang sila Tom,” I said, holding up my tears. Kasi ayokong mahalata nila, kasi ganito akong tao takot ako sa magiging reaksyon ng iba, may pake ako sa kung ano ang sasabihin nila - kahit hindi na ako masaya. “Hahanapin ko lang sila...” dagdag ko at napatingin kay Theo habang pilit kinukuha ni Diana ang atensyon nya.

Tumingin siya kay Diana at ngumiti, sa hindi inaasahan, hinalikan siya ni Diana sa pisngi.

At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko, binilisan kong maglakad palabas dahil hindi ko na mahawakan ang mga luha ko.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon