VEINTITRÉS

44 5 18
                                    

[chapter 23]

After 2 days and 1 night, sa wakas uuwi narin kami nyan. Matapos naming matunghayan ang napaka-legendary na lugar na Rio Dos Amantes o Lover's River bumaba narin kami agad sa resort at binigyan kami ng oras para libutin, mag-pictorial, at maligo sa pool at sa beach ng resort at after that mag-pa-packed na kami ng mga gamit namin.

Napansin ko nilapitan ni Diana si Theo, nagusap lang sila saglit tapos umalis na si Diana.

“Huy!”

Nagulat ako kay Tom, dahil tulad ni Theo pasulput-sulpot rin siya.

“Ano ba, nakakagulat ka naman Tom!” I groaned.

“Alam mo kung bakit umalis si Diana?” sabi ni Tom.

Huh? Napansin niya ba na pinapanood ko sila Theo at Diana?

“Bakit?” in out of no where, tinanong ko rin kung bakit.

“Kasi, sinabi nang kapatid kong yan na hindi niya gusto si Diana.” he shook his head. “Paasa talaga yang Theodore na yan.” he laugh.

“You mean, paasa talaga ang mga Lofranco.” I said sarcastically.

“Huh? Bakit nadamay ako? Wala pa nga akong pinaasa e.” he protested.

“Belat mo! Lokohin mo pa ako Thompson Homer! Yung mga pinapakita mo sakin na chat sayo nung mga nagkaka-crush sayo sa school? Yung na-hook na sila tapos bigla mong hindi na isi-seen mga messages nila?” I stated. “Ghoster ka pa nga e!” dagdag ko.

“Oo na, oo na. Hindi ko naman kasi sila gusto.” he exclaimed.

“Then, bakit nagpakita ka ng motibo? Bakit sumakay ka sa mga chats nila kung sa huli hindi mo rin pala sila gusto?” I explained ang got exhausted, may hugot ba ako dyan?

Napahinto si Tom. Tumingin sa paligid.

“Uh, may pinagdadaanan ka ba Lace?” pahinto-hinto niyang itinanong.

“Wala. Hindi ko lang kasi maisip kung bakit nagagawa ng lalaki yun?” I wondered.

“Excuse me, hindi lang kaya lalaki ang gumagawa nun, kung maka-point out lang ah.” reklamo nya.

“Edi, bakit ba kasi nagagawa ng ibang tao yung ganoong bagay?” binago ko na. “Oh, happy?”

Yung dalawang forefinger ni Tom, ginamit niya para itulak pataas ang dalawang dulo ng bibig nya para maging smiley lips. I rolled my eyes.

“Ih, ewan ko sayo Tom!” pinalo ko yung balikat nya.

Before we got up sa packing, we ensure ourselves na ma-dama man lang ang dagat. Bakit ganon, biglang gumaan ang loob ko? Seeing them apart? Napaka-evil ko naman.

Siguro mga almost 15 meters ang layo ko sa pangpang, hanggang dibdib ko na ang lalim. Dapat lampas tao na ito ah, pero hindi. Ang babaw ng dagat dito. Nararamdaman ko yung hampas ng alon sa likod ko, ang sarap sa pakiramdam, para bang minamasahe ako.

Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang simoy ng hangin, ang tunog ng alon at ang mga ibon na naguusap sa taas. This is refreshing, at ng imulat ko ang mata ko nakita ko si Theo, papunta sa akin.

He smiled at me while walking towards me.

I smiled back.

“Anong ginagawa mo dito?” I asked him habang papalapit sakin.

“Pinupuntahan ka,” he said. “Kung okay lang sayo?”

Patuloy parin ang hampas ng alon dahilan para magulo ang buhok ko. Inayos ko ito, I tucked it on my ears.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon