TWICE - [Chaesy]
He didn't show up.
I told him to meet me outside our hotel rooms after our fansigning event. 10 minutes na ang nakalipas at wala pa rin siya! Wala ba talaga 'tong balak na makipag ayos sa akin?
I sent him a text once again, Hello? I'm trying to fix things here. Unless you don't want to?
Naiinis na talaga ako. Isang linggo na niya akong tinitiis! Partida ako na ang gumawa ng move para makapag usap kami tapos aayaw pa siya? Wala pa rin siyang reply. Edi wag!
Fine, then don't! Hindi ka kawalan.
Kakagigil.
Tumalikod na ako at dumiretso ng pasok sa loob at padabog na dumapa sa kama na hinihigaan ni Maoui. “Bwisit, muntik pa ako tumalsik paalis ng kama!” hindi 'ko na lang pinansin.
Wala talaga? Wala talagang mag no-notif sa phone 'ko? Hindi na talaga siya magre-reply? Oh My God! Isang rapper at vocalist ng GOT7, na-ghost ako?! Wow. Napaka galing naman talaga!
Dumating si Manager at base sa naririnig 'ko ay may dala siyang mga pagkain pang lunch at meryenda na rin namin. Nanatili akong nakadapa at nakasubsob ang mukha habang sila ay nando'n nagkukumpulan at tinitingnan ang mga pagkain.
“Sa wakas tapos na lahat ng kailangan gawin. Finally~”
“Akin 'yan, ito ata sa'yo.”
“Chaeyoung-a! Diba gutom ka kanina pa?”
'Wag ngayon, Dakki. Kanina lang 'yon! Hindi na ako gutom. Wala na akong gana. Busog na busog na ako sa cold treatment ng isang 'to!
“Chaeyoung. Why are you not eating yet?” tanong ni Manager sa akin.
Sa halip na sagutin ang mga tanong nila ay nag kunwari na lang akong tulog. Gagana naman siguro diba kasi nakakapagod rin 'yung ginawa namin kanina. Nakakapagod rin mag salita, no!
“Chaeyoung — ” naramdaman 'ko 'yung pag lapit ni Manager malapit dito sa kama at mas diniin 'ko ang pag pikit 'ko kahit na hindi rin naman niya makikita mukha 'ko kasi nakasubsob. “Tulog na pala 'to.”
“Pero sabi niya gutom na gutom na siya?” mukhang may pagkain pa sa bibig ni Dakki no'ng sabihin niya 'yon. “Tirhan na lang namin siya, Manager!”
“Arasso. Naega monjo halkke.” (Okay. I'll go ahead)
“NE!”
Ang sakit na ng ilong 'ko sa kakasubsob ng mukha sa kama pero kailangan 'ko panindigan itong pag kukunwari 'kong tulog. Aahh! Ang hirap na huminga dito!
***
Naalimpungatan ako dahil sa biglang sakit ng leeg 'ko no'ng lilipat sana ako ng pwesto. As in sobrang sakit talaga! Para akong may stiff neck.
Hawak hawak 'ko leeg 'ko habang umaamba ng upo sa kama. Antok pa ako pero ang sakit na talaga ng leeg 'ko. Aish.
BINABASA MO ANG
The BangTwice's Destiny (Part 2)
FanfictionIt's the start of both painful and romantic love stories of seven to nine members of the groups. STARTED : August 24, 2019 ENDED : June 24, 2020