BTS (10)

36 1 0
                                    

BTS - [Jeo]











“Narinig kaya niya tayo? Kasi naman, bubulong na lang, ang lakas pa!”










Susunod sana ako kay Jimmy dahil ready to go na rin ako at gusto 'ko na ring dumiretso sa sasakyan. Mabilis ata siyang naglakad kaya hindi 'ko na naabutan. Pero tumuloy parin ako.











Pero bumagal lakad 'ko nuong pababa palang ako ng hagdan ay may naririnig na akong nagbu-bulungan. Ayaw 'ko sana makinig pero ewan 'ko ba at parang may kutob ako na may kinalaman ang bulungan nila sa amin.











Kung sino man ang nagbu-bulungan.










“Huwag lang sana siya magka idea na sila ang pinag uusapan natin. Nako! Tanggal tayo sa trabaho na 'to.”










“Pero alam mo ba, sila lang atang dalawa ang may tawagan sa isa't isa.”










Mas binagalan 'ko pa ang pagbaba, hinihintay na makadaan na sila para malaman 'ko kung sino 'yung mga nag uusap.











“Weh? Anong tawagan naman? Yeobu? Nae sarang? Dangshin?”










“Hmm.. Taiki? Maki? Basta 'yung kay Seokjin-ssi, Jinks ang pagkakarinig 'ko, e. Sweet, no? Parang walang pinirmahan na kontrata.”











My eyes widened, are they talking about Jinks and Taki? Agad akong tumalikod sa pagkakatayo 'ko nuong saktong paakyat sila sa hagdan na kinatatayuan 'ko ngayon.











Masyado naman silang busy sa pag bubulungan na hindi nila napansin o naramdaman ang presensya 'ko.










“Sus, what do we expect? Lahat ng artista laging may tinatagong baho 'yan, hahaha!”










Natulala ako sandali. Tumalikod na uli ako at tutuloy na sana ng baba, may mga nakasabay akong ilang staffs sa direksyon na dadaanan 'ko kaya binati 'ko sila saglit.











Nauna silang maglakad sa akin, sobrang bilis nga nilang maglakad, e. Parang kala mo ay may hinahabol na oras.










“May gusto ka bang iparating?”










“Oo. Na maliit utak mo, Hahaha! Joke lang. Iiyak ka na naman, e.”










Napatigil ako sa paglalakad. Parang gusto 'ko biglang bumalik sa taas at hindi magpakita kila Jimmy at Yoji.










“Ang weird nila makatingin, Pansin mo?”










“Bilisan mo na lang ng lakad.”









Tumalikod na ako at binilisan ang paglalakad pabalik sa taas at sa dressing room. Pagkapasok 'ko ng dressing room ay agad akong napasandal sa pinto. I heaved a sigh. Hindi makapaniwala sa mga narinig 'ko.











“Oh? Bakit bumalik ka?” minulat 'ko mata 'ko at unang bumungad sa akin si Jinks na nakatayo sa harap 'ko, nagtatanong.










What did you do, hyung? Bakit ka pinag uusapan ng mga tao dito? What did you and Taki do? I'm worried. Bakit ba wala sa akin ang phone!











The BangTwice's Destiny (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon