GOT7 - [BamBam]
“Huwang niyong susubuan mga ka-lovelife niyo, a! Mahiya naman kayo sa amin.”
Nagising ako sa ingay na narinig 'ko. Pagkamulat 'ko ng mga mata 'ko ay nakasandal na ako sa baba ng kama. Unang bumungad sa paningin 'ko ay si Chaesy na nakaupo sa kanan at nakahawak sa kaliwang psingi 'ko.
Bigla 'ko naalala na inaya kami ng BTS uminom, nagkataon naman na gusto namin magpaka lasing at ilabas ang mga hinanakit namin sa pag inom kaya pumayag kami.
Napa balikwas ako ng upo at umayos ng pagkakasandal sa babang kama at inalalayan naman niya ako agad. Inangat niya ang hawak niyang pagkain para iabot sa akin.
“Buti na lang naka-jacket si Dakki kanina. Sobrang dami nga, e. Hihina niyo naman uminom!” dinig 'ko pang sabi ni Maoui sa malayo.
Kinuha 'ko 'yung pagkain na inabot niya sa akin, “Ano 'to?”
She rolled her eyes, “Ano pa ba? Tss. Ubusin mo 'yan, a.”
Medyo nahirapan pa ako na kumain. Susubo palang ako ng pagkain ay mamuntikan 'ko lang maibagsak kaya pinatong 'ko muna agad 'yung porridge sa sahig. Nanghihina pa buong katawan 'ko. Nahihilo rin ako.
I heard her tsk-ed bago kinuha ang bowl at kutsara para subuan ako, “Kasi, e. Iinom inom hindi naman pala kaya tulungan sarili.” may halong inis sa boses niya.
Hindi siya mukhang nagbibiro miski nag aalala.
“Paano niyo nalaman na nandito kami?” tanong ni Naj.
Nabaling tingin 'ko kay Yannie na nag papaliwanag habang sinusubukan gisingin si Kiko, “Tinatawagan kayo ng mga Manager niyo, e, walang sumasagot. Kaya kami ang nautusan na silipin kayo. — Mahirap ba talaga gisingin 'to?! Kanina 'ko pa siya sinasampal, a!”
“Hayaan mo na siya diyan. Magigising rin 'yan ng kaniya.” si Jimmy.
Nabalik tingin 'ko kay Chaesy no'ng iharap niya 'yung kutsara sa akin. Sumunod na lang ako sa kaniya. Hinang hina ako kaya hindi 'ko rin kaya mag inarte. Nagugutom rin ako kaya mas nakakatamad mag pasaway.
Hindi naaalis ang mga titig 'ko sa kaniya habang sinusubukan niya ako ng porridge. I'm observing her. At kung titingnan, para siyang napipilitan sa pag papakain sa akin. Mukha akong pabigat sa kaniya ngayon.
“Sa susunod, pag iinom kayo, siguraduhin mong — ” i grabbed her wrist na may hawak na kutsara at pinigilan siyang ilapit 'yon sa bibig 'ko. “Mwo?” (What?)
“Neo..” i paused for a while. Building up courage to ask her a very risky question. “Jinjja.. joahae?” (Do you really like me?)
We locked eyes for a moment. Bumuka ng kaunti ang labi niya dala siguro ng gulat dahil sa tanong 'ko. Unti unti na rin bumababa ang kamay niya kaya binitawan 'ko na wrist niya. Naipatong niya sa sahig ang pagkain sabay iwas ng tingin bigla.
Even i looked away.
She lied.
BINABASA MO ANG
The BangTwice's Destiny (Part 2)
FanfictionIt's the start of both painful and romantic love stories of seven to nine members of the groups. STARTED : August 24, 2019 ENDED : June 24, 2020