[chapter 51]
Three days after I visited Theo, hindi ko na tinangka pang bumalik even though sinabi ni Martin na mas malaki pa ang chance kapag lagi ko siyang kinikwentuhan. Hindi ako bumalik dahil ayaw ng Mommy niya, sabagay, kung hindi dahil sakin nga naman hindi magiging ganyan ang sitwasyon ng anak niya.
Hindi ako bumalik dahil duwag ako.
Nasaktan ako sa mga sinabi ng Mommy niya and I'm now having my guilt-trip...
Na kasalanan ko ang lahat.
Pagkamulat ko palang ng mata ko nakita ko na si Mama at Leo. Kakaiba ang ngiti ni Mama.
“Good morning anak!” pagbati ni Mama.
“Good morning po Ma!” niyakap ko sya.
“May good news ako.” sabi ni Mama, I knew it.
“Sabi na eh, napansin ko yang mga ngiti mo...” sabi ko.
“Nakausap ko yung isang nurse, sabi niya pwede kanang lumabas. Ubusin lang daw yang dextrose mo at pwede ka nang sa bahay mag-pagaling ng mga sugat mo.” paliwanag ni Mama.
“Kaso kapapalit lang po?” sabi ko.
She shrugged and smiled.
Aww, yung ngiti ni Mama. Ngayon ko nalang ulit nasilayan magmula noong na-ospital ako. Katangahan ko kasi. Pero dito ko nakita kung gaano ako kahalaga sa kanila. Nakita ko kung gaano niya ibinigay ang effort niya para ipakita sakin at ibigay sakin ang comfort na kailangan ko magmula nung nangyari yung insidente. Wala akong nakitang galit sa mukha niya at ni isa sa mga salita niya, di niya ako sinisi sa nangyari. Sinamahan niya ako magpa-council sa isang psychologist para matulungan akong ma-overcome ko ang trauma ko sa nangyari. At hindi niya ako hinayaang magutom, syempre, kitchen person ba naman si Mama, at lahat naman ng niluluto niya ay favorite ko. Pero kahit naman hindi nangyari ito, nakita ko parin naman kung gaano kami kahalaga ni Leo kay Mama.
Si Leo naman, ang bait niya, hindi siya kontrabida ngayon; napaka-masunurin at maasikaso. Yun lang HAHAHA.
—
Bumukas ang pinto, at pumasok si Martin na may kasamang cute na bata. Wait? Cute na bata?
“Hi!” pagbati ni Mama.
“Oh, hi!” at pagbati ko naman.
“Si Millie po pala, ading ko po, wala po kasi siyang kasama sa bahay kaya dinala ko nalang po siya dito.” sabi ni Martin.
Napatingin naman si Leo.
“Okay lang balong...” sabi ni Mama.
“Hi Millie...” sabi ko.
“Hello po ate Lacey.” pagbati niyang pabalik.
“Papaano mo nalaman ang pangalan ko?” tanong ko.
“Sinabi po ni Kuya.” sabi niya.
“Oh,” I nodded then tumingin kay Martin.
Martin shrugged.
“Ano pa ang mga sinabi niya?” tanong ko.
Martin chuckled and shook his head simultaneously.
“Marami po, ikikwento ko po sa inyo.” sabi ni Millie, habang biglang napahinto si kuya niya.
“Oy, Millie, wag kung ano ano naman yang sasabihin mo ah.” sabi ni Martin.
“You wish, kuya.” sabi ni Millie, nagulat ako sa sagot niya. I nodded, I kinda like her attitude.
BINABASA MO ANG
When Ate Met Ading [COMPLETED]
Подростковая литератураHindi mahawakan tulad ng distansya, ng oras at ng langit. Papaano kung nagkagusto ka sa isang tao na kaya mo lang mahalin sa tingin? Papaano kung magmamahal ka ng isang tao na hindi pwedeng malaman ng iba? Dahil... Mas bata sya sayo at malaki ang ag...