TWICE - [Jeongyeon]
“Sa uulitin!” sabi 'ko na tinawanan lang nila.
Lumabas na kami ng dressing room ng makarinig kami ng pamilyar na boses.
“Uy, hindi 'ko naman kasi talaga sinasadya, wag ka na magalit.”
“Oh, Hi Kik -” pumasok si Yannie sa dressing room namin sumunod ay si Kiko. Uhm, what's going on? Bakit sumama sa pagpasok duon si Kiko?
Nagkatinginan kaming pito saka sa dressing room. Nauna nang maglakad si Maoui papasok ng dressing room at mga nagsisunuran naman kami. Hindi talaga pinapansin ni Yannie si Kiko kahit na anong pagsosorry ang gawin niya.
Naupo lang si Yannie sa upuan, nsgpho-phone na para talagang wala siyang nakikita. Sinutsutan 'ko si Kiko kaya napatingin siya dito, at sinenyasan namin na lumapit.
Lumabas kami ng dressing room para makausap namin siya ng maayos. Pagkalabas niya ay hindi pa lamang kami nagtatanong ay nagsimula na siyang magpaliwanag.
At sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag niya ay nabatukan 'ko siya, “Neo michin-ya?!” (Are you crazy?!) Hinigit ni Jiji braso 'ko paatras kay Kiko. “Just to be clear, hindi ako galit.” at pumiglas.
Kakamot kamot lang siya sa ulo niya, hindi alam ang sasabihin.
“Kiss lang katapat niyan.” ani Chaesy na agad namang tinakpan ni Maoui ang bibig nito.
“Iyon nga rin sabi ni Yuae kaso.. hindi naman ata tama 'yon.” tinanguhan lang namin siya.
Bumuntong hininga si Jiji at lumapit kay Kiko, “Hayaan mo muna 'yung tao. Lilipas rin 'yan, tsaka, hindi 'yung galit sa'yo. Baka nagtampo lang or something. Kami na ang bahala.”
Binibigyan na nila ng daan si Kiko paalis samantalang ako ay naglakad pa para batukan uli sana siya nang may humuli sa braso 'ko at hinigit ako paharap sa kaniya.
Lakihan mga mata 'ko sa sama ng tingin sa akin ng lalaking 'to. Sino pa? Edi si Jimmy. Siya lang 'tong makapal ang mukha na samaan ako ng tingin, e. “M-mwo?” (What?) nanghahamon 'ko siyang tiningnan.
“Don't hurt our hyung.” sabay bitaw niya sa akin ng pabagsak and to be honest, masakit 'yung pagkakabitaw niya kasi pabigla.
Hinarangan ni Maoui ng daan si Jimmy, “You don't hurt our eonni too.” my eyes widened no'ng batukan niya si Jimmy.
Nakita 'ko kung paano irapan ni Jimmy si Maoui at paniguradong nakita rin 'yon ni Jiji kaya agad siyang umarangkada. “Guys, may problema ba?”
Nilapitan ako ni Yuae na kakarating lang kasabay ng Bangtan at tinanong kung okay ako at tinanguhan 'ko lang.
“Pasensya na, mauna na muna kami. Tara. Jimmy, Kiko,” tawag ni Naj.
Pagtalikod nila ay saktong labas naman ng GOT7 na may ngiti sa mga labi at masayang kinongrats ang Bangtan sa naging resulta ng performance nila. At alam mo ano ang nakakainis do'n? Inaapiran ng GOT7 ang Bangtan pero tinitigan lang nila sila pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglakad.
BINABASA MO ANG
The BangTwice's Destiny (Part 2)
FanfictionIt's the start of both painful and romantic love stories of seven to nine members of the groups. STARTED : August 24, 2019 ENDED : June 24, 2020