CINCUENTA Y CINCO

10 3 0
                                    

[chapter 55]

“Bakit anak?” tanong ni Mama habang humahagulgul ako.

Pinunasan ko yung mga luha ko.

“Ate bakit ka umiiyak?” tanong ni Leondrè. Napatingin ako sakanya. Nakita ko kung gaano ka genuine ng concern niya sakin, hindi ako makapaniwala na niyakap niya ako.

“Gising na po si Theo Ma...” sabi ko. “Pero... Pero hindi niya po ako maalala...” sabi ko habang pinipigilan ang sarili na wag umiyak.

Huminga ng malalim si Mama, she look so upset pero sinusubukang ngumiti. “Tahan na anak, gusto mo na bang umuwi?” tanong ni Mama.

Kinagat ko ang labi at tumango.

Nang biglang may tumawag sa akin.

“Lacey, anak... Salamat...” niyakap ako ni Mommy nila. “Hindi ko alam kung papaano kita papasalamatan...” nagtataka niya akong tinignan.

“Sapat na po yung makita ko si Theo na gising na.” I said.

“Uuwi na ba kayo anak? Hindi ka ba mag-s-stay muna ng ilang saglit at baka hanapin ka ni Theo?” tanong ni Mommy niya.

At nagtinginan kami ni Mama.

“Halika pumasok muna kayo...”

At pumasok naman kami, sila Mama hindi na tumuloy pa habang ako patuloy na pumasok.

“Theo, gusto mo bang kausapin si Lacey?” tanong ni Mommy niya.

Like what? Gustong kausapin? Ni hindi na nga nya ako maalala eh.

Hindi mawari ang naging reaksyon ni Theo.

Biglang tumahimik ng ilang segundo.

Pero bigla syang nahihiyang ngumiti.

Bumulong siya kay Mommy niya. At si Mommy naman niya ay nabigla sa sinabi ni Theo.

“Lacey, si Theo pala, anak ko.” introduce agad ni Mommy niya.

“Hello po!” Theo waved at me.

Binulungan ako ni Mommy niya.

“Nahihiya daw sya sayo, kasi bakit ko daw siya ipapakausap sayo eh hindi naman kayo magka-kilala.” sabi ni Mommy niya.
Ngumingiti lang sila.

“Ah, Theo, mag-usap lang kami ni ate Lacey.” naglakad kami palabas sa room.

“May amnesia ang anak ko?” biglang sinabi ni Mommy niya.

“Opo, kaya umiiyak po akong lumabas kasi po hindi niya po ako nakilala noong nagising siya.” sabi ko.

“Oh my gosh, kailangan kong tumawag ng doctor.” sabi ni Mommy niya habang nagaalala. “Sige Lacey, if need mo ng magpahinga ako na muna bahala dito.” sabi ni Mommy nila.

“Sige po Tita.” sabi ko.

Hinawakan ni Mommy niya ang balikat ko, “Lacey.”

“Po?”

“Magiging okay rin siya, maalala ka rin nya.” ngumiting sinabi ni Mommy niya.

“Sana nga po.” I smiled.

Pagdating na pagdating sa bahay dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Hindi na ako pinigilan nila Mama kasi alam nila kung ano ang nararamdaman ko.

Kinuha ko ang unan ko para yakapin ito habang humahagulgul.

“Ano bang nangyayari???” sabi ko sa sarili.

Kinuha ko ang phone ko para tignan ang last message niya sa akin, kung saan halos buong month na pag-aantay sa paggising niya ay lagi ko ng ginagawa.

Pakiramdam ko, nawala yung tanging tao na nagpapahalaga sa akin.

Ayokong isipin na pwede kong tanggapin yun sa dahilan na gising na siya. Hindi ako susuko. Kung noong naka-coma nga siya ay hindi ako sumuko, what more pa kaya ngayong may malay na sya?

Kailangan niyang maka-alala, kailangan niya akong maalala. Kailangan ko si Theo, kailangan ko ang ading ko.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon