CUARENTA Y NUEVE

11 3 0
                                    

[chapter 49]

Dumating si Mama at si Leo. Napatingin sila sakanila, nakita ako ni Mama na umiiyak. Then tinignan niya si Sierra, at tila alam na ni Mama ang nangyari.

“Uh ano pa Lace, si ano kasi, um. Si Dos...” Sierra's frightening habang sinusubukang i-explain sakin. At ano ito? Mayroon pa akong isa pang dapat malaman maliban sa aksidente?

“Ano? Please... Ano? Diretsahin nyo na ako!” I told them.

She breathe deeply, and kinamot ang ulo. “Paano ko ba ito sasabihin...” she mumbled. “Ganito kasi...”

“Si Dos kasi, uh...”

“ANO?! SABIHIN NYO NA SAKIN!” I yelled. Yes, I'm literally yelling, binibitin nila ako eh.

“Si Dos kasi eh, nasa iisang hospital kayo, naka-confine siya ngayon... At na-aksidente siya kasi pinilit niyang mag-drive ng kotse nila. Sabi niya, gusto ka daw nyang makauwing safe. Pinigilan namin siya, pero sobrang nagaalala siya kaya hindi narin niya inantay si Tom at siya na mismo ang nagpumilit na gawin ito. Pinuntahan namin si Mommy niya pero huli na ang lahat, naka-alis na siya at ihahatid ka sana.” Sierra explained.

Hindi ko napigilang umiyak, sobra akong nasaktan. Gusto ko pang sumigaw dahil sa galit ko sa sarili ko, bakit napaka-tanga ko? Minahal ako ng tao ng sobra but all I see is myself. Napaka-makasarili ko.

Bumalik paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Sierra, ulit-ulit. Parang sa pelikula, nangyayari pala yun sa totoong buhay. Yun bang isang malawak na kawalan ang makikita mo, isang madilim at nakakatakot na lugar na parang unti-unti ng maguguluhan ang isip mo.

“Nagiguilty ako dahil na-aksidente sya dahil gusto niya akong ihatid ng safe, nagiguilty ako kasi isinisi ko ang lahat ng nangyaring ito sakanya. Nagiguilty sa pagtatampo ko sakanya at dahil noong sinabi ko sakanya na iwan niya ako ay iniwan niya nga ako. Nagiguilty ako kasi --” I cried so hard, laying on the hospital pillow. While Mama stood up and walked towards me and rubbed my forehead.

Matapos akong umiyak, napag-desisyunan ni Mama na umuwi sa bahay para kumuha ng mga gamit ko. Naiwan ako, si Martin at sila Sierra -- tulala parin ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. It's so hard to identify. I miss him, I'm feeling sorry for what I did.

“Kamusta na kaya si Theo?” I said out loud.

Tumingin ako sakanila.

Ayan na naman sila sa stupid games nila, ayaw nila akong tignan.

Naglakas loob si Martin na ngitian at tignan ako. “Uh, hindi ko masasabing maayos siya ngayon. Kasi tulad mo, nakahiga rin siya sa hospital bed.”

Hindi ko ma-take na wala ako sa tabi niya, gusto kong ako ang nagaalalaga sakanya ngayon. Ang tanong, gusto kaya niya akong makita or ng family niya? Ni hindi nga ako binisita ni Tom dito e.

“Naisip ko lang, pwede ko kaya siyang bisitahin?” tanong ko.

“Holy shit!” napa-mura si Martin. “Hindi ka pa pwede, you're still not fine. Alam kong nagaalala ka sakanya, pero alalahanin mo rin muna ang sarili mo.”

Biglang may kumatok. I assume it was the nurse pero nung pinapasok namin, si Tom pala. My bestfriend.

“Tom?” I said, medyo naiiyak dahil binisita niya ako.

Hindi siya gaanong makatingin sakin, “I'm sorry Lacey...” sabi niya.

“Sorry para saan?” tumutulo parin ang luha ko, pero I can still manage to talk.

“Kasi, if I was just there, you're safe. Ngayon, I can't stand seeing you like that.” he said, still not looking at me.

“Huy! Wala yun, it happens.” I said, pinilit kong kuhanin ang kamay niya.

“Hindi, kasalanan ko ito.” pilit niyang sinabi.

“Hey, Tom, tignan mo ako.” pinipilit ko siyang tignan ako, “Tom, please look at me.”

Slowly, tinignan niya ako.

“It's not your fault.” sabi ko.

“Kasalanan ko ito, kung hindi ko pinilit si Bradley na maghanap ng iba pang makakain, wala ka dito at...” hindi niya maituloy, pero I'm sure si Theo ang sasabihin niya.

“I-I will be okay.” I said stuttered. “And so as Theo, magiging okay rin kami.” sabi ko sakanya.

“Hindi ko alam,” he shook his head. “hindi ko alam... Kasi Theo is...”

“Ano? Ano yun Tom?”

“Theo is...” still shaking his head. “I can't tell you, you're still not doing well. Ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo,” then he started crying. “I have to go...”

“Wait, Tom, ano ba kasing nangyayari? Anong bang nangyayari kay Theo?” I asked... Everyone.

“Sorry Lacey pumunta lang ako dito just to make sure you're okay, but I really need to go.” binitawan niya ang kamay ko, at lumabas sa pinto.

Holy crap! Why's everyone not answering me?

“Alam nyo ba?” tanong ko sakanila. Then tumayo sila at nagpaalam na lumabas muna for some airs, they can't even answer me.

“Hindi nyo ba alam na, nadadagdag pa ito sa nararamdaman ko? I can't stop thinking about this, why can't you just tell me what's happening?” I almost yelled.

Iniwan nila si Martin at ako sa loob.

“Come on!” sabi ni Martin, “Bakit ayaw ka nilang sagutin sa tanong mo at aalis nalang at i-aasa na naman nila sa akin ito? Ano ba? Sinasadya ba nila ito?” Martin looked at me and he gulped.

“Ano ba kasi yun Martin?” I looked at him with sincerity.

“Uh, I think kailangan mo munang magpagaling bago mo malaman yun.” Martin said.

Binigyan nila ako ng mga clues, tapos ngayon gusto nila akong gumaling muna? Bago sabihin? Like what? Am I stupid? Dapat sana nanahimik nalang sila.

“Sa tingin mo gagaling ako dito? Hindi ko magawa ang mga dapat kong gawin, nakahiga lang, tapos binigyan nyo pa ako ng kaunti lang naman na dahilan kung bakit ako mag-aalala. Kung sinabi nyo na, kung sinabi mo na Martin atleast alam ko kung papaano ko kokontrolin ang isip ko. Sabihin nyo na kasi.” pinipilit ko siyang sabihin sa akin.

“HINDI! AYOKO! Kahit ano pa ang gawin mo.” nagmatigas si Martin.

“Bakit? Bakit kasi? Ano??? Hindi mapakali ang isip ko! Nakakainis naman oh.” hindi nila maisip na ganito na nga ang sitwasyon ko naiistress pa ako kakaisip kung ano ang nangyari ba talaga? Naputol ba ang kamay ni Theo? Na-comatose ba siya? Sobrang dami ba ng sugat na natamo niya sa kakabangga? Ano???

“NOPE!”

“I hate you Martin!” umiyak ako at tinalikuran sya. “I've only asked one thing, sabihin mo lang...”

Martin sighed.

“Hindi ko kayang sabihin sayo, dapat ikaw mismo ang maka-alam o maka-kita. Ayokong dahil sa pagsabi ko sayo kaya ka...” he paused, dahil magbibigay sya ng clue. “...magiging malungkot.”

Okay, I'm still thinking about it pero pinili ko nalang manahimik.

Huminga ng malalim si Martin.

“Okay!” he almost yelled. “Tutulungan na kita na makita siya. Sasamahan nalang kita na puntahan siya.”

Nanlaki ang mata ko at humarap kay Martin. “Talaga? Oh my gosh thank you Martin!” nagready na ako.

“Wait? Wait? Anong ginagawa mo?” tanong nya.

“Nagreready.” I told him.

“Bakit?” he asked.

“Dahil pupuntahan natin si Theo.” I said.

“Oo pupuntahan natin siya, pero di pa ngayon... Mamaya pa.” Martin told me.

“Ugh!”

“Mas safe kung mamaya kita sasamahan, walang masyadong tao sa labas.” he explained.

Sumimangot ako, pero ano pa bang magagawa ko? Buti nga sasamahan niya pa ako eh.

“Okay.”

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon